It’s been a month simula nang malaman kong ampon ako. Masakit at mahirap pa ring tanggapin. Isang buwan akong umiiyak tuwing gabi. Kahit na masaya ako buong araw, at the end of the day, it’s night. Charot! At the end of the day, naaalala ko sina Mommy kaya nalulungkot ako. Bakit ba kasi kailangang magkagano’n? Hindi ko naman masisisi si Mama Ysabel kasi halos apat na taon niya rin akong hindi nakasama.
Sa loob ng isang buwan, nasanay na rin ako sa buhay dito. Sa umaga, magliligpit kami ng higaan ni Clyde, magkakausap kami ni bata sa walkie talkie, tapos sabay-sabay kaming kakain ng almusal gano’n din sa tanghali, tapos tutulungan ko si Mama na maghugas ng plato. Sa hapon naman ay makikipaglaro kami kina Mad, o kaya ay isasama kami ni Mama sa palengke. Nakita ko nga noong isang araw si Pernicita eh, ‘yong nanusok daw dati ng lapis. Minsan naman ay tutulong kami kay Mama magsampay ng mga nilabhan niyang damit. Sa gabi naman ay aasikasuhin ni Mama assignments ko, tapos kwekwentuhan ko siya tungkol sa klase ko bago kami matulog. Sa loob ng isang buwan na pananatili ko dito, alam ko sa sarili ko na masaya na ako dito.
“Snow, anak! Dali, malelate ka na sa klase mo!” ani Mama habang hinihintay ako sa labas ng kwarto.
Inayos ko muna ang buong uniporme na suot ko bago ako lumabas. At ayon, pinuri niya ulit ako kasi ang bango at ganda ko. Mwhehe, ano ka ba Ma, ako lang ‘to, uwu.
Magkakahawak-kamay kami nina Clyde na lumabas ng bahay at naglakad patungo sa school. Ganito lang ang gusto ko noon na hindi ko kailanman naranasan kina Mommy Jamie. ‘Yong tipong kahit mahirapan kayo, hindi mo mararamdaman ‘yong pagod kasi sila ang kasama mo.
Pagkadating namin sa gate ng PCS ay humiwalay na sina Mama, nagtungo na sila sa kubo habang ako ay sa pila. Nakisingit nalang ulit ako kina Este mwhehehe.
“Hi Este! Ang ganda mo palagi,” nakangiting wika ko.
Narinig ko namang tumawa sina Paeng. “Ikaw talaga Snow, nambola ka nanaman para makasingit sa pila. Pandak ka kaya dapat doon ka sa unahan.”
“Sus, manahimik ka, crush mo lang ako eh.”
“Sino?” nagulat ako nang marinig ang boses niya.
Nakita ko naman siya kahapon pero bakit pakiramdam ko ang tagal ko na siyang hindi nakita, jusko. (╥﹏╥)
“Selos ka nanaman Cyan, hindi kami talo ni Snow,” sagot naman ni Paeng dahilan para mamula ang mga pisngi ko.
Ngayon nagulo nanaman ang puso ko. Nagkakaroon na naman ako ng butterflies sa tiyan dahil kay Cyan. Kaso nagkakaroon naman ako ng zoo sa tiyan dahil kay Mr. Walkie Talkie. Omg, ang harot ko talaga. Snow, the bad influencer.
---
“*pak!* ANNOUNCEMENT CLASSMATES!! HOY! *pak!*” napatigil kaming lahat sa ginagawa namin sa room nang hampasin ni Bea ang blackboard namin.
“Ano?” asar na tanong ni Jeffrey.
Huminga muna ng malalim si Bea tsaka tumingin sa ‘min. “WALA DAW SI—”
Pinutol ni Jeffrey ang sasabihin niya. “‘Wag kang sumigaw, nakakarindi.”
“Heh! Wala daw si Ma‘am—”
Naputol nanaman ang sasabihin ni Bea nang magsigawan ang lahat, yehey here, yehey there, yehey everywhere!
“Nasa meeting siya pero may ipapagawa daw. Kopyahin daw ang susulatin ko sa board,” pagpapatuloy ni Bea dahilan para magdabog ang iba.
Jollibea. Hays, pabida kasi.
Kinuha ko ang Filipino notebook ko na barbie tsaka tinasahan ang lapis. Maya-maya pa ay nagsimula nang magsulat si Bea sa board na kinopya ko naman agad.
YOU ARE READING
Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)
KurzgeschichtenAko si Elniesha Snowette Corpuz, babaeng mahilig sa barbie. Gustong-gusto kong pasayahin ang mga tao na nasa paligid ko. Ngunit nagbago ang lahat ng dahil sa isang katotohanan. Doon ko nakausap ang isang bata rin na handang maging sandalan ko noong...