"Naalala mo ba no'n? Dito tayo sa lugar na 'to nagkakilala" halo halong emotion ang naramdaman ko nang simulan ko ang sasabihin ko.
"Oo, tanda ko 'yon. Naiyak ka noon at ako naman ay naglayas sa bahay namin." she replied.
"Hehe... Erica, 'wag mo na ibalik yun. Pero salamat ha? Kasi kung hindi dahil sa'yo, siguro mag isa parin ako ngayon."
"Ano ka ba naman, ang dami dami mo ngang kaibigan. Mr. Popular ka kaya sa school" natatawang sambit niya.
"Nagsalita ang hindi Ms. Perfect ng school." Pang aasar ko.
Nagpatuloy pa ang pag uusap namin, natutunaw ako sa bawat tingin niya.
"O? Bakit ganyan ka makatingin?" Nagtatakang tanong niya.
"Wala naman, Erica. Alam mo ba, napakaswerte ko to have you."
"Ako rin naman. Swerte ako kasi ikaw ang bestfriend ko. Mali pala, kapatid pala kita."
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi niya.
"Erica, may sasabihin ako sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Erica, matagal ko na 'tong nararamdaman. Heck, simula pa ata noong nagkakilala tayo, alam kong darating ang panahon na masasabi ko ito." Halos maubusan ako ng hininga sa kaba.
"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan niyang tanong.
" Erica, alam mo ba na ito 'yong exact place natin noon? The same seat at sakto, ito rin 'yong exact date and time na nagkakilala tayo 12 years ago. Simula palang nung tumabi ka sa akin noon at binigay ang panyo mo, alam ko na....
Erica,
Will you be my girlfriend."Tumayo siya bigla.
"Oh my gosh." Nakita ko na gulat na gulat siya, pero kitang kita ko rin sa mga mata niya na nasasaktan siya.
"Erica—" magsasalita sana ako nang magsalita siya.
"Hindi ko alam na ganito pala ang feelings mo para sa akin and—"
"The feeling is not mutual, right?" Pagtitimpi ko, konti nalang iiyak na ako. Hindi ko akalain na maririnig ko ulit sa boses ko ang sakit, rejection at kalungkutan.
"I'm sorry, kapatid lang talaga ang turing ko sa'yo." Sambit niya at hinawakan ang mukha ko habang ako'y napapikit na lang.
"Makinig ka, alam ko ang tingin na 'yan. You're the perfect guy. Someday mahahanap mo din yung girl na para sa'yo, at alam kong hindi ako 'yon. Higit mo siyang mamahalin kaysa sa akin, higit siyanb magpapasaya sa'yo. Higit ka niyang aalagaan at higit siya sa puso mo. At ako ang unang taong magiging masaya 'pag nahanap mo na siya. I'm just here for you." Mahabang sambit niya.
"Then, gagawin ko ang lahat para maging perfect guy para sa'yo." Nang hindi siya sumagot, bigla akong may naisip. Binuksan ko ulit ang mga mata ko at tiningnan siya. "Sabihin mo nga saakin ang totoo, may iba ka bang mahal?" Diretsang tanong ko sakanya.
Tumingin siya sa langit at napabuntong hininga. "Meron"
'Di ko alam ang sasabihin ko, ang sakit palang malaman na hindi ka enough sakanya. "S-Sino?"
"Siya."
"Sinong—" at do'n na pumasok sa akin ang lahat. No...
Sobra na ito, sobrang sakit na kung tama ang hinala ko."Oo, Theo. Tama ang nasa isip mo, hindi kita kayang mahalin kasi ang puso ko, pagmamay-ari na ng Diyos." Napaatras ako dahil sa sinabi niya. Grabe, sampung beses na masakit kaysa sa nauna.
Gusto ko siyang ipaglaban. Gusto kong ibigay lahat sa kanya. Gusto kong ako lang ang mahalin niya. Pero...
Ano pang laban ko...kung ang kalaban ko, ay Siya na."Theo—" Ngayon, ako na ang umiling, " I'm sorry, Erica. Pero, I need to go." At tumakbo na ako.
Hanggang sa may kotseng rumaragasang papunta saakin.
Pinilit ko na ang aking mga mata at inihanda ang sarili sa impact na makukuha ko sa kapag nag-collide kami ng kotse.
"Ikaw parin ang pipiliin kong mahalin sa susunod na habang buhay" huling katagang sinambit ko.
YOU ARE READING
Rewrite The Stars
Short StorySabi nila, if you really love the person...handa kang gawin lahat. Pero sa lahat ba ng sitwasyon ay akma ito?