Chapter 51: Te queiro

2.7K 101 10
                                    

Elizabeth POV:

"Sumama ka nalang sa kanila Beth."
Malumanay na sabi ni Cloude sa akin.

Napakunot noo ko itong tiningnan, he really serious about this?

Muli naman akong napatingin kay Daddy na malungkot na nakatingin sa akin. Unti-unti akong naiinis dahil sa gusto nila.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nagising nalang ako na hindi ko makita ang phone ko.

Nagising nalang ako ng pagkababa ko ay nadatnan ko si Cloude at Daddy sa sala kasama ang ilan sa magagaling naming tauhan at iilang tauhan na hindi ko kilala kung kanino.

Nagising nalang ako na ikakasal na ngayon sa hindi ko alam kung kanino. Dad is crazy, kaya niya akong ipatali sa taong hindi ko naman lubusang kilala para lang sa kinabukasan ko?
If he's thinking about my future bakit ganito ang paraan na naisip niya?

I've been living here that no one can control or even take my decisions over me. Pero iba 'to eh, they're ruling my right to choose the man I want to marry!

"Trust me Von, makakabuti ito para sa'yo."

Malumanay ding wika ni Dad sa akin.

Unti-unting nangingilid ang mga luha ko ng maramdaman kung gaano sila ka seryoso sa mga pinagsasabi nila.

Kaya ba nawala nalang 'yong phone ko? Kaya ba ganito si Cloude sa akin ng mga nakaraang linggo? Kaya ba nag set ng party si Dad at ipinakilala ako ng gabing iyon sa lahat na taga pamahala ng Mafia para ipagkasundo ako sa anak ng kilala niya? Kaya ba maraming tauhan ang nandito para pigilan ako kung sakaling pumalag ako?

Tuloy tuloy ng kumawala sa mga mata ko ang mga luha ko at napatingin ng mapaiit kay Cloude. So he's one of the reason behind this too? Alam naman niyang mahal ko si Grey diba? Bakit hindi niya pinigilan si Daddy? I really feel I've been betrayed.

Trust no one!

Hindi ko man lang naalala ulit ang palagi ko nuong sinasabi sa sarili ko.
Nasaksihan ko ang pag iwas ng tingin ni Cloude sa akin.

"Fuck!"
Mariin niyang sabi. Now what he's guilty!?
Pa'no 'to malalaman ni Grey, kung tinago nila ang phone ko kaya ba nila ginawa iyon?
Marahas kong nakagat ang pang ibabang labi ko para mapigilan na mapahikbi. Muling napatingin si Cloude, malumanay ang mga mata nito.

"Sorry Beth nagawa ko na ang lahat at ito nalang ang naiisip kong paraan."

I'm not a teenager, for fuck sake! Bakit may ala arrange marriage ang gusto ng mga ito. Matanda na ako para sila pa ang pipili ng mapapangasawa ko. They're making my life as an ordinary cliche story.

Marahas kong pinahid ang mga luha ko at pinuno ng hangin ang dibdib ko. If they think that their notion rid me, they're wrong. Para saan pa at naging si Elizabeth Von Bezarius ako kung hindi ko magawan ng paraan 'to.

Nagsimula akong umakyat papunta sa kwarto ko at agad na nilock iyon. Sinukbit ko ang cardigan ko na nakasabit sa pinto ng walk in closet ko at isinuot iyon at mabilis na tinungo ang kama ko.
Naririnig ko na ang mga yapak na nagmamadali papunta sa harap ng silid ko.
Kinuha ko mula sa ilalim ng unan ko ang baril at mabilis na kinuha ang gun holster na nasa loob ng drawer ng study table ko at ikinabit iyon sa bewang ko. Nang magsimula na silang bayuhin ang pinto ko ay tinungo ko ang bintana ko at binuksan iyon.

Walang alinlangang tumalon ako mula sa pangalawang palapag ng mansyon at walang kahirap hirap na lumapag ako sa damuhan. I need to see Grey. I want him to know kung ano ang gusto ni Dad para sa'kin. Alam kong hindi papayag si Grey na mangyari 'yon we love each other.

BCS 1: A Race To HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon