chapter 1

1 0 0
                                    

"C-cadmus?"

Hinawakan ko ito sa balikat upang tignan kung gising pa ba o tulog na.

"Lasing na 'yan Lily."

Napabaling ako sa kaibigan ni Cadmus na si Kyle. Nakangisi ito sa 'kin.

"P-pwede mo ba akong tulungang buhatin siya? I-uuwi ko na sana, k-kung pwede..."

Nahihiyang sambit ko.

"Sure, Mrs. Furrel..." Ngising sabi nito at itinayo si Cadmus. Hinawakan niya ang kanang braso nito upang supporta at ako naman ay agad umalalay sa kabilang balikat upang hindi matumba ang asawa ko.

Nang maisakay na namin sa kotse si Cadmus ay agad akong nagpasalamat kay Kyle. Sumunod na rin akong pumasok at ni-start na ang sasakyan.

Ilang minuto ang naging byahe papunta sa bagong bahay namin. Nagpapasalamat ako at hindi ito kalayuan sa venue kaya mabilis kaming nakarating.

Napabuntong hininga ako at ibinaba si Cadmus sa kotse. Nilagay ko ang kanang braso nito sa balikat ko upang supporta dahil hindi ito makatayo at makalakad ng maayos.

Ang bigat ng lalakeng 'to.

Nang makarating sa pinto ay madali kong hinanap ang susi sa pouch ko. Nahanap ko naman agad iyon at mabilis na binuksan ang pinto.

Bumugad sa akin ang kabuuan ng loob ng mansyon. Napaawang ang labi ko sa sobrang ganda nito. Mukhang pinaghandaan talaga ng mga magulang ni Cadmus ang bahay. Mula sa desinyo at laki nito, masasabi kong milliones ang halaga ng naigastos.

Ibang iba ito sa pinapangarap kong simpleng bahay.

Napabuntong hininga ako at umiling.

Pinasok ko siya sa isang silid. Malaki ito at may master's bedroom, malaki din ang espasyo at kasya ang sampong tao. Ito 'ata ang kwarto naming dalawa.

Akma ko na siyang ihihiga sa kama ng bigla niya akong hapitin dahilan upang mapahiga ako sa ibabaw niya. Nanlaki ang mata ko.

"C-cadmus..."

"Hmm..." Ungol nito habang nakapikit.

I bit my lower lip. Geez. Lasing siya Lily! Maghunos dili ka!

I sighed. Unti unti ako humiwalay sa kaniya at tumayo. I need to change his clothes para naman mahimasmasan siya dahil basang basa na ito ng pawis.

Kahit nanginginig ang aking kamay ay dahan-dahan kong hinubad ang butones ng damit niya. Pagkatpos ay kumuha ako ng t-shirt at isang towel sa maleta. Ang mga gamit namin ay nauna nang ipadala kanina ni Manang Ada kaya malaki ang pasasalamat ko sa kaniya.

Kumuha ako ng bowl sa cr at bahagyang binasa ang towel. Bumalik naman agad ako sa kinaroroonan ni Cadmus at umupo sa tabi niya.

Marahan kong pinunasan ang mukha nito. I can't help but to stare at his face while doing it. Napakaamo ng kanyang mukha kapag tulog, ibang iba ito sa gising na Cadmus na parang papatay ano mang oras.

Napatawa ako ng mahina.

Noong umalan yata ng kagwapohan at kakisigan ay nasalo lahat ni Cadmus. Wala talagang tinira.

I gulped when my eyes reached his toned abs. Sh*t. 6 packs.

Asawa ko ba talaga to?

Napasampal ko ang aking sarili at umiling.

Malala ka na Lily!

Matapos kong punasan ito ay akmang susuotan ko na sana ng damit ng bigla itong dumilat at madilim na tumitig sa'kin.

Nanlaki ang mata ko. Napalunok ng wala sa oras.

"I-im sorry... I was just c-changing your shirt, basang basa ka kasi ng pawis..."

Mahinang sabi ko at napayuko. I pinch my palm because of nervousness. Nakakatakot ang kanyang mga titig at randam na randam ko ito.

"Get out." He said coldly.

Nanindig ang balahibo ko.

I tried to looked at him...

Tumango ako.

"B-bago ako umalis... Pwede bang suotin mo muna 'to?" Nauutal na sambit ko sabay abot sa kanya ng damit.

"I don't need that. I sleep naked. Now get out."

Mabilis akong tumango. Sa peripheral vision ko ay nasa akin parin ang madidilim niyang titig.

Kaya madali kong inihakbang ang mga paa palabas at marahang sinara ang pinto. Hindi na ako nag abalang tignan siya.

I breathed a sigh of relief. I guess I'll just sleep in the guest room.

My cold-hearted husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon