Randell Maverick Serrano
09:41 AM
Randell Maverick: Magpupunta ka ba sa studio 13?
Anong meron?
Randell Maverick: Recording ni Jin
Randell Maverick: Yung ipo-produce mo
Ah.
Randell Maverick: Pupunta ka?
Paalam muna ko kay Bless
Randell Maverick: Bakit kailangan pa mag-paalam kay Blessy? Hindi ka ba papayagan?
Randell Maverick: HAHAHAHAHA
Nandito si Blessy sa bahay
Hindi naman pwedeng umalis ako na hindi nagsasabi sa kanya
Randell Maverick: Baka kung ano na yan
Randell Maverick: Tandaan mo Gi, si Blessy yan ah.
Ano ba?
Pati ba naman kami ni Blessy pinakikialaman mo?
Randell Maverick: Ayaw mo aminin kung ano relasyon niyo ni Blessy eh
Anong aaminin ko?
Randell Maverick: Ano na ba meron sa inyo ni Blessy?
Best friends
Randell Maverick: Hina naman Yuugi!
Anong mahina doon?
Wag mo kasi bigyan ng kahulugan yung meron samin ni Bless
Randell Maverick: Bakit lagi mong kasama?
Randell Maverick: May mag best friend bang ganyan?
Meron
Kami ni Blessy
Randell Maverick: Aminin mo na kasi na may feelings ka kay Blessy
Isasama ko na lang si Bless dyan
Tapos after kong marinig recording ni Jin, kung wala naman ako papabago, aalis na lang kami agad ni Bless.
Randell Maverick: Ipapakilala mo na ba kami kay Blessy?
Alam mo Del di ka rin talaga nakakatuwa eh
Randell Maverick: Ano bang masama kung ipapakilala mo kami kay Blessy? Akala ko ba magkaibigan lang kayo.
Oo nga
Randell Maverick: Edi walang masama kung makilala namin siya. Kami yung mga magiging bago niyang kaibigan kapag naglakas ka na ng loob
Ewan ko sayo
Bahala ka dyan
Randell Maverick: Excited na ko makilala si Blessy 😊
Hindi siya lalabas ng sasakyan!
Randell Maverick: HAHAHAHAHA