"WALANG SASAYA NA HINDI NAG PAPARAYA"
Harvey Valderama, 21 Photographer from #823 unit C. block 1627.
Tahimik laging nag-iisa Emo type walang ibang kasama sa bahay kundi ang alagang pusa na si Lini, walang may alam kung sino ba talaga siya at kung nasaan ang pamilya niya.Saan nga ba sasaya ang isang tao? Sa pag paparaya ba o sa pag laban niya sa alam niyang tama. Magulo ang kwento kasing gulo ng isip ni Harvey, "lagi nalang ba ganito? Lagi nalang na mag isa ako?" Bakit nga ba?
Bakit nga ba? Ang buhay ng tao laging may "BAKIT" kahit saan aspeto hindi mawawala ang bakit.
Isang umaga sa bahay ni Harvey, gumising sya katabi ang alaga same routine everyday na parang wala ng katapusan. Ligo, toothbrush, bihis kain ng breakfast alis ng bahay. Paulit ulit nalang.
Habang paalis ng bahay si Harvey at nasa elevator may nakita siyang isang notebook sa sahig binuksan niya to parang isang lumang diary ng bata magulo ang sulat walang direksyon gaya ng kwento ng buhay niya, at bigla nalang may nahulog na picture sa loob ng notebook,
isang babae matagal niya tong tinitigan habang pababa sa elevator at pag labas niya nilagay ito sa kanyang bag.
8:16 a.m sa lumang park sa likod ng museum everyday tambayan niya marami din naman mga tao kabataan, katandaan at halos ka edad nya, halo halong tao na may bike, skate board at iba pa na pang Physical activities, same routine kuha ng pictures tao, puno, ibon o kahit anong pwedeng makuhanan niya.
12:30 p.m Lunch time pumunta siya sa kinakainan niya everyday walang pag babago konti ang tao hindi mahal ang pag kain.
Habang kumakain siya biglang may dumating na tatlong babae nag tatawanan nag kukwentuhan umupo ito sa kabilang lamesa sa kanyang tapat, napatingin sakanya ang isa at ganun din siya sabay iwas tingin nung nag tagpo ang kanilang mata.(Kindly wait for the next part)🙂