Chapter XXXVII

7.3K 216 43
                                    

 

Hi! Yes, nakapag-update din ako. Pasensya na kung inabot ng halos isang buwan ‘yung hindi ko pag-uupdate. Kung alam niyo lang. Maiyak-iyak na ako sa mga requirements at paperworks ko. HAHAHA! Tunay! Mabuti na lang at natapos ko kaya pwede na ulit akong mag-update ng madalas!

Hindi ko alam kung may magbabasa pa ba nitong update ko sa tagal kong nawala pero doon sa mga nakayang maghintay at naintindihan ‘yung sitwasyon ko, maraming salamat po J

 

 

*Reggo

 

Kung tatanungin niyo ako kung kamusta naman ‘yung nangyayari sa amin, I’ll say it’s fine. Fine dahil walang pressure. Hindi ko kailangang ipressure ‘yung sarili ko na sagutin siya agad for the sake na alam niya na mutual na ‘yung feelings namin sa isa’t isa. Hindi niya tinake for granted ‘yung confession ko na I’m almost there. At the same time, ganoon rin naman siya sa akin. Ni minsan, hindi ko man lang naramdamn na pinepressure niya ako to answer him. Hindi ko rin nararamdaman na nagsasawa o naiinip na siya. In fact, as time goes by, mas lalo niyang dinodoble ‘yung effort na nakapagpa-impress sa akin. Ibang iba na talaga siya doon sa Gray na nakilala ko noon. At some point, gusto kong tumalon sa tuwa kasi hindi ko isinarado ‘yung puso ko sa kanya at hindi mali ‘yung desisyon kong bigyan siya ng second chance.

Andoon pa rin naman ‘yung kaunting misunderstandings. Nagtatalo pa rin kami sa mga bagay-bagay. Pero hindi ‘yun ‘yung issue. Siguro masasabi kong individually, nakatulong ‘yung mga panahong nagkahiwalay kami para ma-realize namin ‘yung mga bagay bagay na hindi pa namin naiintindihan noon. Mas naging mature kami at mas malawak na ‘yung pagtingin namin sa mga bagay bagay. Narealize namin na mas ok ng matalo sa isa sa mga argumento namin kaysa manalo nga, ang kapalit naman ay ang pagkawala niya. Ang cheesy ba? Sisihin niyo ‘yung mokong na ‘yun. Nahawa na ata ako.

“Kukunin mo lang ‘yung book sa akin tapos umuwi ka na ha?” sabi ko dito.

Opo boss. Promise!” tapos  sumaludo pa siya. Wtf?

Nanghihiram kasi siya ng libro ng Psychology. Ewan ko ba kung bakit all of a sudden bigla na lang naging interesado ‘to sa course ko. Simula nung magkwento ako tungkol doon sa isang topic namin sa Theories of Personality, hindi na mapatid na mga tanong ang ibinato niya sa akin. I remember one time na nag-joke pa siya nag mag-shishift ng course.

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon