Simula

3 0 0
                                    

Shanaiah POV

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ciellys pagkalabas ko ng kusina. Nakaupo siya sa sofa habang kasama si Chichi na nilalantakan ang chichiryang hawak.

"Sa mall lang, bibilihin ko na 'yong libro na binanggit ko sainyo last time," sagot ko sabay suot ng beret hat.

Tumango si Ciellys. "Ah, okay."

Aamba pa lang ako umalis nang magtanong ulit ito.

"Bakit ka nga pala absent kahapon?"

"Ay oo nga tanga!" Pinanlakihan ako ng mata ni Chichi. "Si Maam Lopez pa naman teacher natin kahapon. Alam mo namang mainit ang mata non sayo, hinahanap ka, G na G!" sabat ni Chichi na may pa-tango tango pa.

"Masakit ulo ko kahapon kaya 'di na ko pumasok pero bakit na nga ba laging galit 'yon sa 'kin?"

"Diba nga napanood niya 'yong video na kung saan sinampal mo 'yong anak niya" sagot ni Chichi sa tanong ko.

"Ha? May nag-video non?!" napalakas kong sabi. Anak ng, bwisit talaga 'yong inggratang yon.

"Oo, nakuhanan ng ibang estyudante," sagot Chichi.

"Sabi ko naman kasi sayo 'wag mo na patulan, baka mamaya ipa-drop ka ni maam sa subject niya. Buti nga hindi ka na-guidance eh," saad ni Ciellys habang kumakain.

"Si Malia naman talaga ang nauna, at saka kung ipa-guidance niya ko, siya pa rin ang paparusahan dahil siya ang mali!" giit ko.

"Kahit na ba, sana pinalampas mo nalang tutal hindi naman ako nasaktan."

"Hayaan mo na Ciellys, deserve naman niya 'yon," pag-aalo ni Chichi habang tinatataas pa ang kilay na dahilan para matawa kami.

I-lock ba naman kasi niya si Ciellys sa CR, sinong hindi magagalit don. Tinanong ko kung bakit niya ginawa 'yon, aba ang sagot ng bruha, trip niya lang daw. Ayon napagtripan ko rin siyang sampalin.

"Ouch!!! I will make sure you'll regret this, bitch!" sigaw niya habang naka-lampaso sa sahig. Nasa tapat kami ngayon ng CR at pinapalibutan ng mga tao. What a scene.

Hindi ko nga alam kung malakas ba talaga 'yong sampal ko o nag-iinarte lang siya.

"Are you okay sissy?" tanong ni Vynccia, na isa sa mga alipin niya.

"I'm fine"

"Let me help you—"

"I said i'm fine!!!" sigaw niya at saka tinabig ang kamay ng isa rin sa alipin niyang si Marnoelia.

"Ew what a spoiled brat you are, akala mo naman talaga aamuhin ka lahat ng tao. Sige tumayo ka mag-isa para magpanggap na matapang kahit ang totoo iyakin naman" i said with disgust.

"Naiah, tama na" awat sakin ni Ciellys.

"Ganyan nga Ciello Arellys, awatin mo 'tong warfreak mong frenny!"

"Kung may warfreak man dito, ikaw 'yon Mariposa Aurelia" naka-ngising sabi ni Chichi at talagang ipinagdiinan pa ang full name ni Malia.

"Argh! Pwede ba don't say my name! We're not close, pakialamera!"

"Whatever, Mariposa Aurelia," pangaasar ko din.

"What is this mess?"

Natahimik ang lahat nang dumating si Sir Phyrros, pati kami ay hindi makapagsalita.

Kitang kita ko ang pamumutla ni Malia kung paano dumaan ang takot sa mata nito. Muntik na akong matawa! Duwag talaga!

"Sir, kasi itong si—"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fascinated With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon