Your Number One Fan

158 7 10
                                    

Graduation day...

"Aubrey! Will you be my girlfriend?" sabi niya...

"I'm Sorry..."

...

Unti-unti kong nakita ang lungkot sa kanyang mukha. Pati na rin ang mga luhang dahan- dahang pumapatak sa kanyang mga mata.

Pinakawalan ko ang taong ngayo'y minamahal ko. Kung maiibabalik ko lang talaga ang dati. Nakakapangsisi pero mahirap na talaga ibalik ang nakaraan. Mahirap ding ibahin yung nararamdaman nung past kung alam mo namang hindi mo siya mahal sa present at pagsisisihan mo talaga sa future.

Maraming bagay na ang mga nagbago. Kabibili ko lang ng nokia 3310, ngayon may Iphone 5 na. Dati pa friendster-friendster pa lang ako, ngayon 24/7 online sa facebook. Noon padougie-dougie lang ako ngayon may gangnam style na...

Dati binasted kita ngayon minamahal na kita...

Ngayon sikat ka na at madami ka pang taga-hanga. Isa na din akong ganap na fangirl mo. Isa sa milyun-milyong sumusuporta sayo.

Mahirap umasa at nguma-NGA lalo na't alam mong konting-konti at halos wala ka naman talagang pag-asa. Madaming kaagaw, kakumpetensya. May pag-asa pa kayang mapansin niya ako?

*Mall tour*

"3 hours na lang makikita ko na ulit siyaaaaaaa!"

...

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"  fans

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!" fans

"NANDYAN NA SI KEN VERGARAAAAAAAAAAAAAA!"  fans

O.O --- <O< --- >O> --- >O< --- \^O^/

Ganyan facial expression ko...

...

Tapos... 

:( --- :"""( ---/O^O\

Wala man lang nangyari. Nakita ko nga siya pero WALA! Wala talagang nangyari. Di ko man lang siya nalapitan, nahawakan, at nayakap muli. Sana nakita niya ako... :'( </3

Sana nakita niya yung paghihirap ko. Mapaos sa kasisigaw, mabingi sa napakalas na hiyawan ng fans at pati na din ang deputang speaker at makipagsiksikan sa libong tao na halos himatayin na ko.

Ginawa ko na ang lahat...

Tinweet kita ng tinweet sa twitter.

Inadd at nagmessage na ko sayo sa Facebook.

Finollow at halos lahat ng pictures mo nililike ko sa instagram.

Nag mala-detective conan na ko sa kakastalk sayo.

Pero wala paring nangyayari. I feel so hopeless at pinanghihinaan na ko ng loob sayo.

Pero nagbago yun simula nung...

*Mall show ulit*

"Hello there Ken Fanatics! Gusto nyo bang mameet and greet backstage ang idol nating si Ken? We're going to pick 5 girls na magaling mag-dougie! Oh, sino sa inyo game dyan! Eto na chance nyo!" sabi ng host

Yes! Chance ko na 'to! Don't miss the chance at take the opportunity na! So todo hataw na ko magdougie and luckily napili ako! \ ^O^ /

Naglaban-laban kaming 5 hanggang tatlo nalang kaming natitira. Palakasan ng palakpak para manalo. :D

1st contestant... *clap! clap! clap!*  Di gaanong madami ang pumalakpak. Yes safe pa ako! :)

2nd contestant... *clap! clap! clap!* Wow! Medyo madami na! O.O kinakabahan na ko nun.

3rd contestant. *me* *clap! clap! clap!* Wow! Yes! Yes! Yes! Chance ko na talaga to! Thank you Lord! Nagsimula na nun tumibok ng mabilis ang puso ko.

Pagkatapos nun, may binigay saking papel yung host. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na yun basta sabi nung host "Basahin mo ng malakas ha? Goodluck! :)" tapos binigay niya ang mic.

Nagsimula na kong mag-isip at magtaka. Na-aaligaga na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Habang binabasa ko yung sulat na yun lahat ng tao, mga fans ni Ken biglang tumahimik.

*Letter*

Hello!

Alam kong nagtataka ka kung bakit may sulat. Ang totoo nyan para sayo talaga to Aubrey. Oo, sayo nga!

Lumipas na ang madaming panahon. Ngayon artista at medyo sikat na ko. Nagsumikap akong makarating dito sa kinatatayuan ko ngayon para mapansin mo lang. Nakakalungkot mang isipin na kailangan ko pang gawin ang mga bagay na to para mapansin mo lang ako... Ayos lang! Basta para sayo. :)

Ikaw ang first love ko at gusto ko din ikaw ang maging last na babae sa buhay ko. Hindi ako tumigil na mahalin ka kailanman. Ganun kita kamahal. Kahit nasaktan ako noon, bumangon ako, at the end of the day narerealize ko pa rin na mahal kita.

*nagsimula na ding umiyak ang mga fans ni Ken.*

Noong mall show ko sa SM Lipa, I saw you. Naaawa ako sayo dahil nakita kitang nakikipagsiksikan sa maraming tao para lang sakin. Ayokong makitang nasasaktan ka. Ayos lang na masaktan ako, wag lang ikaw. Di na ko nagkaroon ng pagkakataon lapitan ka kasi may taping pa ako at kailangan ko na talagang umalis.

Nabasa ko rin yung mga tweet mo sa twitter pero mali ata ang nasagap mong profile. Hindi akin yun eh. Pero ayos lang at least nag-eeffort ka.

Facebook? Yung messages mo nababasa ko rin yan kaso busy talaga. Kaliwa't kanang mall shows at taping.

Instagram? Natutuwa ako sa tuwing nililike mo yung pictures ko. 

Pero kahit ganun akala mo binabale-wala ko lahat ng mga yun? Eto na babawi na ko. Pinagplanuhan ko talaga ng mabuti to. Sana bawing-bawi at sulit na to sa lahat ng mga ginawa mo para sakin.

Mahal na mahal kita.

To infintiy and beyond.

Magpakailanman.

                                                                                                                                   LOVE,

                                                                                                                                    KEN

Halos sunod-sunod na ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko... Siguro di pa sapat para tumbasan yung mga luha ni Ken dati.

At di pa pala dun nagtatapos...

Ang manager ni Ken at pati friends niya isa-isang nagtaas ng illustration board. Nakalagay dun:

AGAIN, WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?

Then lumabas na si Ken. Syempre lakas ng hiyawan ng fans niya at pati sila naiyak, siguro natouch. :( May dala-dala siyang flowers at chocolates at sinabi ulit ang mga katagang...

WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?

At syempre, I said YES! :)

... Isa lang akong hamak na fangirl. I'm his number one fan. A DESPERATE FANGIRL. Pinagsisisihan lahat ng bagay na nagawa dati. Sana mas bigyan natin ng importansya ang mga taong totoong nagmamahal at nagpapasaya sa atin, kalimutan nalang ang mga taong nanakit. Walang imposible. "Kung gusto may paraan, at kung ayaw may dahilan." Grab every opportunities! At syempre, to all fangirls out there like me, Don't lose hope! :) Nothing's impossible. :) Ganito ang feeling ng fangirl. :)

Sana po magvote at comment kayo.. Thanks! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Number One Fan (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon