AUTHORS NOTE:
First time ko lang po mag sulat ng story dito sa Wattpad. Hindi ko rin pa po gano alam kung pano ito gamitin pa.
Sana po magustuhan nyo tong ipinublish kong story. Maraming Salamat po sa mga magbabasa nito. Sorry kung hindi po gano maganda newbie lang po ako sa pagsusulat. Thanks po sa magsusupport ng story na to.
-------------------------------------------------------------------------------
Lagi ako nagdradrawing sa notebook na ito. Tinatawag ko tong secret notebook kahit saan ako magpunta dala-dala ko itong notebook na to.
I’m secretly inlove with this girl named Jessie Angeles, hindi ko alam kung ano ang gender nya kung female ba siya o hemale. May pagkalalake kasi siya minsan kumilos, minsan naman babaeng babae siya kumilos.
Ok ako naman ang magpapakilala. Ako si Louisse Saja, ang lalaking tahimik na may gusto kay Jessie Angeles kahit bilang kaklase lang ang tingin niya sakin.
OJT (On the Job Training) ako ngayon sa school naming, kasabay ko si Jessie na OJT rin pati ang isa naming kaklase na si Rev Allirac at yung isa pa naming kaklase na tambay lang sa admin si Mela Sta. Maria. Naka-upo lang kami, kwentuhan ng Random Topics ng sumali si Mela.
“Ui, Saja bakit break na agad kayo ni Clay? ang bilis nyo talagang magsawang mga lalake kayo.”
“Hindi ah. Ganun lang talaga, hindi na mahal e.” katabi ko naman nun si Jessie na naglalaro sa Cellphone nya.
“Eh sino na Girlfriend mo ngayon?”
“Ito si Angeles, kami na kaya nyan.” Madalas kong binibiro ng ganto si Jessie. Pero sana nga totoo ito.
“Oh kayo na Jessie?! Hindi nyo sinasabe.”
AUTHOR: Nagulat si Jessie sa sinabi ni Saja at ni Sta. Maria kaya napatigil ito sa ginagawa niya.
“Ano?! Hindi ah, naniniwala ka diyan.”
“Ui, ikaw ah. Tinatanggi mo na ko.”
“Oo na lang.” Hindi naman siya naiinis sa ganyan dahil sanay na rin siya.
Hay nakakaantok naman gusto ko matulog, tinignan ko si Jessie at eto naglalaro lang hanggang ngayon. Sinubukan kong isandal ang ulo ko sa balikat nya, tinignan nya muna ako bago siya nagreak.
“Ui, ano ba? Umayos ka nga!” sabay usog ng ulo ko, inulit ulit hanggang sa nainis siya at lumipat ng upuan. Tumabi ulit ako.
“askhdsakgutktasasldiwjdjsaowoa.” may sinasabi siya sakin pero di ko maintindihan.
“Ano yon hon? Bulong ka ng bulong dyan.” pang aasar ko.
“Ewan ko sayo. Letche to.” at bumalik na siya sa paglalaro.
5:00pm na Uwian na.
“Jessie, una na ako. Ingat.” at umalis na ako.
Ng makauwi na ako, kukuhanin ko sana yung notebook ko ng hindi ko to makita. Hala nawawala! Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang daming drawing don ng mukha ni Jessie, pangalan nya, scribbles ko, at mga salitang gusto kong sabihin pero hindi ko magawa dahil sa takot akong mareject.
Hay, bahala na nga matutulog na ako. Hahanapin ko na lang bukas sa school.
JESSIE POV
May topak nanaman tong si Saja at kung ano-ano nanaman pinagsasabi. Trip ako neto palagi, pero hinahayaan ko lang siya. Di naman ako ganun ka apektado.
BINABASA MO ANG
My Secret Notebook (One Shot)
RomanceWhat if yung Notebook mo na puno ng mukha niya, letters mo for her, mga nararamdaman mo na gusto mong sabihin sa kanya ay nawala? at nalaman mong nasa kanya ito. Anong gagawin mo? Aamin ka ba on the spot or hahayaan na lang ang nangyare? Read this p...