Ikaw ma'y nagtataka kung bakit ganito na lamang ang pamagat ng aking k'wento. Simple lang. Basahin mo ito nang maunawaan mo ang nais kong ipahiwatig. Maibibigay ko lamang ang sagot sa iyong katanungan kung maging ako ay may maayos na pag-iisip ngayon. Alam mo ba kung bakit? Hindi ko rin alam. Kaya naman, hinihikayat kitang samahan ang mga nagbabasa ngayon nito. Dahil ako mismong nagsulat nito ay walang kaide-ideya. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng paumanhin sa iyo, kaibigan. Ang totoo, magulo pa rin ang aking pag-iisip. Hindi ko man lang makita o mailarawan ang k'wentong aking gagawin. Kaya, kaibigan, huwag mo sanang isipin na sayang ang oras mo sa pagbabasa nito. Hindi pala. Huwag kang mabaliwan sa akin. May isang tanong lang naman akong inihanda para sa'yo. Handa ka na bang malaman?
P.S. KUNG NA-GETS MO; TUMAWA KA, HUWAG KANG NGUMITI