Chapter 2

7 3 0
                                    

Part  2

Shan P.O.V.

Nagulat ako sa huling tatlong salita na nabasa ko. Shocks. Seryoso ba to?

"Shan, mag asikaso ka na. May mga dumarating na bisita mo." Tumango nalang ako kay mama at bumangon na ako. Mamaya ko nalang siya tatanungin tungkol dito.  Habang nagsisimula nang umingay sa labas, hawak ko naman ang notebook na binigay ni Carlo saakin kanina. It has a lots of poems.

"Ano susuotin mo ba to?" Tumango ako kay mama. Isinuot naman niya saakin yung kwintas na bigay ni Carlo saakin.

"Tingin ko talaga may gusto sayo iyon, nak." Natatawa niyang sabi. "Boto naman ako sa kaniya, wag kang mag aalala! Wala kang magiging problema kung siya ang makakatuluyan mo--"

"Mama!" Putol ko agad sa sinasabi ni mama. Pakiramdam ko namumula na ako ng husto dahil sa mga sinasabi niya. Wala pa sa isip ko ang mga ganyan. Gosh!

"HAHAHA sige na. Bumaba na tayo. Marami nang nag aantay sayo." Sabi ni mama at niligpit yung mga gamit niya. Nakalimutan ko nga palang tingnan yung cellphone ko. Titingnan ko pa sana ang cellphone ko nang hinila na ako pababa ni mama. Hayst.

"Happy birthday Shan!" Napalingon ako sa mga kaklase kong kumakain na. Basta talaga kainan palaging maaga eh.

"Thank you! Buti nakarating kayo." Lumapit agad ako sa kanila. Isa isa naman silang nag abot ng regalo. Hindi ko inexpect to ah. Nung mga nakaraang birthday ko hindi sila nagbigay ng regalo kaya nasanay na ako HAHAHA.

"Shempre 18 mo na kaya may regalo HAHAHA sunod niyan sa 50 mo na!" Saad ni Rency. Mga baliw talaga.

"Papahuli pa ba kami? Tagal kong binalot siya noh! HAHAHA" pinagsingkitan ko ng mata si Wilson. Sino naman ang binalot neto? I mean.. Ano. "De joke lang. Alam naman namin na ayaw mo siyang mahirapan kaya ito nalang binili ko." Tinanggap ko iyon pero di ko tinitigilan ang pagtitig ko sa kaniya.

"Teka bakit ganyan ka pa makatingin?! Ayun na si bebe mo oh!" Turo niya sa likod ko kaya napalingon din ako sa tinuro niya. Kakapasok lang din ni Carlo sa bahay kaya sinalubong siya nila Mama at Papa. Well, sa tagal ba naming magkaibigan parang anak na din nila si Carlo.

Naalala ko ulit yung nabasa ko kanina. Seryoso kaya siya doon? O sadyang gusto niya lang akong pagtripan. Nakakatakot umamin baka kase biro lang ang lahat ng nakasulat doon.

"Happy birthday." Niyakap naman ako ni Carlo nang makarating siya sa tabi ko. Naging dahilan din iyon ng tilian at katyawan ng grupo. "T-thanks." Ang ackward tuloy. Medyo nakakapanibago simula nung mabasa ko iyon. Nakakainis naman.

Nagsimula ang simpleng salo salo namin sa isang panalangin. Sunod ay ang kainan. Kaya nakadalawang beses na agad yung mga kaibigan ko. Ganyan sila katakaw.

Saka nga pala! Ngayon lang ako sobrang as in na nawi-weirdo-han kay Carlo. Normal lang naman ang ginagawa niya saakin na titigan ako pero tuwing magkakatinginan kami bigla akong kinakabahan! Tinginan palang ha! Hindi pa titigan!

Kakainom ko siguro to ng kape. Hayst.

Sa sobrang lutang ko ay hindi ko na malayan na may nakapagsalita na yung dalawa kong kaklase. Hindi pala ako nakikinig. Tumingin ulit ako kay Carlo na nakatingin na pala saakin. Kaya umiwas ako ng tingin.

Nagbigay din ng speech sila mama at ang mga kapatid ko. At ang pinaka huli ay si Carlo. Nang tumayo palang si Carlo kanina para pumunta sa tabi ko ay punong puno na ang bahay namin ng tilian. Normal na din kila Papa na maging ganyan kaingay yung mga kaibigan ko pagdating saamin ni Carlo.

IKAW PA RINWhere stories live. Discover now