una

16 1 1
                                    


"Huy!"



Napatili sa gulat si Dorothea o mas kilala sa palayaw na Dos nang biglang sumulpot ang nakabitin niyang kaibigan na si Alas.  Tulad nang palaging panakot ng kanyang ina sa tuwing makulit siya. "Nakabitin ka nanaman ng patiwarik!" saway ni Dos dito. 


Matagal nang mag kaibigan ang dalawa.  Kahit na madalas ay hindi gusto ni Dos ang mga panggugulat at malokong ugali ng kaibigan. 




"Bumaba ka nga d'yan!" masungit nitong utos dito. 




At sa isang ikot nagawang makababa ni Alas mula sa mataas na puno nang nakatayo parin sa dalawang paa.  May sa pusa daw ang bata at may pagka sa unggoy.  Isang bagay na ayaw din si Dos.  "Para ka naman si Mama." kinamot ni Alas ang ulo nito at pinunasan ang pawis gamit ang maduming sando. 



"Sabi kaya ng kaklase ko mamatay ka pag palagi kang nakabaliktad." tumalikod na si Dos at muling bumalik sa pag aayos ng nilatag na sako upang meron siyang maupuan. Kung hindi siya ginulat ng alaskador niyang kaibigan malamang ay kanina pa sana siya tapos. 



"Hindi 'yan!" pagsasawalang bahala nito at bago pa makaupo si Dos.  Inunahan na ito ni Alas at muling nag salita na parang wala itong ginawa. 



"Ano ba! Kumuha ka ng iyo!" sinubukang itulak ni Dos ang malagkit na braso ni Alas ngunit mas malakas ito sa kanya. Wala siyang ibang nakagawa kundi kumuha ng notebook sa loob ng bag at nakasimangot na umupo dito. 



"Anong pinabaon sayo?" sumilip si Alas sa loob ng lunch bag ni Dos at kinuha ang baunan nito. "Hoy! Fried chiken!"

"Nuggets." inabot ni Dos ang tinidor kay Alas at siya naman ang may hawak sa kutsyara. 


"Parehas lang din 'yon!" kumuha si Alas ng isa at masaya itong sinubo.  "Parehas masarap!"


Tumingin sa paligid si Dos, "Nasaan baon mo?" tumayo siya saglit at sinilip ang likod ng puno. Ang school bag lang nito ang nandito.  Muli siyang bumalik at umupo sa tabi ni Alas at nag taka nang mag iwas ito ng tinggin. 


Bumuga nang hanggin si Dos. "Sino."



Tumawa si Alas, "Grabe ka naman,  hindi ah! Nahulog ko sa ilog nang mapada ako habang nag lalakad. Wala 'yon."




"Narinig mo na ba ang kwento nang isang magnanakaw na ibon?" 



Lumiwanag ang mata ni Alas at binuhos niya ang buong atensyon sa kaibigan. "Hindi pa. Hindi pa."




Tumitig si Dos sa mga mata nito at tila ba unti unting nag babago ang paligid. Naging damo ang lupa na kanilang inuupuan at napalitan ng magandang tela ang kanilang sapin. Pati ang kanilang damit ay nagiba.  Ngayon ay suot nila ang tila pang farm na mga kasuotan. 


"Palaging inaalagaan ng isang magsasaka ang puno nang mangga." tumayo silang dalawa at tumitig dito. "Ngunit kahit na anong gawin niya.  Walang tumutubong bunga."

Sa kalayuan,  nandoon ang magsasaka at malungkot itong umupo sa lupa.  "Mahiwaga ang puno. Isang bunga lang ang tumutubo dito kada isang taon. At dahil sa kakaiba nitong katangian. Umikot sa buong bayan ang kwento na ito araw ay nakakagaling." muling bumalik anh tinggin ni Dos sa kulay berde at malagong dahon ng puno.  "May sakit ang nanay niya at kaylangan na kaylangan ng magsasaka ang kahit na anong himala na maari niyang makuha."



"Edi may pag asa pa palang maka ani ng bunga yung mag sasaka." lumapit si Alas dito at tinap niya ang balikat ng lalaki.  "May pag asa pa." bulong nito.



Napabuntong hininga siya at hindi na nagulat nang may isang nakakarinding tinig ang biglang umingay sa kalangitan. Ang magnanakaw na ibon. "Siya ang may kasalanan." Hindi nakalampas sa mga mata ni Dos ang pagkislap ng magandang kwintas na bitbit nang ibon bago ito tuluyang pumasok sa loob nang lumang kampana ng simbahan.



"Ah!" Gulat na tinuro ni Alas ang ibon. "Siya! Sundan mo siya!  Malamang ay siya ang kumuha nang puno ng mangga." ngunit walang ginawa ang magsasaka kundi titigan ang lumang kampana. 



"Imposible." ani nang magsasaka. "Masyadong luma ang kamapana. Delikadong umakyat dito. Isa pa, hindi ako sigurado kung kaya ko." 



Pinanood ni Dos ang pagbagsak nang mga balikat ni Alas.  "Tama ka. Wala ka din namang magagawa kundi hayaan nalang. Lumilipad ang kalaban mo. Samantalang nasa lupa ka lang."


Lumapit si Dos sa kaibigan at malakas itong hinampas. "Mali!" mangiyakngiyak na tumingin si Alas dito. "Maling mali!" tinuro ni Dos ang lugar kung nasaan ang ibon. "Papayag ka nalang na tratuhin kang ganon?! Paano na yung nanay niya?!" huminga siya nang malalim. "Hindi mo pa nga sinusubukan.  Sumuko kana agad!" 


Sumulpot ang isang flashlight sa tabi niya at inabot ito sa magsasaka. "Hanggat meron pang nag iisang posibilidad. Meron pang mga baka sakali. Hindi ka nawalan ng pag asa."



Tumitig ang mamasa masang mata ni Alas sa kanya. "Dos, natatakot ako." suminghot ito.  "Paano kung gumanti ulit sila. Paano kung matalo ako at mas maging di maganda ang mangyare?"




Ngumiti siya. "Matapang ka Alas. Wala ka dapat ikatakot."






Parehas silang tumingin sa magsasaka nang kuhain nito ang nahulog na sumbrero at matapang na tinahak ang daan papunta sa kinakatakutan.  At sabay ding napangiti.



Sa pag upo ni Dos, naramdaman niya ang wire sa spiral notebook. Pati narin ang paglaglag ng ibang parte nang kanyang pwet sa lupa. Bumalik sa dating anyo ang kanyang suot na damit. Tumingin siya kay Alas at nakita itong nagpupunas ng luha. 




"H'wag kang mag alala, Dos.  Sa susunod na kunin ni Bonny ang baon ko lalaban ako!"



Muling namangha si Dos sa kakaibang kislap ng mga mata nang kaibigan. Ang nag iisang dahilan kung bakit kahit na ano pang pang gugulat at pang aasar nito.  Hindi siya mag sasawang makasama si Alas.  At hinding hindi niya ito iiwan. 

Hinayaan niyang ubusin ng kaibigan ang baon niya habang patuloy nitong kinuwento ang nangyari.  At kung ano ang mga balak gawin ni Alas upang hindi na ito maulit.



Nang pumatak na ang alas singko. Nag paalam na ang dalawa sa isa't isa. Nag hiwalay ang kanilang landas bitbit ang kanya kanyang estorya. Lihim na inaabangan ang susunod nilang pagkikita. 





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alas-DosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon