"One Shot Story"

5 0 0
                                    

“Lynix?” tawag sakin ni Darl habang natakbo patungo sakin,

“Oh Darl, wag ka nang tumakbo” pabirong saad ko,

Mga bata palang kami ay magkakilala na kami ni Darl—magkaibigan ang mga magulang namin,

“May sasabihin sana ako sayo, lynix” saad nito at nagsimula na akong kabahan,

“A-Ano ba yun?” tanong ko dito at bigla na lang hinawakan ni Darl ang mga kamay ko,

“Lynix, aalis na kami nina mommy” at bigla na lang akong nalungkot sa sinabi niya sakin,

“Diba matagal niyo na naman na plano yan ng family mo, diba?” malungkot na saad ko,

“Oo, at ayaw ko sanang sumama sa kanila kaso kailangan kasi doon ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko” saad nito,

“Darl, ayos lang yun. Malay mo bisitahin kita sa States” masayang saad ko,

At niyakap ako ni Darl na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko man pigilan ang nararamdaman ko para sa kan’ya at baka ito lang ang ikasira ng pagka-kaibigan namin,

—Fast forward—

Makalipas ang ilang taon.......

Matapos umalis nina Darl ay wala namang naging hadlang sa kumonikasyon namin,

Halos araw-araw kaming nagvi-video call, wala siyang pinagbago. Siya pa rin ang Darl na nakilala ko simula nung mga bata pa kami,

“Hello lynix” saad ni Darl sa kabilang telepono,

“Hello Darl—ikaw pala yan, kamusta na?” saad ko habang naghuhugas ng pinggan,

“Eto gwapo pa rin—ikaw ba?” saad niya habang natawa na parang wala nang bukas,

“Gwapo? Napaka-hangin mo talaga, ayos lang naman kami dito ni nanay. Sina Tito at tita ba, kamusta na?” saad ko,

“Ayos lang din naman sina mommy—kaso ayun nga lang sobrang busy nila” saad ni Darl na dama ko na malungkot siya,

—Fast forward—

“Anak?” tawag sakin ni mama,

“Ma, ba’t niyo po ako tinawag?” tanong ko dito,

“Anak, pupuntahan natin sina Darl” at nagulat ako nang sabihin yun ni mama,

“Talaga, ma? Ngayon na po ba?”

“Oo kanina lang tumawag ang mama ni Darl, kaya’t maghanda ka na ng mga gamit mo” saad ni mama at dumiretso na ito sa kanyang kuwarto,

Habang nag-aayos ako ng gamit ko ay ‘di maalis sa isip ko si Darl,

Pagkatapos naming mag-ayos ng gamit namin ni mama ay nagtungo na agad kami sa airport at ‘di maiiwasan na sumakit ang ulo ko dahil ‘di ako sanay na sumakay sa eroplano,

—Fast forward—

“Iha?” tawag sakin ng nanay ni Darl,

“Hello po, tita” saad ko at niyakap ko si tita pero ‘di ko makita si Darl,

At pumasok muna kami sa bahay nina tita ngunit wala ‘rin doon si Darl,

“Good evening, ma” saad ni Darl na kararating lang,

“Oh! Ayan na pala si Darl, lynix” saad ni mama sakin sabay kinurot ako sa tagiliran, (medyo ouch)

“Lynix?" Saad ni Darl at niyakap ako nito,
“Namiss kita medyo sobra” pabirong dagdag nito,

At nag-aya na si tita na kumain pagkatapos ay inakit ako ni Darl na pumasyal daw kami,

“Ma, mauna na po kami” saad ko kay mama at ganun ‘din si Darl kay tita,

“Sa’n ba tayo pupunta, Darl?” tanong ko rito nang bigla nitong iabot sa akin ang helmet,
“May motor ka pala?” dagdag ko at ngumiti lamang ito sa’kin,

“Sakay na” malamig na saad ni Darl sakin,

At sumakay na ako sa motor—‘di man ako sanay sa motor kaya napahigpit ang yakap ko sa kanya,

“Dito ka muna ha—takpan mo muna ang mga mata mo” saad ni Darl at sumunod na lamang ako,

Pag-mulat ng aking mga mata ay nasa isang magandang lugar kami na para bang tawagin na natin ‘tong ‘date’,

“Anong ginagawa natin dito?” pagkakaila kong tanong dito,

“May sasabihin lang ako sayo” saad nito,

“Ano ba’ng sasabihin mo? Bakit ‘di mo pa sinabi kanina pa?” sunod-sunod na tanong ko dito,

“Gusto kita ayy hindi pala—mahal kita, lynix”

‘Totoo ba ‘to? O baka naman Isa lamang na panaginip pero parang totoo ang mga ‘to’,

“Mahal din kita, Darl” tanging naisagot ko sa sinabi niya sakin dala ng kaba ng dibdib ko,

At unting-unting nilalapit ni Darl ang mu’ka niya sa mu’ka ko at akmang hahagkan na niya ako pero.........

Bigla akong nagising sa isang napaka-gandang panaginip, (oo, panaginip lang ‘yun)

“Tita?” pambungad na tawag ko sa mama ni Darl,

“Nandito na pala kayo, lynix” ngiting saad ni tita,

At binati din ni mama si tita pero gaya ng nasa panaginip ko ay ‘di ko napansin si Darl na kasama ni tita kaya Ito ay tinanong ko,

“Tita? Nasaan po si Darl?”

“Lynix, wala na si Darl. Halos isang linggo na siyang wala kaya pinapunta ko kayo dito” saad ni tita na ikinaguho ng mundo ko,

“Ano po? Wag naman po kayong magbiro ng ganyan tita” saad ko at pilit na ngumi-ngiti sa harap nina mama at tita,

“Anak, totoo ‘yun at pasensya na kung ‘di ko agad sinabi sayo. Kasi gusto ko na magmula mismo sa mama ni Darl ang totoo” saad ni mama habang naiyak,

Nang malaman ko ang totoo ay ‘di ko mapigilan ang sarili ko na mag-wala pero ‘di ko ‘yun ginawa kasi mas pinili ko na puntahan ang mga lugar na papasyalan sana namin ni Darl,

Mga lugar na sana'y pupuntahan namin na magkasama at masaya—pero ito ako ngayon mag-isa at lumuluha dahil ang lalaki na sana'y aking mamahalin habang buhay ay wala na,

Pinuntahan ko ang puntod ni Darl at may nakita ako na sulat,

Dear Lynix,

Pasensya na ha, kung ‘di ko man nasabi agad sayo na may malubha na akong sakit. Gusto lang sabihin sayo na mahal kita, Lynix. Mabasa mo man to ngayon o kaya ang panahon na wala na ako. Pilit ko man lumaban sa sakit ko pero pati ang mga doktor ay wala nang magawa dito. Basta lagi ‘mong tatandaan na kahit wala na ako, nandito naman ako sa langit na laging naka-bantay sayo. Sa huling pagkakataon, mahal na mahal kita lynix.

Nagmamahal,
Darl

Huli ko nang nabasa ang sulat niya pero ayos lang ‘yun.

Maaari pa nating ulitin ang ating tadhana kung iyong gugustuhin.

        — almost a love story.—

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Almost a love story"Where stories live. Discover now