PROLOGUE

4 1 0
                                    

Tahimik akong nakaupo sa tabing dagat. Inaabangan ang paghalik ng maliliit na alon sa aking mga paa. Napapangiti sa nakakakiliting sensasyong dala ng malamig na tubig na nililinis ang buhanging kumakapit sa pagitan ng bawat daliri nito. Ipinikit ko ang aking mga mata. "Inhale... exhale," anas ko nang naramdaman ang pagtayo ng aking balahibo sa katawan dala ng hanging dumapya sa aking balat.

Unti-unti kong iminulat ang aking paningin at nanlaki ang mga ito. "Wow." At naiwan akong laglag panga sa nakita. Dahan-dahan ang paglubog ng araw sa abot-tanaw. Sumasabog ang nagbabagang kulay pula na may halong kulay kahel na bumabanaag sa kalangitan. Buo kung pagmasdan ang lumulubog na araw dahil sa repleksyon nito sa kalmadong karagatan.

Pait akong natawa sa sarili. "Ganito rin kaya ang mangyayari sa'kin?" At hindi ko napigilan ang butil ng luha na kumawala sa aking mata. Humugot ako ng malalim na hininga. Tanaw ang malawak na karagatan ay ipinangako ko sa aking sarili na kailanman ay hindi ko hahayaang mangyari na lulubog akong makikita ang aking sarili o ng sino man.

"Enjoying the sunset?"

Abot tainga akong ngumiti at lumingon nang marinig ang boses ng lalaking mahal ko. "And excited for the next sunrise," sagot ko.

Nakatayo siya sa gilid ko at inabot sa akin ang mahaba niyang braso. Tinitigan ko ng ilang segundo ang palad niyang nakalahad sa aking harapan.

"Hanggang kailan mo ba ako hahawakan? May plano ka bang bitiwan ako?" tanong ng isipan ko na hindi ko magawang bigkasin sa kanyang harapan. Tumingala ako para pagmasdan siya. Tila may bagay na nakadagan sa aking dibdib na sobrang bigat sa pakiramdam. Ang lapit niya pero ang hirap na niyang abutin.

"Alam ko kung gaano mo kagusto panooring magkasama ang dagat at araw. . . maging ang dagat kasama ang buwan," aniya at hindi nakatiis ay siya na ang kumuha ng palad ko at hinatak ako patayo. Niyakap niya ako nang mahigpit at dinig ko ang malakas na tibok ng kanyang puso na nagpaparupok sa aking damdamin.

"My happy pill. Parang ikaw," sabi ko at niyakap ko rin siya na halos ayaw ko na siyang pakawalan pa. Sa salitang binitiwan ko sa harap niya ay hindi ko sigurado kung masaya ba talaga ako. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit iba ang kabig ng aking bibig kumpara sa nararamdaman ko para sa kanya.

Kumalas ako sa pagyayakapan namin at tumingala para pagmasdan ang mukha ni Art. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakakatakot na ekspresyon ng kanyang hitsura. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at ang mga mapupungay niyang mga mata ay tila nagbabaga sa galit. Ang nakakamanghang kapaligiran ay napalitan ng madilim na kuwarto at basag na mga kagamitan na nagkalat sa sahig.

"We both happy right?" Tiim-bagang niyang tanong habang mariing hinahawak ang magkabilaan kong braso.

Marahas akong nagpupumiglas subalit malakas ang pagkakapit niya sa akin. "Pagod na ako, Art. Hindi na ako masaya," garalgal kong sagot, "Itigil na natin 'to," dagdag ko at halos nawalan na ako ng lakas.

Unti-unti niya akong binitiwan hanggang sa naabot na ng dalawa kong paa ang sahig. Sapo ko ang aking dibdib at hinahabol ang aking hininga. Hindi ko akalaing aabot sa punto na magkakasakitan kaming dalawa ni Art, gayong hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya.

"I'm still happy about us, Messi. Akala ko ba walang iwanan?" aniya na parang maamong tuta at unti-unting nilalapit ang kanyang mukha sa akin.

"Hindi puwede na ikaw lang ang masaya. Our relationship becomes toxic since the day na nagloko ka. You've been so selfish, Art. Hindi na ikaw ang dating Art na nakilala at nakasama ko." Napaatras ako at nasundan pa ng ilang hakbang. Panay naman ang lakad paabante ni Art sa mismong tapat ko hanggang sa naramdaman ko ang saradong pinto ng aming kuwarto sa aking likod. "Pero nagbago na ang lahat, Art. Hindi na tayo gaya ng dati," sabi ko habang kinakapa ang door knob.

EPILOGO SERIES: MESSI (by: Koshbakhty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon