Nggayon lang ulit nakagawa ng story. Actually yung story na to ay base lang sa narinig kong message kay VJ Nikki sa Mellow Myx. 😂
Hello dun kay ateng sender sa Myx. although di ko natapos yung message mo kasi todo type agad ako nung narinig ko yung story mo.
Crush ko siya.
Nalaman kong may gusto din pala sya sakin.
Nang malaman namin yun, di na kami nag papansinan sa isa't isa pag sa personal na.Nahihiya? Ewan ko. Ayoko lang talagang pansinin ko sya sa personal.
Ang gulo no?
----
Klase namin ngayon sa physics. Wala akong magawa. Ang boring ng prof nag turo eh. Pag physics talaga ang subject wala talaga akong ganang makinig, ewan ko ba habang nag sasalita yung prof, parang mas kinakantahan pa niya ako nang lullaby eh.
Nakipag usap nalang ako sa katabi kong si chelsea na kanina pa kinikilig sa cellphone niya. Parang bulateng nalagyan ng asin.
Ako: hey chels. Anong meron sa cellphone mo at kinikilig ka diyan? Kalandian mo?
Chelsea: Adik ka. Kilala mo ba si Kenneth?
Ako: Nakikita ko lang siya dito sa campus. Why?
Chelsea: Bes, gwapo niya! Diba?
Ako: Okay lang. May itsura.
Chelsea: Lahat ng tao may itsura. Kahit tae may itsura.
Ako: Di nga masyado.
Chelsea: Ay nako. Di mo pa kasi nakikita ng malapitan.
Ako: Eh ano ba ang pinag kaiba sa malayo at malapit? Basta sa perception ko, hindi siya gwapo.
Chelsea: Tse! Ewan ko sayo. Ang bitter mo! Kaya walang nag kakagusto sayo eh! Sayang, ganda mo pa naman bes.
Ako: Oh ano? Gusto mo na ako nyan?
Chelsea: Wow! Ganda mo nga, ilusyunada ka naman. Asar!
(Medyo napataas ata ang boses ni Chelsea kaya napansin kami ng prof)
"Lower your voice young ladies. Kung gusto niyong mag chismisan, dun kayo sa labas. Wag dito sa klase ko. Nakakaistorbo lang kayo." galit na sabi samin ni Professor.
"Sorry sir!" we both said in unison
Ako: Ikaw kasi eh!
Chelsea: Wow, at ako pa ang may kasalanan ngayon ha?
Ako: Oo ikaw.
Naging tahimik nalang kami para di na kami pagalitan.
Few weeks after, may nagtext sa akin.
From: Unknown Number
Hey!
Sino na naman to? Na curious ako bigla. Madaming nag tetext sakin na mga unknown numbers, yung iba nan titrip lang, yung iba gusto lang akong makatext. Pero kasi tamad talaga ako sa nga bagay na to. Pero ewan ko ba, gusto kong replayan to.
To: Unknown Number
who's this please? 😊
-sent-
*beep*
Aba bilis mag reply ah. Magaleng. Malakas signal. De joke.
From: Unknown Number
Kenneth Villanueva from axsxdxfxgxhxjxkxl High School. 😊
-Received-
To: Kenneth (Save agad agad, para pag mag text ulit, di ko na tatanungin kung sino. Witty much)
BINABASA MO ANG
Simultaneous Love
Short StoryAno nga ba ang crush? Yung ikaw lang ang nag kakagusto? Yung mas mababa sa Love? Nakaka loko tong crush na to. Crush mo lang naman diba? Masama ba yun? Hindi naman diba? Di ka naman lumalampas sa limitasyon. Pero pano pag nalaman mong may gusto di...