ME BEFORE YOU

936 38 47
                                    

A/N: Listen to 'Lumayo Ka Man Sa Akin' by Rodel Naval for better experience while reading!

"Ako si Ferdinand E. Marcos ng Batac, lalawigan ng Ilocos Norte," sabi mo habang pinanonood kita sa telebisyon.

Nanunumpa ka bilang bagong Presidente ng Pilipinas kasama ang itinuturing mo na  first family sa tabi mo. Dinudugrog aking puso sa tuwing maaalala ko ang sinabi mo sa akin noon, na hindi ka magtatagumpay kung ako'y wala sa'yong tabi, ngunit ano ang nangyari? "Ay inihalal at itinanghal na Pangulo ng Pilipinas. Magbibigay katarungan sa bawat tao, at itatalaga ko ang aking sarili sa paglilingkod sa bansa. Gabayan nawa ako ng Diyos."

Nagpalakpakan ang mga tao, lahat sila ay masaya sa pagkapanalo mo. Naaalala mo pa kaya ako? Ngayong nasa taas kana at 'di maabot kahit na anino mo.

Ang puso ko na lamang yata ang hindi pa natatapos umiyak simula nang lumisan ka at hindi na muling nagbalik pa, lagi kang naaalala saan man magpunta, ikaw ang laging nakikita sa umaga kahit pa wala kana.

Hanggang ngayon ay sariwa pa sa aking alaala ang huli nating pagkikita kung saan ika'y nagpaalam na lilisan na at 'di na muling magbabalik pa.

Naalala ko nang minsang magkasagutan pa tayo dahil lang nahuli ka sa pag-uwi mo.

"Dapat mamaya kana umuwi." Bungad ko sa'yo nang pumanhik ka. Hindi mo ako nilingon at dumiretso sa upuan na malapit sa'yo at doon naupo. "'Wag ngayon, pagod ako."

Marahan kang pumikit "Pagod? Siguro sa pagpapasarap mo ka napagod," "Ano?" inis ka na tumayo at humarap sa akin.

"Hindi mo ba ako narinig? pagod ako. Pati ba naman 'yan binibigyan mo ng kahulugan?!"

"Hinaan mo 'yang boses mo at maririnig ka ng mga bata." Tinalikuran kita dahil sa inis nang magtaas ka ng boses sa akin.

Naramdaman ko ang paglapit mo sa akin at pagyakap mula sa likod ko, "I'm sorry," ipinatong mo ang 'yong ulo sa aking balikat, "'Di ko naman sinasadya na itaas ang boses ko sa'yo, honey. " Dagdag mo.

Hindi parin kita pinansin kaya hinalikan mo ang aking pisngi "Sige na, 'wag kana magalit sa akin. 'Di ko naman talaga sinasadya eh." bulong mo kaya naman hindi ko mapigilan na hindi mangiti.

Humarap ako sa'yo at sinamaan ka ng tingin. Tumingkayad ako binigyan ka ng halik ka sa kaliwang pisngi mo. "Approved."

Natulala kapa nung una, aalis na sana ako noon upang magtungo na sa ating kwarto. Ngunit bigla mo akong hinatak papalapit sa'yo at isang matamis na halik sa labi ang ibinigay mo. At hanggang ngayon, isa parin 'yon sa pinaka-romantikong gabi na naranasan ko mula sa'yo.

Maging nung tayo ay bago palang, you had your arm around my waist and introduced me as Mrs.Marcos to Atty.Quilantes.

Dumating ang malungkot na gabi para saating dalawa, o ang malungkot na araw para sa akin lang dahil alam kong masaya ka nang makilala mo siya, kaya ka nga nakipag-hiwalay diba?

"Marahil ito na ang huli nating pagkikita at pagsasama, 'wag ka sana masaktan nang husto kapag aaminin ko sa'yo na hindi na ikaw ang nilalaman nitong puso ko." Sabi mo at nakatuon ang tingin sa iyong binabasang libro. Magkaharap tayong nag-uusap sa terrace.

Doon bigla akong nakaramdam ng kaba at para bang gusto ko na tapusin ang aking paghinga, sa sinabi mo ay para bang sa'yo ay wala na akong halaga dahil nakahanap kana ng iba. "Tila mas malalim pa ang 'yong pag-iisip kaysa sa gabi. Anong biro nanaman ba 'to?", pinaniwalaan ko na ang sinabi mo ay hindi totoo.

"Hindi ko naman sinasadya na mahulog sa iba kahit na alam kong ika'y nand'yan na. Napapagod narin ako magtago."

Nagpantig ang aking mga tenga dahil sa sinabi mo, "Wala na akong pag-ibig sa'yo. Sana maintindihan mo na 'di ko kayang maibalik pa ang wala na", malakas na sampal ang tinanggap mo mula sa akin ngunit 'di ka natinag, ni hindi mo ako tinapunan ng tingin.

"Kung 'yan ang sagot mo sa mga sinabi ko at kung gagaan ang loob mo riyan, sige,  hahayaan kitang sampalin muli ako."

"Baka nakakalimutan mo na may mga anak tayo na maaaring maapektuhan dahil sa sinabi mo."

"Anak ko parin naman sila, hindi na nga lang tayo magkakasama."

Hinawi ko ang libro na binabasa mo at hinila ang iyong kuhelyo, "Paano mo nasasabi 'yan? Wala kang pakialam sa mga bata  kung mawalan man sila ng ama? Anong klaseng magulang ka?", "Kamumuhian ka ng mga anak mo pagdating ng panahon."

Mahinahon mong inalis ang kamay ko sa kuhelyo mo at tumitig sa akin.

"Hindi nila ako kamumuhian, 'yun ay kung 'di mo ako sisiraan sakanila. 'Di natatapos ang pagiging ama ko sa mga bata kaya 'wag mo sila isama sa usapan nating dalawa. At isa pa, masasaktan kalang kung pipilitin mo ako na mahalin ka kahit pa ayoko na."

Niyakap mo ako at 'di ko 'yon malilimutan. Ang huling yakap mula sa'yo "Sa aking paglisan, kalimutan mo na ako. Siguro hindi talaga tayo para sa isa't-isa, dahil nagawa ko pang mahulog sa iba kahit na nand'yan ka. Hindi ko kayo pababayaan ng mga bata, 'di magbabago ang tingin ko sakanila kahit pa wala na tayong dalawa."

Pilit kitang itinutulak palayo sa akin ngunit sadyang mas malakas ka  sa akin kaya hindi ako nagtagumpay.

"Sana'y hindi lang ang sakit ng gabing ito ang maalala mo, alam nating dalawa na minahal natin ang isa't-isa pero hanggang dito nalang talaga."

Mga salitang sinabi mo bago kalasin ang iyong yakap.

Pinagmasdan kitang lumakad palayo at mawala sa aking paningin. Gusto kong umiyak nang umiyak ngunit hindi ko magawa dahil sa mga sinabi mo ay may tumama. Aanhin ko ang pag-ibig mo kung hindi naman pala totoo.

Oo, naiinis ako sa ginawa mo pero 'di ko magawang magalit sa'yo, bakit ba nag-iisa kalang sa mundong 'to?

Bakit mo pinaramdam ang labis-labis na pagmamahal kung hindi naman pala ito magtatagal?

Me before her. Me before you, Imelda. Pero kahit na ano ang gawin ko, ikaw ang gusto at hindi na ako.

Ngayong kilala mo na ako, walang dahilan para magalit ka sa akin, dahil ako ang natalo. 

I never hate you, Ferdinand. I will always love you, then - now - and forever, you'll always be the heartshaker who suddenly turned into a heartbreaker that I will love for the rest of my life.

A/N: keri niyo paba? ಥ﹏ಥ otw na C&B #5

Me Before You (One Shot)Where stories live. Discover now