BAKANTENG LOTE

4 2 0
                                    

Everytime na gagabihin ako ng uwi ayaw na ayaw kong napapatingin sa bakanteng lote.

Kada dadaan ako I feel something strange. Di ko maipaliwanag ng maayos pero parang may naka titig sakin. Ibang titig na lahat ng balahibo ko ay mapapatayo dahil sa ibang pakiramdam.

12 na ng gabi ngayon at nakita ko ang uncle ko na may dala dalang karne ng baboy. Di ko alam kung saan at bakit niya dala dala ito.

Sinundan ko ang uncle ko at nakita ko na papunta siya sa bakanteng lote.

Ilang minuto pa ay naka ramdam nanaman ako ng ibang pakiramdam. Hanggang sa inilapag na ng uncle ko yung karne ng baboy.

May dugo pa ito at hindi luto. Nang umalis na si uncle ay tumingin ako sa paligid kung may naka sunod ba sakin.

Nang makita kong wala ay pumunta ako sa bakanteng lote. Habang papalapit ako ay may naririnig akong parang kumakain.

Nanlamig ang buong kong katawan at halos mawalan ako ng dugo sa nakita ko.

May malaking tao. No. Hindi siya tao. Some creature na may muka ng tao pero malaki. Malaking malaking, sing laki ng dalawang palapag na bahay.

Nakita ko sa aking mga mata. Iba ang kanyang mga kamay. Muka na itong bangkay dahil nakikita ko ang naka laylay nitong leeg at mata.

Matang naka titig sakin na tila gusto na akong kainin. Matang sa dilim mo lang makikita.

~~~~~
Demons are like obedient dogs; they come when they are called.

-Bell

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

1 SHOTS HORROR STORIES Where stories live. Discover now