January 24, 2012, Tuesday 6:43 PM
Hi. I'm Racquel Zeus Villarama. 15 years old. Only Child. Lalaki.. este Babae pala. At kung hindi niyo pa po alam, nakadress ako. Nakahigh heels rin. Gusto pa akong ipa-makeup ni Mommy kaso.. nagalit na ako. Hindi nga dapat ako pupunta eh. Sila lang naman yung kailangan doon. Ako? Kakain lang ako roon. At baka nga matulog pa ako.
Debut ni ate Grace. Inaanak ni Mommy at Daddy. Pupunta kami roon. Medyo malayo pa. Tapos traffic pa. Ano ba yan!
Nasa kotse kami. Si Daddy ang driver at si Mommy nasa harap. Ako nasa likod.
Hawak-hawak ko yung DSLR ko. Tinitignan ko yung mga photos na kinuhanan ko. Yes, mahilig akong magpicture. Kaya photography ang kukunin ko. Nakaheadset rin ako. Nakikinig sa music sa phone ko.
"Anak, okay ka lang dyan? Malapit na tayo." Tanong ni Mommy.
"..."
Nakita kong lumingon si Mommy. Nakita niya akong nakaheadset kaya hindi na niya ako tinanong.
Time check: 7:30 PM
"Quel! Nandito na tayo." sabi ni Daddy habang pina-park yung kotse namin. Nilakasan niya yung pagkasabi ng pangalan ko dahil nakaheadset ako.
Kinakabahan ako na ewan. First time kong nakadress tapos nakatakong pa ako. WTH.. masyadong pambabae.
Nakita kong nagreretouch si Mommy. Inalok niya pa ako ng foundation.
"Just a try." sabi niya.
"Myy, I'm fine. Ayoko. Okay na ako." sabi ko habang naka bitch mode ON ako.
Nakita kong nag-aayos rin si Daddy. Inaayos niya yung necktie niya. Yung suit niya. Yung belt niya. At marami pang iba.
Ako? No thanks. Okay na ito. Hindi pa ba sapat na nakadress at nakaheels ako? Hindi nga ako palaayos eh. Dinala ko ang DSLR at phone ko. Para may magawa naman ako.
Bumaba na kami. Kamuntikan pa akong madapa dahil sa heels na suot ko. Natatawa sa akin si Mommy. Ako naman, nakasimangot. Oo, masungit ako. Medyo.
Nasa gate na kami. Kinausap ni Mommy ang isang babae na nag-aasikaso ng mga bisita.
Kami ni Daddy, nakatayo lang. Ang daming tao dito. Kumuha ako ng picture. Ang ganda kasi ng pagkakaayos ng debut. Planado.
Pagkatapos kausapin ni Mommy, dinala kami ng babae sa table no. 6. Doon raw kami uupo. Nakita namin yung mga kaibigan ni Mommy sa table no. 6 rin. Nagyakapan sila. 3 sila roon. Sakto kaming lahat sa isang table.
Ako naman, kiniss ko sila to show some respect. Natuwa naman sila sa kinilos ko.
"Ang laki na ng anak mo, Helen ah? Ang ganda pa." sabi ni Tita Karen. Tita ang tawag ko sa mga kaibigan ng Mommy ko.
"Maganda?"bulong ko sa sarili ko.
"Hulaan ko, natangkaran ka na niyan no?" -Tita Olive.

BINABASA MO ANG
LOVE DOES (KathNiel)
Lãng mạnL O V E D O E S . . . Hi. I'm Racquel Zeus Villarama. Babaeng hindi alam na babae siya. Babaeng hindi alam na maganda siya. Babaeng moody. Babaeng hindi alam kung paano magmahal. Babaeng hindi alam na may magmamahal pa sa kaniya. Paano kung isang...