Chapter 1

1 0 0
                                    

Alas dos na nang madaling araw ng tingnan ko ang oras sa aking cellphone. Ang gulo ng utak ko at hindi ako mapakali kaya panay galaw ko sa ibabaw ng aking higaan. Natigilan lang ako at nakiramdamdam sa paligid habang nakatitig sa kisame nang narinig ko ang mga asong tumatahol mula sa di kalayuan na parang hinahabol ang lalaking sumusigaw, hanggang maging ang alaga naming aso ay nakikitahol na rin.

"Bulig! Bulig! Ismael! Ismael!" garalgal na boses ng matandang lalaki na siguradong si Mang Islaw, ang katiwala ni Papa na naninirahan malapit sa aming sakahan. Sumisigaw ito ng saklolo at tinatawag ang pangalan ng aking ama.

Bumalikwas ako sa aking kama. Parang tatagos ang aking puso sa lakas ng tibok nito. Humugot ako ng malalim na hininga at dali-dali akong lumabas ng kuwarto. Nakasalubong ko sina Mama at Papa na nag-aalala, maging si Debbie na bunso kong kapatid na kalalabas lang din sa silid nila.

"Ismael! Ang humayan!" sigaw muli ni Mang Ismael. Namamalat na ang kanyang boses at maririnig na ang pagtangis ng matanda sa labas. Tinutukoy nito ang palayan na sa makalawa ay plano ng anihin ng mga magsasaka.

"Dito lang kayo." Mabilis na hinablot ni Papa ang susi ng motor na nakasabit sa dingding malapit sa pinto ng kuwarto nila. Ganoon din si Mama, hindi ko man lang napansin ang pagtungo niya sa pinto at binuksan ito. Halos lumipad si Papa palabas ng bahay at hindi na niya nagawang isuot ang tsinelas. Kumaripas ng takbo ang kanyang motor sumunod maging ang mga alaga naming aso na panay ang tahol patungo sa aming sakahan. Nanatili akong nakatayo at halos hindi ko maihakbang ang nanlalambot kong tuhod.

"Ate, ang putla mo. May sakit ka ba?" usisa ng walang kamalay-malay kong kapatid.

"Debbie, kumuha ka ng maligamgam na tubig para kay Mang Islaw," utos ni Mama rito at mabilis naman nitong ginawa.

"Messi, tulungan mo nga ako," tawag ni Mama na nahihirapang alalayan ang matangkad at nanghihinang matanda.

Hahakbang na sana ako nang muli akong nanigas sa kinatatayuan nang marinig ang sirena ng bombero, hindi lang isa, dalawa o tatlo.

"Messi," pag-uulit ni Mama pero hindi ako nakasagot maging ang dila ko ay nanigas at halos hindi na ako makapagsalit. Paulit-ulit kong naririnig ang banta ni Art na sisirain niya ang kabuhayan ng aking pamilya.

"Messi."

"Ate Messang!"

Nagising ang nakalutang kong diwa sa boses ni Mama at sigaw ni Debbie. Nakatayo siya harap ko habang hawak ang basong pinaginuman ni Mang Islaw. "Ate, saan ka na nakarating? Umarika?" panunuya niya. Umarika ang bansag ng taga rito sa farm, pinagsamang uma na ibig sabihin ay sakahan at ang bansang Amerika. Dahil tuwing pupunta ang mga tao sa sakahan ay balot na balot ang buong katawan na akala mong umuulan ng yelo kahit sobrang init naman.

Sinulyapan ko ang matanda. Nakahiga ito sa sofa at halos bagsak na ang mga mata sa sobrang panghihina.

"Tay!" Bungad ni Marites sa pintuan. Panganay na anak ni Mang Islaw. Kasama rin nito ang inang si Aling Lucila na kahit may edad na ay malakas pa rin ang pangangatawan.

"Mayad na adlaw, Ma'am," bati nito ng magandang araw sa Mama ko. Subalit bigla nalang itong humagulgol at nauutal na ikinuwento ang nangyari sa aming sakahan. "Ang lima ka ektarya nga garabunon, waay dun," sambit niya ng malumanay sa nakasanayang lingwahe na ibig sabihin ay wala na ang limang ektaryang sakahan. "Wala kaming nagawa, Ma'am. Ang lapad ng sunog. Pati sa piyak nga bahin nasunog man," dagdag niya na maging sa kabilang bahagi may sunog din umano.

Hindi nakapagsalita si Mama at nakita ko na lang ang nag-uunahang luha sa kanyang mga mata na kanyang pinupunasan gamit ang daliri niya. Kumuha ako ng pitsil na may tubig at tatlong baso. Inilapag ko ito sa misita at nagsalin ng tubig sa bawat baso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EPILOGO SERIES: MESSI (by: Koshbakhty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon