Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mata saka pinakiramdaman ang hangin. Taimtim ko ring ninamnam ang yakap nito sa akin. Sa nakakabinging katahimikan at sa madilim na paligid na aking nasisilayan sa pananatiling pikit ay muling nagpakita ang alaalang kumatok sa aking puso at isip.
Ano kaya ang pakiramdam niya noong panahong iyon? Gaano kaya kasaya ang lumipad sa ere? Mga tanong na muli sa aking nagmumulto.
"Toy hindi pa ba tayo uuwi? "pagputol ko sa katahimikan naming dalawa habang kami ay nasa rooftop.
"Maya na, samahan mo muna ko." nakangiting sabi niya.
Si Entoy ay matagal ko ng kaibigan. Kung nasaan ako naandon din siya, at kung nasaan siya dapat ay naandon din ako.
Dahil sa ganitong klaseng relasiyon madalas ay napagkakamalan kaming magkasintahan at kung minsan ay pinipilit kaming dalawa na kami nalang daw sa isa't isa. Kami namang dalawa ay tinatawanan lang ang lahat ng panunukso nila.Si Entoy ay mabait, makulit din, sweet at matalino. Pero si Entoy ay malihim na tao. Marami siyang tinatago na kahit ako ay handa niyang paglihiman. Gaya ng kung paano niya nalihim ang kaniyang pinagdaanan noon paman.
"Bakit hindi ko alam to?" tanong ko nang mahuli ko itong nagpapalipad ng saranggola sa rooftop.
Hindi ako nito pinansin bagkos nanatiling nakatingala lamang ito sa kanyang saranggola na malayang tinatangay ng hangin.
Nitong nakaraan ay may kakaiba sa kanya. Madalas na itong tahimik, laging tulog at kung minsan wala sa sarili. Ni hindi ko rin ito makausap ng mabuti.
Minsan pinuntahan ko ito sa kanila ngunit sabi ng kaniyang nanay ay umalis daw. Agad akong tumungo sa tambayan niya-naming dalawa. Di nga ako nagkamali. Naandon siya at nakatingala lang sa langit na ani mo'y maraming bituwin. Dahan-dahan akong humakbang ngunit kasabay nito ay ang biglaang pagkidlat.Napahinto ako.
Napahinto ako hindi dahil sa gulat dala ng kidlat, kundi sa sunod-sunod na pagbaba taas ng balikat ni Entoy. Si Entoy tahimik na humihikbi.
Imbis na lapitan ko ito ay nanahimik na lamang ako. Hindi ko ito ginulo, sa halip naupo ako habang pinagmamasdan siya sa di kalayuan.
Sa mga oras na iyon hindi ko na napansin ang oras. Katunayan ay nakatulog na ako habang naghihintay. Paggising ko nalang nasakwarto na ako. Si Entoy din ang unang nakita ko. Nasa sofa ito at mahimbing na natutulog. Sa di malamang dahilan ay napatitig ako dito. Doon ko napansin ang sobrang pagpayat nito, pansin ko din ang labis na pamumutla nito.Alam kong may problema pero hindi ko ito magawang tanungin. Gaya ng laging ginagawa ay hihintayin ko nalamang itong kusang magkuwento sa akin.
Matapos ang tatlong araw ay nagkasakit ako kaya hindi ako nakapasok. Nanibago ako non kasi kapaglumiliban ako laging tumutungo sa bahay namin si Entoy para kamustahin ako at para sabihin narin kung ano ang mga nangyare sa araw na iyon. Kaya nagtaka ako.
Kinabukasan doon ko nalaman na hindi din pala pumasok si Entoy. Ang pakiwari ko ay nagkasakit lang din siya pero parang nagkamali ata ako. Ang sabi ng nanay niya ay ilang araw na raw itong hindi natutulog sa bahay nila, ang sabi daw nito sa kaniya ay makikitulog daw ito sa kaklase namin. Umuuwi naman daw ito pero hindi naman nagtatagal. Si Entoy nakitulog sa kaklase namin? Sino naman? Wala namang ibang kaibigan si Entoy bukod sa akin. Ang alam ko wala namang dahilan para makitulog siya.
Hindi ko alam pero kinukutuban na akong may problema. Hindi rin maganda ang naiisip ko.
Sana lang hindi ulit mangyari iyon.
Noong hapon na iyon ay agad kong tinungo ang kaisa-isang maaaring puntahan ni Entoy. Muli, hindi nga ako nagkamali.
Nasa rooftop ito. Ngunit ang ikinagulat ko nang marating ko iyon ay ang sitwasiyon nito, ang sitwasyon ni Entoy.