Tinanggal ko muna ang mga sapatos ko bago ako humiga sa kama ko. Nakakapagod ang araw na 'to.
Napagpasiyahan ko nalang munang matulog. May flight na naman ako bukas ng gabi kaya matutulog na muna ako ngayon para may oras pa ako bukas ng umaga para kitain ang mga kaibigan ko.
Nagising ako nang nakarinig ako ng mga ingay sa paligid. Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko para tingnan kong sino o ano ang mga iyon.
"Surprise!!!" Sabay-sabay na sigaw nila. Nag dala pa sila ng banner at cake. "Welcome back!"
Bukas pa sana e!
"Thank you." I sincerely said. They're my friends, Kobe, Nahla, and Clea.
Bumangon na ako at nag bihis nalang muna habang hinahanda pa nila sa kusina ang mga pagkain na dala nila. May mga alak pa akong nakita doon kaya napasipol ako. Mukhang malalasing ako ngayong araw.
"Gabi pa naman ang flight mo tomorrow 'di ba?" Tumango ako sa tanong ni Kobe sa akin. "Pwede ko ba muna iwan sa'yo si Kio bukas? Mga dalawang oras lang."
"Saan ka na naman ba pupunta, Kobe?" Taas-kilay na tanong ni Nahla sa kaniya.
"Bawal bang makipag-date ang Tito, ha? I've been a babysitter for almost two months! Muntik pa ako mawalan ng minamahal." Madramang sabi niya.
"Oo na! Wala na naman akong gagawin tomorrow. Ihatid mo nalang dito." Sabi ko.
"Thank you, Treign. You're the best!" Niyakap niya pa ako kaya inis ko siyang tinulak. "Mapanakit!"
"May girlfriend ka na 'di ba?" Inis na tanong ko.
"Ano naman?! Bawal ko ba yakapin ang bestfriend ko kung may girlfriend na ako?" I smirked.
Ang drama talaga.
Madaling araw na kaming natapos kaya antok na antok pa ako nu'ng dumating si Kobe kinabukasan kasama ang pamangkin niyang si Kio.
Kinuha ko ang mga gamit niya at nilagay iyon sa kwarto ko. Pag labas ko ay nadatnan ko si Kobe na kinakausap na ang pamangkin niya.
"Behave ka lang dito, ah? Be a good boy kay tita Treign. Ipapasiyal ka niya sa amusement park." Nanlaki ang mata ko at tinaasan ko na kilay si Kobe. Anong pinagsasabi niya?!
"Okay!" Masiglang sagot ng bata.
May sasabihin pa sana siya sa pamangkin niya pero tinulak ko na siya palabas ng condo. Kung ano-ano pang ipapangako niya sa bata. Puro naman siya kasinungalingan.
Inilock ko na ang pinto bago ako lumapit kay Kio. Umupo ako sa tabi niya at ngitian siya.
"You looked like your tito, Kio." Bulong ko sa kaniya habang hinahaplos ang pisngi niya.
"Si tito Kobe?" Napatitig ako sa kaniya saglit bago ako tumawa.
"Kamukha mo din siya." Ginulo ko ang buhok niya bago ako tumayo sa harap niya.
Binuhat ko siya para paupuin sa sofa. I turned on the TV para hindi siya ma bored dito habang hinahanda ko ang pagkain niya.
"I don't like cocomelon." Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya.
"You don't like cocomelon?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "What do you like to watch, then?"
"Just something else, tita." Natawa ako sa paraan ng pagkasabi niya.
Ang cute niya! Ang sarap kagatin ng pisngi.
Hinanapan ko nalang siya ng ibang palabas na pwede sa kaniya na hindi cocomelon bago ako pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain.
Dinala ko na ang pagkain niya doon sa sofa. Gusto ko pa sana siyang subuan pero big boy na daw siya kaya hinayaan ko nalang.
Pumasok ako sa kwarto ko para mag bihis ng damit at maka paghilamos nadin. Nakakahiya naman sa bata.
"Oh my gosh!" Nasabi ko nalang nang makita ko siya sa harap ng pinto ko. Ang dumi-dumi ng mukha niya dahil sa pagkain na pinakain ko sa kaniya kanina. "Come here."
Binuhat ko siya papunta sa kama ko at binihisan ng bagong damit. Pinunasan ko na din ng wipes ang pisngi niya at kamay. Hinalikan ko ang pisngi niya nang malinis na ito at binuhat siya ulit palabas.
I get my wallet and my car key bago kami lumabas ng unit. Parang alam na niya agad kung saan kami papunta dahil nakangiti na siya sa akin.
