CHAPTER 30

3 0 0
                                    

PENELOPE ELEANOR

Nasa college  na kami, pero hindi pa rin  nawawala ang mga program ng university.

Sa ngayon ay may spoken poetry na magaganap at ilang palaro, pero ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito dahil nga mas'yado akong naging busy sa school works. Well, hindi lang  naman ako.

Actually, hindi naman naging prioritize ng school ang mga programs dahil busy din ang mga estudyante sa mga school works nila.

"May gusto bang sumali ng spoken poetry dito?"

Konti lang din siguro ang nakakaalam ng program sa classroom namin bukod sa mga class officers namin.

Walang sumagot sa tanong ng class president namin. Ni ang magtaas ng kamay ay wala ring nagtangka.

"Sa ibang palaro, wala rin bang  sasali? We need at least two pair in our class."

Nanatili pa ring tahimik ang buong klase hanggang sa may bigla na lang nagtaas ng kamay. Napatingin ako  sa kaibigan kong sumabay pa sa pagtaas ng kamay ni Roselle. Nagtinginan ang ibang mga kaklase namin sa direksiyon nila.

"We're going to join as pair." Roselle looked at Raelynn's direction.

There is suddenly a connection between Rosselle and Raelynn that they both smile when their eyes me each other. 

I sighed deeply as I looked at my friend, Raelynn who looks like trying to hid her smile but she can't.

Napailing na lang ako ng aking ulo at saka binalik ang aking paningin sa unahan kung nasaan nakatayo pa rin ang aming harapan si class president. 

"Who's your pair, Kennedy?"

Napalingon ulit ako sa likuran. Nagulat ako nang makitang nakataas nga ng kamay si Kennedy. Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa pagtataka dahil  hindi ko alam na mahilig palang sumali si Kennedy sa mga programs ng school.

"I am paired with Penelope."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kennedy. Binalik ko ang paningin ko sa harapan at tinuro ko ang aking sarili.

Isang ngiti ang binigay ng class  president namin. "Okay. That will settled."

Naglakad na palabas ng classroom ang class president namin  para sabihin sa aming adviser ang mga kasali.

Hindi man lang ako nakaayaw dahil sa bilis ng pangyayari. Buti na lang at wala kaming klase kaya tumingin ako agad sa direksiyon ni Kennedy. Naglalakad na pala siya patungo sa direksiyon ko.

"Why did you include me?" I gave him a glared, but he just laugh and stand in front of me.

"Para naman may magawa tayong iba bukod sa pag-aaral."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Kahit awayin ko pa si Kennedy ay wala na rin naman akong magagawa.

"Sana lang ay madali ang laro na ipapagawa sa atin."

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti ni Kennedy nang marinig niya ang sinabi ko.

"Sana pala ay nauna na kong nagtaas ng kamay."

Lumingon ako kay Claud na kanina pa tahimik dahil narinig ko siyang bumulong, pero hindi ko narinig ng maayos ang sinabi niya.

"Ms Penelope, halika na dahil baka magsimula na ang palaro." Naunang lumabas ng classroom si Kennedy.

Nakasimangot na lang akong sumunod sa kaniya habang sina Raelynn, Rosselle at Claud ay sumunod na rin sa amin.

*

Tagaktak na ko ng pawis, pero patuloy pa rin ako sa paglalakad kasama si Kennedy. Gustuhin man naming maglakad ng mabilis ay hindi namin magawa dahil nakatali ang kanang paa ko sa kaliwang paa ni Kennedy.

"Let me know if you're having a hard time."

Isang tango lang ang tinugon ko kay Kennedy. Baka maubos pa ang lakas ko kapag sinubukan ko pang magsalita. Sa likuran namin naglalakad sina Raelynn at Roselle. Parang wala nga silang pakialam kung mananalo sila o hindi dahil busy sila sa pagkukuwentuhan na parang walang tao sa paligid kundi silang dalawa lang.

Tatlong player na lang kaming natitira. Ang iba ay out na dahil kung hindi pagod na, natumba na ang isa at  nagkasugat.

I don't really care if we win or lose too. I'm just afraid that our classroom will lost in the end. That's why I chose to do my best even if I didn't plan to join on this game in the first place.

Nangunguna sa harapan namin 'yong dalawang pares na nasa business department. Natatanaw na namin ang finish line kaya nakaramdam ako ng kaba.

I look at to Kennedy's direction without stoping from walking. He is still focus to our goal, but I know that he feels my glance to him.

"We need to walk fast now."

"Are you sure?" He didn't bother to look at me because we might fall if he do.

Tumango ako kahit hindi niya ko nakikita. "Yes. Let's go."

Pareho kaming huminto sa paglalakad ng isang segundo at huminga ng malalim. Nagtinginan pa kaming dalawa bago muling naglakad, pero sa pagkakataon na ito ay binilisan na namin.

May mga pagkakataon na muntikan na kong matumba dahil hindi nagkakasabay ang lakad ng paa namin minsan, pero nakakabalanse naman si Kennedy at nakakapagpatuloy kami sa paglalakad. Inaalalayan din ako ni Kennedy kaya naging mas ayos ang paglalakad namin.

Napangiti ako nang pumantay na kami ni Kennedy sa dalawang tao na nasa unahan lang namin kanina. Habang palapit ng palapit ang finish line ay mas lalong bumibilis ang paglalakad nila.

Hindi na namin iniinda kung pinagpapawisan kami ngayon o kung anong amoy na ang mayroon kami at kung nangangalay na ang mga paa namin sa kakalakad. Pare-parehong laman ng isip namin ang kagustuhan ng manalo.

Ilang minuto na lang at maaabot na namin ang finish line, pero may bato akong nabangga na naging dahilan kaya nawalan ako ng balanse. Naipikit ko na lang ang mata ko dahil papabagsak na ko sa lupa, pero tinulungan ulit ako ni Kennedy. Pinilit niya kong maitayo ulit, pero ang kapalit ay siya ang bumagsak sa lupa.

I just bite my lower lips when the pair beside us before finally reached the finish line. Kennedy went up from falling and immediately let us walk. We also reached the finish line and the last one is Raelynn and Rosselle pair.

Nang matapos ang laro namin ay agad kong tinanggal ang tali na nakatali sa aming paa. Tiningnan ko kaagad ang tuhod ni Kennedy na pinangtukod niya kanina nang muntikan na kong matumba.

Nakagat ko ang aking ibabang labi nang makakita ako ng sugat.

"Let's go to clinic."

"I'm fine. Don't worry."

Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Kennedy. Hinila ko na lang ang kamay niya patungo sa clinic. Hindi ko na binigyan ng pansin ang mga tao sa paligid.

Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Siguro ay naalala ko lang ang nangyari kay Kendy.

I'm just worried that he will feel more hurt because of me.

HE'S MY BEAST, I'M NOT HIS BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon