nasaan ang mga pera ah... Saan niyo na naman tinatago?. Sigaw ni papa na umabot pa dito sa kwarto namin.
wala kaming tinatagong pera Robert pinag-bili ko nang bigas dahil Wala na tayong kakainin at pwede bang hinaan mo Ang boses mo maririnig ka nang mga anak natin.
wala akong pake basta kailangan ko nang pera ngayon dahil talo na naman ako sa sugal dahil Ang mamalas niyo sa akin, pabigat lang kayo sa akin!!!.
kailan ka ba titigil sa pag susugal at malapit nang pasukan Ang mga anak natin at kailangan nating mag hanap buhay para may pag bayad tayo sa school nila kaya pwede ba tulungan mo naman ako huwag puro sugal lang Ang nasa isip mo at tsaka tigil tigilan mo din Ang pag iinom masama Yan sa katawan mo.
ate nag-aaway na naman ba sila mama at papa?.
Andito ako sa kuwarto para takpan Ang tenga nang kapatid ko na 7 years old palang.
ah.... Hindi nag-lalaro lang sila nang sigawan.
may ganun bang laro ate?.
oo ngayon lang nabuo tsaka takpan mo yang tenga mo nang unan para hindi mo marinig yung nilalaro nila sinunod naman ni Kevin Ang inutos ko sa kanya.
ano bang pake mo at tsaka Ikaw din Ang may dahilan kung bakit nag hihirap ako ngayon dahil sa katangaan mo sana maganda ang buha-.
Nakarinig ako nang malakas na sampal at mukhang nanggaling Kay mama.
buti nga mag pasalamat ka sa akin dahil niligtas ko Ang buhay mo dahil sa pinakakamahal mo at Robert nasa present na tayo Wala na tayo sa past kaya tanggapin mo naman na may sarili na tayong pamilya.
pamilya? Eh... Hindi ko nga anak yang mga yan.
Robert naman oh... Maririnig nang mga bata Ang mga sinasabi mo.
edi mabuti na marinig nila para alam nila na hindi ko sila mga anak at tsaka mag tra trabaho ako? Para saan? Sa kanila eh... Hindi ko naman sila ka ano ano.
umalis ka muna Robert alisin mo muna yang lasing mo.
talagang aalis ako dito Wala naman akong nakuhang pera dito mga walang pakinabang.
Narinig kong sumara Ang pintuan at bigla nalang may yumakap sa akin.
ate Wala akong narinig sa laro nila mama at papa hindi ako bad diba?.
oo Hindi ka bad kagaya ni papa.
Hindi ko kilala Ang tunay kong papa dahil nabuntis si mama nang hindi kilalang tao at ako Ang bunga nito.
Si Kevin naman ay napulot lang namin ni mama sa simbahan noong nag lilinis kami at dahil sa pag kukup kop ni mama si Kevin ay lagi nalang galit si papa at laging nag lalasing.
Bumukas Ang pintuan nang kwarto naming at pumasok si mama na tumutulo Ang mga luha nito.
ayos lang ba kayo?.
eh... Ikaw ma ayos ka lang ba bakit mo pinag titiisan si papa na lagi ka nalang sinasaktan?.
Pag laging natatapos Ang away nila mama at papa ay lagi nalang may pasa sa mga katawan ni mama at ngayon lang yata Malala Ang mga pasa ni mama.
hindi ko kayang mabuhay pag Wala Ang papa niyo.
hawak niya ba yang buhay mo ma?.
hindi naman sa ganon Trea Ang gusto ko lang naman ay buo tayo, huwag na nating pag usapan yun diba malapit na Ang pasukan niyo?.
oo ma.
Alam kong ayaw ni mama na pag usapan Ang away nila ni papa.
ate papasok ka na naman ba sa school niyo?.