"I want to eat cotton candy, tita!" Pangungulit niya sa akin ng makarating kami sa amusement park.
"Did your mom allowed you to eat cotton candy?" Sunod-sunod siyang tumango sa akin. "Okay."
Binuhat ko siya palabas ng kotse at lumapit sa nag titinda ng cotton candy para bilhan siya ng isa. Minsan pa ay sinusubuan niya ako kaya iyong mga taong nadadaanan namin ay napapatingin sa amin at binabati pa nila ako dahil ang cute daw ng anak ko.
Hindi po! Kidnapper po ako, oo! Biktima lang ho itong bata na kasama ko!
"Ang cute mo daw." Bulong ko kay Kio.
"Thank you," Sabi niya habang sumusubo ng cotton candy. "I want toys, tita."
"You want toys? Anong klaseng toys ba ang gusto mo?"
Minsan lang naman 'to e!
"Cars!" Malakas na sabi niya kaya natawa ako. I kiss the tip of his nose bago ko siya binaba habang papasok kami sa toys store.
Hinayaan ko nalang siyang kunin lahat ng gusto niya at nang matapos siya doon ay dinala na namin iyon sa cashier para bayaran na.
Bitbit ko sa isa kong kamay ang mga pinamili namin at hawak ko naman siya sa kabila. Ang dami niya pang tinuturo na kung ano-ano kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto niya pang sumakay ng rides kaya papunta kami sa isang rides ngayon.
Habang nakapila kami para sumakay ng rides na gusto niya ay bigla nalang siyang umalis sa pagkakahawak ko at agad na tumakbo kaya sinundan ko siya.
"Wait, Kio! Oh my gosh!" Nag sorry ako sa babaeng nabangga ko at hinabol iyong bata ulit.
Ang kulit naman!
"Tito Dwight!"
Awtomatikong huminto ang mga paa ko sa pagtakbo nang marinig ko ang sinigaw niya. Dahan-dahan kong inangat ang mga mata ko sa lalaking karga-karga na siya ngayon.
Napaatras nalang ako nang makumpirma kong siya nga iyon.
Anong ginagawa niya dito? Akala ko nasa New York siya.
"You're back!" Masaya na sabi ni Kio sa tito niya.
Nabigla ako nang lumingon siya sa akin kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanila at inabot sa kaniya ang mga laruan na pinamili namin ng pamangkin niya kanina.
"What's this?" tanong niya sa akin.
"Cars, tito!" Mabilis na sagot ni Kio sa kaniya kaya napangiti siya at hinalikan ang tungki ng ilong nito.
Talagang doon pa siya humalik!
"Magkano 'to lahat?" Tanong niya sa akin. Akma niyang kukunin ang wallet niya kaya agad ko siyang pinigilan.
"No, it's okay! It's my gift for him." Pekeng ngiting sabi ko. Tinangohan niya nalang ako bago hinarap muli ang pamangkin niya.
"Sabay nalang tayong umuwi" Malamig na sabi niya habang inaayos niya ang buhok ng pamangkin niya.
Ako yata ang kausap niya.
Umiling ako. "Huwag na. I have my car with me."
At bakit naman ako sasama sa'yo?
"I mean, sasabay na kami sa'yo. Hindi ko dala ang kotse ko." Kunot-noo ko siyang tinignan.
Seryoso?
"Ako? Sasabay kayo sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Kung ayaw mo, okay lang." Agad na sabi niya.
"Please, tita! We don't have car." Napalingon ako kay Kio nang nag makaawa ito sa harap ko.
"Kio, kasi..."
"Please?" Nalaglag nalang ang balikat ko nang nag puppy eyes siya sa harap ko.
Narinig ko namang tumawa ang tito niya kaya inis ko siyang inirapan. Tumango nalang ako at nag pasiuna sa kanila.
Bakit ba nangyayari 'tong lahat ngayon? Bakit ngayon?!
Nang makarating kami sa parking lot ay binuksan niya ang likod para isakay doon si Kio kaya nang matapos siya ay agad ko siyang hinarangan para klarohin sa kaniya ang lahat.
"I'm doing this all for Kio, not for you." Mariin na sabi ko.
"Whatever, Ms. Echavez." Kinindatan niya pa ako bago siya pumasok sa loob ng kotse ko.
Sarkastiko akong natawa.
Ano 'yon?!
Acting like we don't have a pass?
Acting like i'm not his fucking ex-girlfreind?
And...
Acting like he didn't cheated on me before.