IKATLONG KABANATA

3 0 0
                                    

"Alam mo ba ang ginagawa sa mga nabubuhay o nakatakas ......pinapatay."nakangisi si Baldo habang hawak ang baril na nakatuon kay Maya.

Ang akala naman magsisimula na siya ng panibagong buhay yun pala ganito rin pala ang sasapitin pagkatapos ng dalawang bayan na kanilang linagpasan narito sila ngayon sa may malapit na bangin.Napaatras siya sa kinatatayuan agad na naging mabilis ang utak sa pagproseso sa nangyayari kinakailangan niyang makakita ng paraan para makatakas kung susumahin ang paligid mayroon pang pag asa kasi puwede siyang tumalon sa bangin pero tiyak kamatayan ang kahahantungan pero kung makakahawak siya sa nakausling patay na puno sa ibaba ay maiiligtas ang sarili.

"Mamili ka Maya tatalon ka o ipuputok ko ang baril?"

Umiling iling si Martha sa kasintahan ang nasa isip ay kung paano gagastahin ang perang ibabayad ni Gustavo.Malaking halaga iyon para makapagsimula narin .

"Tapusin muna! Gagabihin na tayo alalahanin mo kukunin pa natin ang pera."

Bumaling sa kaniya si Baldo mga matang nanlilisik ang iginawad nakaramdam siya ng takot .

"Ang sa akin lamang Baldo para sa kapakanan din na—t."

Nagulat pa si Maya ng bumulagta si Martha takot na takot na tumingin kay Baldo."Parang awa muna  ...."nagsusumamong wika.

"Alam mo ba kung bakit ko siya pinatay? Puwes ang akala ng lintik na babaeng yan hahatian ko !Sinong tangang mag iisip ng ganun!"humalakhak pa ito."Maglaro tayo Maya."

Tila baliw ang lalaking kausap  may hinugot pa itong isang maliit na plastic sa bulsa saka hinithit ito .Pagkatapos tumawa ng tumawa.

"Ganito ,nakikita mo ba ang talahiban doon hahayan kitang tumakbo ,magtago o kaya ay tumakas.Pero kung mahuhuli kita ulo mo kapalit."

Napahumindig sa narinig nagbigay ito ng hudyat sa pamamagitan ng isang putok ng baril sa paanan.

"Takbo Maya Takbo!" sigaw ni Baldo nakasunod narin ito.

Samantalang si Maya itinodo na ang pagtakbo ngunit kahit anong gawin ay mabilis din sa pagtakbo si Baldo.Hinawi hawi ang mga talahib na nagiging hadlang sa pagtingin kung saan siya papunta .May mga sugat narin ang mga kamay at tuhod nanghahapo ang pakiramdam sa tila walang katapusang takbuhan.Isang pang putok ang pinakawalan ni Baldo para siguro matakot siya nanaig ang hangarin na mabuhay kaya binilisan ang pagtakbo.Sa totoo lang maputik ang tinatakbuhan may mga sagabal din kung hindi  mo titingnan tiyak madadapa ka katulad ng mga sanga ng punong maaring naanod ng malakas ang pag ulan.

Nasablot ni Baldo ang kamay mariin iyon pilit na winaksi ngunit malakas ang isang ito muling sumambulat ang takot sa kaniya.Kapag kuwan ay tinutok ang baril sa kaniyang ulo."Nakakapagod pala ang maglaro Maya ...so pano hanggang dito nalang kasi mag eenjoy pa ako sa aking bayad matapos kitang patayin.Maraming babae at alam mo makakabili narin ako ng mamahaling sasakyan."

Ito na ba ang katapusan?

.............................................................................................................................................................

Naalimpungatan siya sa malamig na buhos ng tubig na sinaboy ng isang lalaking nakauniporme ramdam ang mga sugat na tila nabuhay muli ganundin ang sakit ng katawan.May mga lalaki ding nakaantabay lamang sa isang sulok  may mga  armas ang mga ito siguradong naghihintay na lamang ang mga ito ng utos ng mga taong matataas.

Isang suntok ang pinakawalan ulit ng lalaking sumaboy sa kaniya ng malamig na tubig sapol ang sikmura hindi nakayanan kaya sumuka siya ng dugo.Nararamdaman dina na ang mga mata ay pasuko na pero pinilit na imulat ang mga iyon.

Nagtawanan ang mga lalaki sa paligid niya ."Pagsalitain muna ."utos ng lalaking nakamiseta .Lumapit ito sa kaniya hinawakan ang mukha pagkatapos ay isa na naman suntok ang natamasa sa mukha malapit sa mata ang napuruhan unti unting umagos ang masaganag dugo kaalinsabay ang luhang namuo sa sakit na nararanasan.

THE TASTE OF HATREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon