Isang araw pumunta kami sa bahay nang pinsan ko ewan kina nanay kong bakit. Sa araw na yon akala ko ordenaryong araw lang pero yon na pala ang hinihintay ko.
"Oh nandito na pala kayo." Sabi Ni tita "asan mama mo?" Dagdag pa nya.
"Nag park lang sila nang sasakyan tita, asan si Kate?" Sagot ko kay tita. Si Kate pala ang pinsan ko.
"Nandito ako naghuhugas." Sigaw Ni Kate sa kusina.
"Tita sino sya?" Bulong ko kay tita habang nakatingin sa babaeng naka upo.
"Nandito na kami." Biglang sigaw Ni mama.
"Mads pasok ka." Sinagot Ni tita Kay mama.
"Tita Di mo pa ako sinasagut." Bulong ko ulit Kay tita.
"Kim halika mo na." Tinawag nya ang babae.
"Nak sya ang kaklase mo noong kinder." Sabi Ni mama sakin.
Sa oras ding iyon dumating ang mama Ni Kim.
"Ito naba si Josh? Laki na ha." Sabi nya.
"Ako. Lang ata ang walang alam dito ha."
"Nak sya Yong naka partner mo sa Tula noon." Sabi Ni mama.
"Sya bayon nong nanaksak sakin ng lapis?"
"Oo ako nga." Sagot Ni Kim.
"Tapos di man lang nag sorry."
Pagka tapos kong sinabi yon agad lumapit sakin si Kim at hinawakan ang kamay ko.
"Sorry pala ha alam kong medyo late na pero sorry." Sabi nya sakin.
"Tagal na yon."
"Yieeeee bagay kayong dalawa." Biglang sabi Ni Kate.
"Ikaw talaga babae ka." Naiinis kong sinagot.
"Basta ako boto ako kay Josh." Sabi sa mama Ni Kim.
"Oo nga bagay sila." Dinagdagan pa Ni mama.
Matagal ko na ring crush si Kim pero nawala na nong Di na kami nag kita pero ang Ganda nya.
"Mabuti pa pumasok kayo sa kwarto at mag usap-usap." Sabi Ni tita.
Ilang minutes din kaming walang imikan hanggang nag salita na pinsan ko.
"Ano walang imikan? At ikaw pinsan kanina kapa naka tingin Kay Kim Ganda no."
"Ew yan maganda?" Pabiro kong sinagot.
"Hoy lalaking kapre na medyo cute lakas maka lait ha."
"Ahhh ito kasi yon." Seryoso kong tono.
"Ano yon mukang seryoso ha." Sagot Ni Kim sakin.
"Pwede ba kitang ligawan?"
"Wow insan bilisan ha."
Di namin alam narinig pala Nila mama ang usapan namin.
"papayagan ko kayo mag love life pero mag aaral parin kayo." Sabi sa mama Ni Kim.
"Ang tanong anak payag ba si Kim" si mama talaga oh kj
"Syempre papayag yan diba Kim?"
Agad akong hinalikan Ni Kim sa pisngi. "Alam mo na ang sagot Josh."
Biroin mo nakuha ko lang ng ganon ka dali.
Kinabukasan nag chat kami ni Kim at mayamaya tumawag ang mama nya.
"Nak bibigyan kita nang trabaho."
Naka anak panga ang tawag.
"Segi po tita ano po yan?"
"Dito ka sa sari-sari store para maka modules ka at makasama mo si Kim mamayang Gabi susundoin kita dyan."
So nag ayos na ako nang gamit at hinintay ko sila hanggang sa dumating. Pag dating nila samin si Kim agad ang sumalubong.
"Hi babe miss you na."
"I miss you too Tara na"
"Alam mo Josh ngayon lang yan sinipag Di yan nag babantay dati." Patawang sabi Ni tita
Tumawa lang kaming dalawa.
At dahil malayo ang byahe namin akoy na pagod.
Pag dating namin sa bahay dalawa kang pala kwarto nila. May tiwala naman sila samin.
Pag pasok namin sa kwarto. "Babe dito nalang ako sa sahig."
"Babe tabi nalang tayo."
Lumapit sya sakin at sabing "babe let's cuddle."
"Babe bukas nalang pagod na ako."
"Please." Sinabi nya sa nakakaawang mukha.
Ako tong Marupok pinagbigyan naman pero cuddle lang talaga yon ha.
Kinaumagahan dahil ako ang unang nagising ako nalang nag saing at pag katapos kong mag saing dinalhan ko si Kim ng breakfast sa kama.
"Ahhh sweet naman" sabi nya.
"Sino nag saing?" Sigaw Ni tita mula sa kusina
"Si Josh ma." Sagot ni Kim.