Barbie's POV
Ang Swerte talaga ng 2013 ko!! ^_^ Well, at sya pa talaga ang unang kumausap sakin , ang sabi nga nila, 'Expect the unexpected' tapos kahapon hinatid nya pa ako, ang saya talaga!!
At san ako pupunta ngayon?
Sa Library!
Baka kasi makita ko ulit si Ken dun eh CHAROT!! joke lang, gusto ko rin naman magbasa!
Pumunta ako dun sa pinaka dulong table para magbasa
This Time, 'Nancy Drew' naman ang binabasa ko, nakakacurious kasi ang mystery ang category ng isang story eh :P
So yeah
Basa...
Basa...
Basa...
Basa...
Ahh nangangawit na yung balikat ko >_<
Binaba ko muna yung book sa table at ni-stretch ang mga kamay ko
At sa di inaasahang pagkakataon, nakita ko nanaman si Ken....
Oo tama, si Ken nga....
Pero sa nakita ko, para bang may tumusok sa puso ko, ewan ko, ang sakit naman kasi eh
Ang sakit sakit na nakikita ko syang may kasamang iba
At mas lalo pang masakit na makita syang higit na masaya pag kasama nya yung babaeng yun
Wala man akong karapatan sa kanya pero, tao rin naman ako... wala akong ginawang masama kundi ang mahalin sya......
Mahal? hindi... ultimate crush ko lang sya....tama, hindi ko sya mahal
Pero sabihin ko mang hindi ko sya mahal... hindi ko pa rin mapipigilan ang sakit...
Hindi ko napigilang tumulo ang mga luha na galing sa mata ko nang makita kong hinalikan sya ng babae na yun sa kanyang pisngi.....Ano ba kasing nangyayari sakin? bakit ganito ang nararamdaman ko? pwede naman kasing ibaling ko ang pagtingin ko sa iba...
Biglang napalingon sa direksyon ko si Ken..
Nakita ko sa mga mata niya na nag-aalala sya sakin, para bang gusto nya akong lapitan...
Pero pinunasan ko nalang ang mga luha ko,inalis ko ang tingin sa kanya at tumayo sa kinakaupuan ko
Nararamdaman kong sinusundan nya ako ng tingin pero hindi ko nalang yun pinansin...
Patuloy akong naglakad at nilagay ang libro sa reserved section at tuluyan ng umalis ng library
*Fast Forward*
"Okay class, so anyone wanna volunteer to answer my question in number 10?"-Science teacher
nagtaasan ng kamay yung iba kong kaklase
"Kindly answer this question Ms.Mendoza"
"The study of blah blah blah"
Hindi ko na naintindihan yung sinagot nung kaklase ko, lutang nanaman kasi yung isip ko eh
nag-alala kaya sya sakin kanina?
iniisip nya kaya kung nasaktan ako?
naisip nya kaya kung bakit ako na-iyak?
*Sigh* never mind alam kong kahit kelan hindi nya ako iisipin..
"Class Dismissed"-Science teacher
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
Teen Fiction"Mahal din kaya ako ni Crush? Ako kasi mahal ko na sya eh" - Barbie ------------------------------------------ "Sana masabi ko na sa kanya, Di ko na kasi talaga kayang itago na lang sa Diary ko yung mga nararamdaman ko eh" - Ken (Cover by: xGuitarSt...