A Million Offer For Your Virginity
(A one shot story)
By: Keelsey Sy
[Characters]
Kimberly Bela Agustin Padilla
Ericel Mae Tolentino
Giselle De Pedro
Mar Austria Ramirez
Jhay Jhay Samonte
Gabby Deguzman
PROLOGUE?
HAHA WALA PO SIYANG PROLOGUE .
TINAMAD AKO EH. .
DERETSO NA LANG KAU SA CHAPTER 1 ^__^V
ENJOY . .
**********
Chapter 1
**********
Kimberly's Pov
"Bela kanina ka pa tulala diyan. Ayusin mo nga 'yang trabaho mo kung ayaw mong matanggal sa trabaho." sabi sa akin ni Giselle.
Waitress din siyang katulad ko sa BBY bar & restaurant na pagmamay ari ng boss naming si Gabby. May pagka istrikto kasi si Sir Gabby sa amin pero hindi iyon tumatalab kay Giselle.
Agad kong inayos ang sarili ko. Mamaya ko na muna problemahin ang mga problema ko. Focus muna ako sa work. Nakita kong may kadarating lang na costumer kaya nilapitan ko na sila dala ang menu book.
Ako nga pala si Kimberly Bela Agustin Padilla. Most of my co-workers called me Bela. I'm 22 years old. High School lang 'yong natapos ko dahil hindi na kayang tustusan ng nanay ko ang gastos sa kolehiyo. May isa pa kasi akong kapatid na nag aaral. Graduating na siya ngayon sa highschool.
Nasa sinapupunan pa lang yong kapatid ko ng mamatay si Papa. At ako naman ay limang taon pa lang noon. Mag isa lang kaming itinaguyod ng nanay para makapag aral kami.
Pero nung matapos ako sa highschool ay hindi na kinaya ni nanay ang katawan niya para magtrabaho. Nagpasya na lang akong hindi na mag kolehiyo kahit na may offer na sa aking scholarship.
Nagtrabaho na lang ako para sa pag aaral ni Andrew. Si nanay nag eextra bilang labandera ng mga kapitbahay namin. Ayaw ko sanang pumayag kaso mapilit siya kaya hinayaan ko na lang siya.
Back to reality na nga tayo otor. .
Kasusulat mo lang drama na agad. .

BINABASA MO ANG
A Million Offer For Your Virginity
RomanceWaaahhh!! Dahil nabura ko dati kong akawnt. Ibabalik ko na 'to. Hihihi WARNING! SPG 'TO!!!