Chapter IV (Keychain)

21 2 0
                                    

"Xhen, ikaw ba 'yan?" tanong naman ni mom dito, "Nag-iisa at wala nang iba pa" masiglang sagot naman nong shen daw. "Maupo ka, btw ba't ka naparito ng gantong oras?" tanong ni Mom.
"Diba nga ngayon ang sched ng lipat namin dito sa village" saad naman nung kumare ni mom. "Omg, nakalimutan ko Xhen pasensya kana. Alam mo na tumatanda na tayo HAHA" tatawa tawang saad ni Mom. 

"Xhen asan pala si Chriz?" maya maya'y tanong naman ni Dad. So magkakakilala pala silang tatlo. "Ahh nandun sohnette, nagaayos ng mga gamit katulong ang mga anak namin" simpleng sagot naman nung shen. "O siya bukas nalang ulit tayo magkwentuhan dahil magsusungit na naman ang panganay kong anak pag nalaman niyang wala ako do'n" tatawa tawang usal nito kay mom, bigla itong napatingin sa'kin. "Ito na ba si Drit?" tanong nito kay mom habang ang paningin ay nasa akin. 

'Ehh kilala niya ako? Ba't di ko maalala ang mukha niya?' takang tanong ko sa isip ko. "Oo 'yan na nga" natutuwang sagot ni mom. Ngumiti ito sa'kin, "Hi Drit!" bati nito sa'kin na nginitian ko lang. "O siya, Zcha bukas nalang ulit" paalam nito kay mom at saka bumeso, kumaway naman 'to kay dad pati sa'min.

Inihatid na ito ni Ate Rida palabas, "Mom, sino 'yon?" curious kong tanong, dahil di ko talaga maalala kung sino 'yon. "Anak, di mo ba maalala si Tita Xhen mo? Dyan ka namin dati iniiwan pag kailangan naming ipagamot si kuya mo sa abroad" saad ni mom, sa batangas pa 'yon ah. "Mom, siya ba 'yong may anak na lagi kong kalaro nung nasa Batangas pa tayo?" muling tanong ko kay mom, para mas maging malinaw na sa'kin. 

"Oo anak at dyan ka rin una nakatikim ng kapeng barako" natutuwang kwento ni mom, pati si dad napapangiti sa kwento ni mom. Napangiti na ako nang maalala ko na si Tita Xhen, wahh di ko siya nakilala. Sa kaniya ako natutong uminom ng kape HAHA at dahil taga batangas siya do'n din ako una  nakatikim ng kapeng barako na business nila do'n. Jusko nakakahiya di ko man lang siya nakilala, bukas ko nalang siyang babatiin HEHE. Kakatapos lang namin kumain at umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Nagtoothbrush at naghilamos muna ako bago dumiretso sa kama ko.

Nakatulala pa'rin ako habang inaalala kung ga'no ako kasaya nong una ko makatikim ng kapeng barako. Kinuha ko ang selpon ko para sana maglaro ng minecraft, pero nakita kong may chat na naman si Claxce. "D stands for Dinosaur not Drit HAHAHAHA" tawang tawang chat nitong si Claxce, ano na naman bang trip nito. 

Nagtatype palang ako ng irereply ko nang magsend ito ng pic. Inopen ko yung pic, ganun nalang ang gulat ko nang makita ko ang sarili ko habang nakasuot nang dinosaur na mascot, kunot na kunot ang noo ko sa picture habang nakabusangot. Napasigaw ako sa inis "Kuyaaaaaaa, sasakalin talaga kita" malakas na sigaw ko at sure akong maririnig niya 'yon.

Nakakainis nakakainis talaga, nakatag pa sa'kin 'yong post. Alam mo 'yong feeling na gusto mo nang ilibing nang buhay ang kapatid mo dahil sa katarantaduhan na ginawa nito.
Hindi naman ako nahihiya na makita 'yon ng mga friends ko sa fb, dahil mga kasamahan ko lang naman sa student council, mga kaibigan, pamilya at ilang kakilala lang naman ang friend ko do'n. Naiinis ako dahil paniguradong parang sirang plaka na naman bukas sa pang iinis sa'kin si Claxce. 

Naiinis akong humiga "HAHAHA D stands for Dinosaur not Drit" muling chat pa ulit ni Claxier, o diba sa chat palang anlakas na mang inis. Pinatay ko na ang konek ko sa wifi at nagpatugtog nalang ako para pampatulog.
Maya maya lang bumibigat na ang talukap ng mata ko habang yakap yakap ko ang paborito kong teddybear.
                                       ZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzZZZZZZZZZzzz
"GISINGGGG GISINGGGG" dinig kong tunog ng alarm ko. Boses ko 'yon na inirekord ko para gawing alarm. Kinusot kusot ko muna ang mata ko bago tuluyang iminulat sabay napahikab pa ako. Ichinarge ko muna ang cp ko bago pumunta sa banyo para maligo at maghanda pagpasok. Alas-singko palang ng umaga kaya medyo bangag pa ako HAHAHA. 

Blend Of Coffee (Barkada Series #1)Where stories live. Discover now