Jane's POV
Nandito ako ngayon sa tabi ng dagat nilalaro yung mga buhangin
"Grabe siya, mama ko nga hindi ako nasasabihan non eh siya pa kaya, tsk" sabi ko habang binabato yung buhangin
"Hayaan mo na, ganon lang talaga siya ka-overprotective saakin eh"
"Ay kabote!" Bigla nalang akong napasigaw, nakakagulat talaga to si peter pan
"Pero hindi siya marunong lumugar" sabi ko
"Pagbigyan mo na" sabi niya at tumabi saakin
"Pag pinagbigyan ko naman uulit niya yon saakin, hindi ako papayag na ako palaging talo" sabi ko
"Lunukin mo muna yan pride mo" sabi niya
"Pano ko ma-lulunok yon eh word yon eh" sabi ko
"Ang cute mo talaga" sabi niya sabay gulo sa buhok ko
Tinker Bell's POV
Nakita ko si peter pan ginulo niya yung buhok ni jane, nakakainis yan jane na yan, simula nang pumunta siya dito lahat ng atensiyon nasa kanya na! Tapos pinapahamak nia pa ang taong mahal ko
Oo mahal ko si peter pan, matagal na, ayoko lang ipagtapat natatakot ako baka masira ang pagkakaibigan namin at maglaho yon ng parang bula
Gagawin ko ang lahat para mapasaakin si peter pan, gagawin kong mas mabilis ang mission nila para makaalis na yan jane na yan! Pahamak siya!
Maghintay lang siya..........
Jane's POV
Habang nandito kami sa tabi ng dagat biglang may nakita kaming bote na may lamang papel
"Baka isa yan sa mga mission natin" sabi ni peter pan at kinuha ko yung bote at binuksan at kinuha yung papel, ito ang nakasulat sa papel
Magaling! Nagtagumapay kayo sa una niyong mission, ito naman ang susunod niyong mission, kailangan niyong makuha ang ang isang korona na sobrang mahalag iyon, at iyon ay nakalagay sa barko ng mga pirata
PS : sana magtagumpay kayo sa inyong pangalawang mission
Ito nanaman ang mission namin, natatakot nanaman ako baka mapahamak nanaman peter pan at ang mga kaibigan niya
"Huwag kang mag-alala, hindi na kami mapapahamak" sabi niya, ha? Paano niya nalaman?
"Paano ko nalaman? Halata kasi sa mukha mo eh" sabi niya
"Tara kailangan na natin magawa ito habang maaga" sabi ko
"Sige" sabi niya
Sana magawa namin ito ng hindi pumapalya......
Inilipad na ako papunta sa barko ng mga pirata at nakita namin ang mga pirata at nagtago muna kami
"Rrrrrrr, naunahan natin sila peter pan kunin ang korona, rrrrr" sabi ni CH
"Oo nga captain" sabi naman nung isa pang pirata na mataba
Habang dahan dahan kaming pumupunta sa taguan ng mga nakuha ng pirata nakita na namin agad ang korona na hinahanap namin ng kukunin na namin biglang
"Captain sila jane at peter pan!" Sigaw ng matabang pirata, ang sarap talagang lechonin nung matabang piratang yon!
Nang lumapit saakin si CH sinipa ko siya sa?
Sa tuhod niya at napaluhod siya sa sakit
"Aray! Bakit mo ginawa yon?!" Galit na tanong niya
"Para depensahan ko ang sarili ko?" Sarcastic kong sagot at nakita ko siyang napikon, hahahahaha
"Sugudin niyo siya" biglang sabi ni CH, opps ang dami nila at mag dala pa silang sword
"Jane talon!" Sigaw ni pater pan nasa labas siya ng barko, baliw ba toh?!
"Baliw ka ba?!" Tanong ko
"Basta!" Sabi niya, no choice ako ginawa ko tumalon ako at hindi ako nahulog! Nakita ko si peter pan nasalo ako
"Nagawa natin ang mission ng walang napapahamak!" Sabi niya at akmang mag-aapir saakin
"Hindi ba ako napahamak?" Tanong ko
"Hindi" sabi niya at biglang tumawa, tinarayan ko na lang siya
BINABASA MO ANG
Once upon a dream
FantasyPaano kung ang isang magandang pangyayari ay panaginip lang pala? Paano kung ang nabuong pagibig ay isang malaking ilusyon lang pala? Paano kung ang lahat ng ito ay panaginip lamang? Ito ay isang storyang hindi mo pa napapakinggan, nababasa o napapa...