Simula

1 0 0
                                    


Simula

Pagtanggi

"Pinapatawag kita rito... Dahil pinapaalala ko lang sayo na h'wag mong suwayin ang mga paalala ko hellaine..." mariin niyang bigkas.

"Araw araw nagdarasal ako para sa himala pero alam mo wala pa'ring himala..." mahinahon niyang sinabi sabay tingin sa akin nang mariin.

"Dapat mong unawain... Hindi dapat ako maging mahigpit sa walang kwentang bagay kung hindi ka iniwan ng ate mo nang siya'y nagkasakit... Maari lang sana huwag mo siyang bigoin..."

"Hindi ko siya kapatid..."

"Kapatid mo parin siya Hellaine! Maari ka nang umalis..."

Umalis ako roon... Matagal na sana akong umalis sa bahay ampunan na iyon. kung wala lang akong utang na loob sa kanila.

Pagpasok ko sa paaralan samo't saring bulungan ang aking naririnig. Hindi ba sila napapagod? Araw araw... Ang pangalan ko ang aking naririnig kahit saang sulok ng paaralan na ito?

"Hellaine..."

Malakas na sigaw mula sa aking likuran, Hindi ko na ito nilingon pa dahil alam kong siya rin ang babaeng kahapon na mapangahas kumausap sa akin.

Mabilis sa alaskwatrong pumulupot ang kanyang braso sa aking braso. Marahas kong hinila ang aking braso ngunit mahigpit ang kanyang pagkalupot.

"Sabay tayong mag-lunch mamaya Hellaine..." hindi ko pinansin ang kanyang sinabi.

"Bakit sumama yang mangmang na yan? Sa isang baliw..."

"H'wag ka nang magtaka, pareho Lang sila dalawa. Isang mangmang at baliw..."

"Hahaha..."

Balewala lang sa kanya ang mga bulungan. Gaya ko. Sa mga katulad nila nararapat nang mabura sa mundo dahil mga walang kwenta. Pero hindi ako katulad nila.

Hindi niya parin ako binibitawan.

"Ms. De Jesus. Pinapatawag ka sa opisina..."

Biglaang pagsulpot ni Teacher Mendoza sa aking harapan. Yumuko ako at hindi tumugon sa sinabi niya. Lahat sila ay sanay na sa akin pero may ilan ding nais nilang mawala ako sa paaralan na ito.

Labag sa kalooban niyang bitiwan ang aking braso dahil sa titig ni teacher Mendoza sa kanya. Hindi Lang pala ako nakapansin non pati rin siya.

"Ngayon na..." mariin niyang sinabi.

Nag-angat ako ng tingin nang mapansin kong Hindi pa siya umalis.
Nakita ko ang kanyang pag-irap sa babaeng katabi ko. Yumuko ako kaagad nang bumaling siya sa akin.

Mga yabag na papalayo ang aking narinig. Hudyat na umalis na siya.

Maingat kong inangat ang aking mukha. Napabaling ako sa gilid ko nang marinig kong may umiyaw.

"Sorry!"aniya. Sabay takbo papasok sa silid-aralan. Naiwan akong mag-isa rito.

Sinimulan ko nang maglakad sa mahabang pasilyo. Pagkarating ko sa tapat ng pinto nang opisina kumatok kaagad ako.

"Pasok!"

Maingat kong binuksan ang pinto at pumasok. Nakayukong nakatayo ako sa likod ng pinto.

"Pinapatawag niyo raw ho ako..." malalim kong bigkas.

"Ganoon na nga... Isang estudyante ang nagreklamo hija. Alam kong alam mo'na ang mga bagay na yan..."

"Hindi ako yon..."

"Inaasahan ko... Ganyan pa rin ang iyong mga sagot."

"Makakaalis ka'na..."

Umatras ako ng isang hakbang at maagap na binuksan ang pinto at lumabas. Araw araw ganoong palabas ang bumubungad sa akin. Sanay na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Ghost DetectiveWhere stories live. Discover now