KABANATA 2

3 0 0
                                    

"Thal, paano to? Di ko makuha. Nalilito ako" Ipinakita ni Monique sa akin ang test paper namin noong unang exam namin. Nandito kami sa library para magreview para sa test namin mamaya. Kasama namin ang ilang kaklase namin"

"Ah, reciprocal accounts kasi yan. Pag IIB ibig sabihin ang home office ang nagrerecord noon, pag Home office naman, ibig sabihin yung branch ang nagrerecord" Tiningnan ko siya na gulong gulo pa rin. Suminghal ako at binigyan ng example. Nakita ko namang seryuso ding nakatingin ang iba naming kasama.

"Eto, fourth bullet, basahin niyo" panimula ko. "Sino ang nagrerecord ng Home office?" tanong

"Si Branch A" sagot ni Miggy

"Eh si Branch A, sinong nagrerecord?"

"Si Home office" sabi ni Monique

"Okay. Good. Sabi dito hindi na notify ni home office si branch. So it means, hindi narecord sa Books ni Home office. Diba si Home office ang humahawak sa record ni branch, so ideduct natin ang 3600 sa Books ni Home office."

"Ganoon pala yun. Nadeduct ko kasi sa Book ni Branch kaya mali ako" aniya ni Paolo.

"Galing mo talaga dito." sambit naman ni Maki

"Inspired kasi yan. Ganyan ang epekto ng pag-ibig sa kanya" sabi ni Alex sabay kiliti sa tagiliran ko. Ngumisi lang ako.

"Uy, nagblublush."

"Tumigil nga kayo."

"Bagay talaga kayo ni Nico. Perfect couple. Sweet niyong tingnan tapos in love na in love pa rin kayo sa isa't isa"

"Oo nga Thal. Pang forever yang relationship niyo. Cute niyong tingnan."

"Wag mo na yang pakawalan girl"

"Tsaka diba sa una, malapitin ng chicks yang si Nico, akalain mo napa-amo mo."

"Alam mo Monique, kahit anong bangis ng hayop, napapaamo rin iyan. Di ba Thal?"

Nginitian ko lang sila. Lagi nalang ganito. Tuwing mag-aaral kami, sa lovelife ko lang napupunta.

"Sus sigurado ako kung hindi naging kayo, maraming babae ang magkakandarapa sa jowa mo"

"Tsaka, siguro marami na ang pumorma sayo. Sa ganda mong yan? Di lang si Nico ang mahuhumaling"

"Pag ikaw pina-iyak ng Nico na yan, makakapatay kami ng tao. Diba guys" Sabi ni Monique na sinang-ayunan naman nila. Ako man din. Makakapatay din ako oras na lokohin niya ako. Pero alam kong di yun darating at hindi ko rin iyon pinagdarasal na dumating.

"Nakaka-inis nga lang iyong isa niyang kaklase. Ano nga ulit pangalan nun? Kasi parang sa tuwing makikita ko sina Nico, palaging siyang kasama."

"Si Maggy? Sus. Ayoko ko doon sa impaktang iyon. Kakadiri. Pati ba naman ang Baby Ace ko, nilalapitan rin. Kung makipagharutan sa Engineering building parang walang nakakakita"

"Alam mo Lex, pwedeng pwede namang landiin si Ace, di naman yun nakatali eh. Si Nico ang di pwede kasi my Thalea ng nakabingwit doon"

"Ah basta, pagnakita ko ang babaeng higad na iyon na dumidikit ulit sa crush ko, babalatan ko talaga ng buhay."

"Nagpapalandi kasi si Ace. Subukan mo ring landiin si Ace para mapunta sayo ang atensyon niya"

"Ah basta, makakapatay talaga ako pag nilandi niya ang Ace ko."

Patuloy pa rin sila sa kwentuhan habang tahimik lang akong nakikinig. Narinig kong tumunog ang cellphone ko. One message receive.

Nico:

YOU WERE WORTH THE WAITWhere stories live. Discover now