02

3 2 1
                                    


Dear, Diary

Mabuti nalang at mapagkakatiwalaan si Pat, kaya sa kaniya ko lang sinabi, at hanggang ngayon wala paring  nakakaalam kun'di kaming dalawa lang.

Araw ng eskwela ngayon, Lunes. Kaya, gumising ako ng maaga para mag asikaso. Naku! Tiyak na magiging magulo na naman ang buhay ko nito mamaya.

Marami kasi akong kaibigan, at lahat sila maiingay, pero atleast masaya kami.

****

"Nay, papasok na po ako!" paalam ko kay Nanay na abala sa pagluluto.

"Sige, mag iingat ka."

Nasa paaralan ako, may kaunting kalayuan man din ito sa aming bahay, pero kaya kong lakarin.

Bumungad sa’kin ang mga kaibigan ko na naglilinis.

Nagcross arm ako, at naglakad na parang teacher.

"Aba naman, ang sisipag ng mga estudyante ko." biro ko sa kanila, minsan lang 'to Diary kaya sulitin ko na.

Aba, Diary napaka sama talaga nila akalain mo iyon hindi man lang ako pinansin.

"Attitude niyo, walang mangongopya mamaya!"

Pagkatapos kong sabihin iyon, agad silang lumapit saakin at inalalayan ako. Aba mababait din naman pala, kapag MAY KAILANGAN.

****

Narito kami ngayon sa canteen, recess eh ang favorite subject namin diary.

Napag-isipan ng isa kong kaibigan na mag Truth Or Dare kami.

"Ha? Ayoko." sagot ko. Nagtaka silang lahat sa akin, si Pat, Jane, Maris, Kim, Cara, Ivan, Ken, Reign, at Ysa.

"Aba, akala ko ba hindi takot sa larong Truth Or Dare ang Kaleigh natin?" tanong ni Ivan na nakangisi pa, tinarayan ko siya.

"Si-sinong takot, hindi 'no. Sige! Maglaro tayo."

Hindi ako takot.... noon, pero ngayon na may Kookie na ang heart ko, oo na siyempre, baka magtanong pa sila, bawal pa naman magsinungaling.

Kumuha si Ken ng plastik bottle Diary, ang akalain mo nga naman Diary, kung ano pa 'yung hindi mo hinahangad na mangyari iyon pa yung babagsak saiyo.

"Oh Kal, Truth or Dare?" tanong ni Ivan.

"Ah, dare." nagulat sila Diary.

"Himala! Ngayon ka lang nagdare eh nung naglalaro tayo dati laging Truth ang pinipili mo." sambit ni Jane.

"Oo nga." sagot ni Kara.

Hays naman, "Gusto ko dare, 'nuba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Siya, siya kung dare eh uhm...."

"Sumayaw ka ng YOLO."

"Sus! Ang dali dali lang pala."

At ayun Diary, sumayaw ako. Kinabahan ako doon ah.

Nagpatuloy lang kami sa paglalaro.

Hanggang sa dumating ang hindi ko inaasahang pangyayari.

"Kal Truth Or Dare?" tanong ulit ni Ivan.

"Dar-"

"Kanina ka pa dare ng dare, truth naman." sulpot ni Ivan, hayst nakakainis talaga siya.

"Inuutusan mo ba ako?"

"Oo bakit?"

"Pst. Tama na'yan oo nga Kal, kanina ka ba dare ng dare." saad ni Pat.

"Sige Truth."

"Kal, sa tagal nating magkakaibigan 'di pa namin alam ang crush mo, sino ba?" napakamot ako ng ulo, sinasabi na nga ba Diary eh!

Nakakainis' tong Ivan na'to.

"A-ako? Wa-wala 'no." sagot ko sa kanila.

Nakokonsensya ako, bawal pa naman kami magsinungaling sa isa't isa, dahil magkakaibigan kami at ayaw kong malabag' yung rules naming lahat.

"Kal?" si Pat.

"Oo wala." sagot ko.

    Glamorous Enchantment 02

You're like a cookie by my side
Kinda brown and bittersweet
A choco toppings on the side
To make you feel alright and a hug from me.

I like it when you're sweet,
Still i like it when you're not
It's okay for you to chill, I'll love you still I'll always be there.

I enjoy your company, and everytime I'm with you, i just feel so alive, i love the memories, i have with you, it makes me smile.

I call you Kookie, so I'm not that obvious, coz i love you, whether you're bitter or sweet, soft or crisp, I love you.

“coffee” by Elise Huang

_______________________________________________________________________________________________

"Kapalaran ka ba o pangarap lang?"

ximi <333


I Love You Since 2017 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon