Chapter 1

8 0 0
                                    

"LENI NABUNTIS NG DINOSAUR!"

Nilingon ko si hanna ng sumigaw sya eh nag-se-selpon lang naman sya. Pinakita niya sakin phone niya.

" gagi bianca! Si leni daw nabuntis ng dinosaur! Papakalat ko to! Papakalat ko!"

Boang ba to?

Si leni nga pala ay 'yong grade 12 na mahilig mag liptint ng super light pink tas may gloss. Para syang palaging kumakain ng letson. Sana all.

" 'san mo na naman ba yan nakita ha? Pabasa nga!" Agaw ko sa kanya sa latest iphone niya. Bili daw ng sugar daddy niya.

" Sa facebook malamang! Alam mo namang friends kami sa facebook nung bestfriend ni leni na ex bestfriend na pala niya ngayon." Sagot ng babae.


'LENI NABUNTIS NG DINOSAUR! IPAKALAT NYO NA. KAMBAL ANAK NIYA! #PICKMEGURL #DINOSAURBABYDADDY.'


eh gaga pala tong ex-bestfriend ni leni eh.


Sinuli ko kay hanna yung selpon niyang iphone. " wag ka ngang nag-papapaniwala dyan! May dinosaur ba ngayon?! Tas si leni?! Nabuntis ng dinosaur?! E diba baks yun?! Bonak ka talaga!"

" o nga no?" Napatingin pa sa kisami ang babae.

Nandito kami ngayon sa classroom naming mga Grade 11 students section maligaya.

Ang pangalan ng section namin ay 'Section Maligaya'. Obvious ba?

Recess namin ngayon kaya nag-seselpon lang kami.

" asan pala sila dante? Bat di mo kasama?" Tanong ni hanna habang tutuk sya sa selpon niya ako naman ay busy sa pag-kalikot sa kuku ko.

Nilingon ko siya. " ewan di ko sila close."

"Ginutum ako, ikaw ba?" Pupunta na lang akong canteen, total may 30 minutes before the bell pa naman.

" busog ako, ka chat ko sugar daddy ko." Kinaway niya pa sakin ang kamay niya.

" ikaw bahala." Iniwan ko na sya 'don.

Ewan kung totoo bang may sugar daddy sya. Eh may kaya naman pamilya niya. Maayos. Baka echos niya lang.

Sa public school ako nag-aral dahil dito ako hinatak ni hanna nung mag-eenroll kami nung grade 7 kami.

Kakasimula pa lang ng school year pero wala na akong gana. Walang pogi sa room.

Okay naman dito, kaso lang halos kada linggo kaming pinagdadala ng adviser namin ng floorwax. Tapos pagkalipas ng mga tatlong araw bigla-bigla na lang mawawala yung mga floorwax.

Binebenta siguro ni maam.

Ang kaharap ng canteen namin ay ang field at sa dulong parte ng field ay may long pathway patungo si mini forest na maraming lamok.

Malapit na ako sa canteen ng may nakasalubong akong nagtatakbuhang mga ulupong.

Nanlaki ang mga mata ko ng hatakin sa kamay nung tumatakbong sila dante pala.

Lintek! Paniguradong may kasamaang ipinaghasik na naman tung tukmol nato!

"Putek! Dahan-dahan! Dante bwiset ka!" Kumawag-kawag ako pero sinamaan lang ako ng tingin ni dante at patuloy na tumakbo.

"Manahimik ka! Hinahabol kami ng SSG! nahuli kami sa likod!" Sigaw ng lalaki.

Paglingon ko sa likod ay nataranta ako dahil hinahabol nga sila ng SSG! Putek andon payong president nila!

TrappedWhere stories live. Discover now