24

1.8K 57 19
                                    

Sa pag dilat ng mga mata ni Nika ay agad na bumungad sa kanya si Sandra na naka-unan sa lp ni May na naka-higa sa isang sofa. Habang sa isang upuan naman ay naka-upo si Edu at Maricel.

Napansin ni Maricel na dumilat na si Nika kaya agad siyang tumayo at lumapit dito at binigyan niya ito ng malungkot na ngiti.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Maricel.

Hindi siya sumagot ngunit tumulo lang ang kanyang luha. Agad namang tumabi dito si Maricel at tsaka niya niyakap ang iyak ng iyak na si Nika.

Alam ni Nika na wala na ang kanyang anak dahil iba na ang pakiramdam niya sa parte ng kanyang katawan kung saan niya dinala ang dapat na kapatid ni Sandra sa loob ng halos walong buwan.

"Shhh, it's okay." Sabi ni Maricel habang hinahagod ang buhok ni Nika.

Nang matapos siya sa pag-iyak ay agad niyang naalala si Sandro.

"Si Sandro?" Tanong niya.

"Nasa OR pa." Sabi ni Maricel.

"Gusto ko siyang makita." Sabi ni Nika at tatayo na sana ngunit pinigil siya ni Maricel.

"Kahit na gusto mo siyang makita, hindi rin naman pupwede at hindi ka makaka-pasok sa OR." Sabi ni Maricel.

"Kahit sa labas lang ako."

Wala na silang nagawa dahil muli nang nag-uumpisang pumatak ang mga luha ni Nika kaya naman agad na lumabas si Edu upang kumuha ng wheelchair. Agad inalalayan ng mag-asawa si Nika upang maka-upo ito sa wheelchair. Itinulak naman ni Edu ang weelchair na inuupan ni Nika patungo sa labas kung saan naka-upo at nag-aabang sina Liza sa may tapat ng OR.

Agad na inabot ni Liza ang kamay ni Nika at hinawakan ito habang pareho silang nag-gigilid ang mga luha.

"May update na ba?" Tanong ni Edu.

"Huling sabi ng doktor, may mga tinamaang major parts ng bala ang mga organ niya kaya medyo matatagalan pa." Sabi ni Bong.

Lumipas pa ang halos isang oras na pag-iintay at lumabas na ang doktor.

Agad namang tumayo si Bong upang kausapin ito.

"Ano na pong lagay ng anak ko?" Tanong nito.

"Stable na po ang anak niyo. Sa totoo nga lang po, halos dalawang beses siyang nag flatline... pero lumalaban po talaga ang anak niyo." Masayang balita ng doktor.

Lahat sila ay parang nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa wakas ay magiging maayos na din si Sandro.

"Siya nga po pala, nakita po namin ito sa bulsa ng anak niyo." Sabi nito sabay abot kay Bong ng isang kwintas. "Maiwan ko na po kayo."

Iniladlad ni Bong ang kwintas na ibinigay sa kanya ng doktor at nagulat si Nika ng makita niya ito.

"Sayo ba galing yon?" Tanong ni Liza nang makita niya ang pagka-gulat sa muka ni Nika.

Tumango si Nika kay Liza habang tuloy-tuloy na ulit ang pag-bagsak ng kanyang mga luha.

"Yan po yung kwintas na matagal ko nang hinahanap. Nawala po yan nung gabing nag bar kami ni May noon. Tapos nasa kanya lang pala." Umiiyak na sabi niya.

Gift From GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon