Hays. Super nakakapagod naman 'tong araw na 'to! Dami naming ginawa sa school. Oh well, pauwi na pala ako ngayon. Di naman gaanong malayo ang bahay namin mula sa school ko kaya isang sakayan lang ng jeep ang kelangan.
As usual, mga ilang minuto rin ang ilalaan ko sa paghihintay ng jeep na masasakyan sa Jeepney stop. Nakakabagot rin minsan eh! Tagal-tagal bago ako makasakay.
*HINTAY. HINTAY. HINTAY.*
Phew! After 123456 years, may huminto na ring jeep. Medyo maluwag pa naman kaya nakasakay na ako. Nakaugalian ko nang makinig ng music through my iPod tuwing nasa byahe. So yun, nakinig ako ng music. Mga 15 minutes pa naman bago ako makarating sa bahay namin.
Napatigil ang jeep sa tapat ng isang waiting shed na hintayan ng mga commuters. May sumakay na isang lalake. Isang SUPER GWAPONG lalake! Kaedad ko lang yata 'to eh.
