CHAPTER 2 (Moving On)

9.6K 152 6
                                    

ISANG LINGGO NA ANG LUMIPAS, NAGLILINIS NG KOTSE SI BRIX, NAKA BOXERS LANG ITO.

Dumating si AL.

Al: Magandang tanghali po, si Lian po nadiyan po ba?

Brix: (Napatingin kay Al) Ikaw yung boyfriend nya?

Al: Opo, nagkakilala na po tayo last week, pero medyo bad mood ata kayo nun kaya hindi niyo ako pinansin? Hehehe.

Brix: (Ngumiti) Pasensiya ka na. May sumpong lang ako nun. At pwede ba huwag mo nga akong pinopo? Kuya lang ako ni Lian, hindi tatay.

Al: Pasensiya na. Hehehe.

Brix: Si Lian, nasa labas pero parating na yun. Hintayin mo nalang sa loob. Pumasok ka na.

Al: Salamat po!

Brix: Huwag na sabing po eh, bro na lang.

Al: (Napangiti) Sige, Bro. 😊

Nag ngitian sila.

Napansin ni Brix na gwapo pala si Al.
Moreno, matangkad din, siguro nasa 5'10, may dimples, matangos ang il0ng at maganda din ang tindig ng katawan.

Pumas0k na sa l0ob si Al at nagpatuloy naman sa paglilinis ng k0tse si Brix.

Ilang saglit ay dumating na si Lian.

Brix: Nasa loob na ang boyfriend mo, hinihintay ka.

Lian: Talaga? Baka sinungitan mo na naman ah?

Brix: Don't worry, hindi.

Lian: Mabuti naman.

Pumasok na si Lian.

Habang naglilinis ng k0tse si Brix ay biglang dumating si Yuan.

Yuan: Brix...

Nagulat si Brix ng makita si Yuan. Lumingon siya upang tignan kung nakapasok na sa loob ng bahay si Lian.

Brix: Anong ginagawa mo dito?

Yuan: Can we talk?

Brix: Wala na tayong dapat pag usapan. Tapos na tayo kaya makakaalis ka na!

Yuan: Brix please. I'm so sorry! Hindi ko na uulitin yun. Patawarin mo na ako.

Brix: Umalis ka na sabi eh!

Yuan: Brix, nami-miss na kita. Mag usap naman tayo oh?

Brix: Mag usap? Para saan pa? Umalis ka na dahil baka masaktan pa kita!

Yuan: Brix, please?

Brix: That's enoug Yuan! Nasaktan mo na ako! Ginago mo ako! Kaya umalis ka na!

Yuan: Kaya nga ako nandito ngayon eh. Gusto kong mag sorry, gusto kong makipagbalikan sa'yo!

Brix: Ayoko na Yuan! Tapos na akong isipin ka. Naka move on na ako! Kaya makakaalis ka na. Magsama na kayo ng kalandian mo!

Yuan: Parang awa mo na Brix. Patawarin mo na ako!

Napaiyak si Yuan.

Brix: UMALIS KA NA SABI!

Itinulak niya si Yuan.

Brix: Huwag mo na akong guguluhin!

Biglang lumabas sina Lian at Al.

Lian: Kuya? Anong nangyayari? Sino siya?

Brix: (Nagulat) H-Ha? Ah wala, may tinatanong lang siya (tumingin kay Yuan) pasensiya na pero nagkamali ka ng bahay na napuntahan. Wala dito ang hinahanap mo. Makakaalis ka na.

Walang nagawa si Yuan kundi ang umalis.

Lian: Akala tuloy namin ni Al may kaaway ka eh. Para kasing narinig kita na sumigaw eh.

Brix: Ha? Ah medyo bingi kasi yung lalake. Kaya napalakas yung salita ko.

Lian: Ah okay.

Beix: May lakad ba kayo ng boyfriend mo?

Lian: Actually, pupunta kami sa bahay nila kasi ipapakilala daw niya ako sa parents niya.

Halatang kinikilig si Lian.

Brix: Ganun ba? Sige, mag iingat kayo.

Al: Mauna na kami, bro.

Lian: Bye kuya.

Ngumiti si Brix.
Umalis na sina Lian at Al. Magka holding hands.
Sinundan sila ng tingin ni Brix at napabuntong hininga siya.



Sa isang GYM.
Nandoon si Brix kasama ang ilang kaibigan niya.

Ian: Bro, bakit nga pala hindi mo na kasama si Yuan?

Migs: Oo nga. Magkaaway ba kayo?

Brix: Ha? Hindi, medyo busy lang kasi siya kaya hindi na siya nakakasama sa akin dito.

Ian: Ahhh ganun ba?

Brix: Paano mga brad, mauna na ako ah? May lakad pa kasi ako eh.

Migs: Mukhang may ka date ka na namang chics ah? Pakilala mo naman kami!

Brix: (Natawa) Mga sira! Sige na, mauna na ako.

Umalis na si Brix.
Nakasalubong niya sa labas si Al.

Al: Uy, Bro!

Brix: (Napatingin kay Al) Oh Al? Dito ka rin naggi-gym?

Al: Ah actually, 1 week pa lang ako dito eh.

Brix: Ah ganun ba? O paano, mauna na ako sa'yo ah?

Al: Sige bro!

Umalis na si Brix..
Sinundan siya ng tingin ni Al at saka pumasok sa loob ng gym.

Dumiretso si Brix sa isang coffee shop at nakipagkita siya kay Aya.
Si Aya ang pinaka malapit niyang kaibigang babae. Ito lang ang nakakaalam sa naging relasyon nito kay Yuan.

Aya: So ano? Wala na talaga kayong pag asang magkabalikan ni Yuan?

Brix: Wala na. Ayoko na Aya, at ayoko na rin na subukan ulit na makipag relasyon sa kapwa ko lalake.

Aya: Ikaw naman kasi! Sinasayang mo yang ka gwapuhan mo! Ang dami dami pa namang nagkaka crush sa'yong mga babae!

Napangiti si Brix.

Brix: Kung alam lang nila! Hahaha.

Natawa si Aya.

Aya: True!

ITUTULOY....

MY SISTER'S BOYFRIEND BOYXBOY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon