1

14.9K 132 16
                                    

Smile before he die

written by: Kaori Wakabayashi

1

"Tara na kasi sa park, Lyn. Bulok na ako dito sa loob." sabi ni Ethan sa'kin habang nakasimangot. Ginugulo niya pa 'yung buhok niya. Ipinapakita sa'king bored na bored na talaga siya.

"Ethan, alam mo namang bawal kang mapagod diba?" 

"Oo alam ko naman," Tumingin siya sa semento, "pero kahit na tumigil o magpagod ako, mamamatay at mamamatay pa din naman ako."

"WAG KA NGANG MAGSALITA NG GANYAN!" Hinawakan ko ang dalawang kamay niya, "Hindi ka agad mamamatay, okay?"

"Sana nga para mas makasama kita ng matagal at mapakasalan kita."

I forced a smile, "Syempre kailangan mo akong pakasalan balang araw kaya lumaban ka ha? Wag mo akong iiwan. Nasa tamang edad na tayo para humarap sa altar atsaka gusto kong magkaroon ng anak 'no!"

"Ako din naman. Gusto ko nga lima eh."

"Baliw ka talaga."

Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap niya ako nang mahigpit, "Papakasalan kita, Lyn. Promise 'yun kaya asahan mo."

"Sige, talagang aasahan ko 'yan.

Humiwalay siya sa yakap namin at tinitigan niya ako, "Sabi ko na nga ba eh umiiyak ka na naman!" Pinunasan niya yung luha ko,. "Alam mo namang ayaw na ayaw kong umiiyak ka diba? Gusto ko lagi kang nakangiti."

"Oo na po, nakangiti na." 

"Ayan! Mas bagay sa'yo!"

"S'yempre maganda ako eh."

"Oo na maganda ka na, pwede na ba tayong pumunta sa park? Hindi ako magpapagod promise!"

"Hayyy, ikaw talaga! Hinuhuli mo lang ako eh!"

"Haha! Tara na!"

"Ano pa ngang magagawa ko?" Pumunta na ako sa likod niya at tinulak 'yung wheelchair na inuupuan niya. Halatang excited na excited siya. Sa loob ng ilang linggo, ngayon lang ulit siya makakalabas.

"Yehey! Pupunta na kami sa park!"

"Para ka talagang bata."

"Eh na-miss ko lang 'yung labas. Lagi na kasi akong nakakulong sa bahay. Kung wala lang talaga sana akong HCM, malaya ako---ay mali, tayo pala."

"Ayos lang naman sa'kin kahit na isang taon ako sa bahay. Basta ba ikaw 'yung kasama ko eh!"

"Wow! Ang sweet naman ng girlfriend ko! Sana lagi na lang tayong ganito 'no?"

Sana nga, Ethan. "Siyempre naman! Lagi tayong ganito! Sino ba namang may sabing hindi? Wala diba?"

Ngiti lang ang itinugon n'ya sa'kin.

* * *

"Tara doon tayo malapit sa fountain!" 

Smile before he dieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon