Chapter one: weird :/

100 2 1
                                    

Nandito ako ngayon nakaupo sa isang park. Sa isang napaka gandang park. Saan kaya to?
Tatayo na sana ako kaso may matandang babaeng lumapit sakin. "Iha, may darating na mga pag subok sa iyong buhay. Pero malalampasan mo din ito. Magiging masaya ka sa una ngunit iiyak ka sa huli. Wag kang umasa. At wag kang magmamahal ng sobra dahil masasaktan ka rin ng sobra sobra."

"Lola ano pong sinasabi niyo?"
Kaso bigla ng nawala yung matandang babae. Eh ang weird naman :/
natatakot na tuloy ako. Nasan ba kasi ako?

"Naaak! Gumising ka na. May pasok ka pa!" sigaw ni Mama

"Waaaaaah!" bigla naman akong nagising may matching sigaw pa. Hyst natakot naman kasi ako kasi kanina nasa park pa lang ako kasama yung matandang babae eh. Kala ko naman totoo panaginip lang pala -___- ang weird tae.

Bigla namang pumasok si Mama sa kwarto ko -_- hindi man lamang kumatok.

"Nak bakit ka naman sumigaw?"
"Sorry ma. May napanaginipan kasi ako ang weird eh"
"Bakit ano bang napanaginipan mo?"
"Eh wala naman po. Haha di naman masyadong importante"
"Ah. Sige maligo ka na at magbihis pagkatapos kumain ka na. Malalate ka nyan sige ka!"
"Sige po mama"
Hyst ang weird talaga :/ hay bahala na.
Agad naman akong naligo at nag bihis. Ayoko kayang malate haha.
Bumaba na rin ako after 5 mins.
"Nak kumain ka na dito." sabi ni Mama
"Ay wag na po Ma 7:05 na po baka malate pa ako eh. Ayoko pa namang malate."
"Magugutom ka niyan. Pero sige na nga baka mapagalitan ka pa ng teacher mo. Sige bye nak. Ingat ka!"
"Sige po bye ma!"
Papaalis na sana ako kaso nag salita yung bunso kong kapatid na lalaki na si Glay.
"Ma ayaw niyang kumain ni Ate kasi ang taba niya na Hahahaha"
"Ako? mataba? haha ikaw kaya!" sabi ko naman.
"Hindi kaya!" haha sexy kaya ako. Eh totoo naman ang taba ni Glay eh.

"Ano ba nag aaway na naman kayo. Sige na nak umalis ka na baka malate ka pa" sabi ni mama

"Sige po. Bye ma! Bye Glay taba!"
Hahaha agad na akong umalis kasi alam ko mag aaway na naman kami ni Glay. Kahit palagi ko yung pinipikon mahal ko yun. Ew ang corny -_-

Sumakay na ako sa kotse kasi mga 10 mins. pa bago ako makarating sa school. Kaya nag patugtug muna ako ng music sa phone ko.

Hayy namiss ko na yung mga kaibigan ko. Haha akala mo mga tatlong buwan kami hindi nag kita para 2 days lang kasi weekend eh. Makikilala niyo sila maya maya.

Salamat nakarating din :)
"Manong sunduin niyo na lang po ko mamayang 5:30"
"Okay po Mam" Ayaw kasi ni Mama na mag commute ako baka daw ano pang mang yari saakin. Minsan naiinis din ako kasi gusto ko rin mag commute eh. Pero tama din si Mama baka ano pang mangyari sakin maganda pa naman ako. Hahaha

Pumasok na agad ako sa classroom namin.
"Macyyy!" sabi sakin ni Micah
Namiss ata ako nito eh. Pumunta na din sina Ayla at Sheen sa may samin ni Micah. Namiss talaga ako ng tatlo na ito.
Btw sila nga pala yung mag Bestfriends kong pangit :P jk haha. Pero si Micah talaga yung pinaka close ko sa sakanila.
"Oh ano namiss niyo ako? Aw namiss ko din kayo"
"Ew" Micah
"Yaaaks" Ayla
"Never" Sheen
-_- ganyan talaga yan. Ganyan nila ako kamahal haha.
"Deny pa *belat* yii"
"Di talaga haha. Sige na ilagay muna bag mo sa upuan mi baka pumayat ka pa eh"
Sabay naman silang tatlong tumawa. Hyst di kaya ako mataba. Malagay na nga yung bag ko ang bigat eh.
Ay hindi pa pala ako nag papakilala eh.

Ako nga pala si MACY JOY GONZALEZ. Aka Macy. 16 years old. Grade 9. Ahm ano pa ba? mabait ako, maganda ( walang kokontra) minsan mataray (Minsan lang Lol) Okay na ba? haha K.

Pumunta na ako kina Ayla wala pa naman si Mam eh. Palagi naman yun late eh srry :') haha.

Pag punta ko sakanila AYNAKO dumating na yung mga mayayabang na kaklase namin pero mabait naman daw. Kaibigan namin pero mayayabang talaga Hahaha srry ulet :') pero meron talaga akong di close sa kanila si Ken. Ewan di talaga kami niyan close. Sina Ayla, Sheen at Micah close nila yun eh.
"Oh mustaaa?" Sabi ni Ed
"Ayos naman!" Sheen
"Ikaw Macy?"
sasagot na sana ako kaso nakita ko si

Jaaay <3

Oh shit. I still love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon