Tears of Him
Sabi nila hindi na raw ako mabubuhay. Wala na raw pag -asa ang kalagayan ko dahil sukdulan na ito. Pero, kahit ganoon, hinihiling ko sa Diyos na sana huminto ang oras para magawa ko ang mga gagawin ko kahit sa sandaling panahon na palugit.
Limang buwan na ako nakaconfine sa ospital at tanging siya na lang ang bumibisita sa akin. Araw-araw siyang nagdadala ng bulaklak at nilalagay niya iyon sa vase na nasa gilid ng higaan ko. Minsan, siya rin ang nagpapakain, nagpapalit ng damit at nagpupunas sa akin. Sa tuwing ginagawa niya iyon ay natutuwa at napapangiti niya ako. Kaya nga sa tuwing dumarating siya rito sa kwartong kinalalagyan ko ay hindi ko lubusang sukatin kung gaano niya ako napapasaya.
Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko siya na may hawak na asul na rosas sa kanan niyang kamay. Paborito ko ang bughaw na rosas. Maganda sila at nakakaakit. Naglakad siya papalapit sa akin at saka ako hinalikan sa noo. Tapos ay inilagay na niya ang mga rosas sa vase. Umupo siya sa malapit na silya na siyang nasa tabi ng kama ko at saka niya hinawakan ang ulo ko.
'' Kamusta ka na Rina? '' tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanyang mata, ngumiti at saka sumagot.
'' Maayos na ako Finn '' sabi ko sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay nya saka ngumiti.
'' Kumain ka na ba?'' tanong niya sa akin. Umiling lang ako dahil hindi pa talaga ako nakain dahil hindi pa napunta sa kwartong kinalalagyan ko ang nars na nag a-asikaso sa akin dati-rati.
Tumayo siya tapos kinuha niya yung bag na bitbit niya at binuksan niya ito. Inilabas niya ang isang lunch box na sa tingin ko ay niluto niya. Chicken fillet with garlic sauce ang nasa loob ng lunch box at alam kong masarap iyon. Magaling siyang magluto dahil isa siyang chef sa isang restaurant na makikita sa Makati. Pero kahit na masarap siyang magluto, ayoko parin sa kanya noong una..
Kakatapos lang ng board meeting namin at marami sa amin ay gutom na dahil sa inabot ito ng limang oras. Maraming suhestyon kasi ang mga pinag-aralan at maraming board members ang nagbibigay ng kanilang mga kuro-kuro.
''Tania! Halika na!'' tawag ko sa kaibigan ko na kapwa rin board member ng kompanyang pinagtratrabahuan ko.
Lumapit siya sa akin at saka umakbay. Magkapatid na ang turingan naming dalawa. Parang katulad ng sinasabi ng mga matatanda, magkadikit ang pusod nila. '' May alam akong masarap na kainan!'' Bigla niyang siwalat sa akin tapos tumingin kaagad ako sa kanya at saka nag-isip ng kung saan ba yung sinasabi niya.
'' Doon tayo sa Makati! May masarap na kaninan doon at sigurado ako na hindi mo pagsisisihan ang pagpunta mo roon'' sabi niya tapos bigla na lang niya akong hinila sa sasakyan niya at nagmaneho.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa sinasabi niyang restaurant. Pagpasok namin sa restaurant ngumiti sa amin yung guard tapos binate niya si Tania. Suki na siguro siya rito sa kainan na ito kaya ganyan na lamang kung magkwentuhan sila ng gwardya. Oo, nandito na parin kami sa may pintuan dahil nagkwekwentuhan silang dalawa. Siguro kung hindi pa ako tumikhim ay hindi mapapansin na may kasama siya.
'' Nga pala, kakain muna kami kuya! Nagugutom narin kasi kami..'' sabi ni Tania doon sa guard tapos tumuloy kami sa receptionist. Sinabi lang ni Tania ang kanyang pangalan tapos itinuro na kami sa magiging table namin. Umorder kami at saka kumain. Masasabi ko nga na masarap dito sa Restau La Broisse at mukhang kilala rin siya dahil sa dami ng mga kumakain rito.
Sa tuwing nagkakaroon kami ng meetings, sa Restau La Broisse na palagi ang tuloy namin. Isang beses nga may nakasalubong akong isang lalake na sadyang nakaagaw ng aking paningin. Maputi, chinito at katangkaran yung lalake. Ngumiti siya sa amin tapos ako, hindi ko namalayan na ngumingiti na rin ako sa kanya.