6. Past

293 16 9
                                    

Jacen's POV


"So, what can you say about that?" Tanong ko kay Cassiopeia matapos niyang basahin ang business proposal ko.


"That's better kesa dun sa nauna." Seryoso naman nitong sabi tapos ay humigop sa kape niya. Andito kami ngayon sa may conference room ng Hoshida's Inc. Dito ako nagtatrabaho at isa ako sa mga stockholders nila.


"Great! Akala ko marereject na naman ako eh! Ilang beses mo na akong nirereject eh!" Sabi ko ng nakangiti! Salamat! Akala ko hindi na naman niya magugustuhan yung proposal ko eh. Yung una ko kasing proposal tinanggihan nila ni Ceres.


"About that rejection thingy, I'm sorry. Hindi ko lang kasi talaga gusto yung presentation mo nun. Hindi ko din naman inexpect na hindi din pala nagustuhan ni Ceres yung presentation mo.." apologetic nitong sabi na ikinangiti ko. Ang ganda talaga nitong babaeng ito..


"Ok lang yun ano ka ba. Tama lang naman yung ginawa niyo eh. Hindi naman kayo pwedeng mag agree na lang basta basta. Kelangan niyo talagang pagaralan lahat ng proposal na isasubmit sainyo dahil malaking pera ang laging nakataya." Sagot ko.


"Thanks at naiintindihan mo." Nakangiti nitong sabi tapos ay pinirmahan na niya yung mga documents na dapat niyang pirmahan doon sa proposal ko.


"It's done. By the way Jacen may pupuntahan ka ba after this?" Tanong niya sakin matapos pumirma.


"Wala na naman, why?" Casual kong tanong sakaniya.


"Papasama sana ako sayo sa C&C, andun ngayon si Ceres eh. Tinitrain niya ngayon si Cygnus. Idadaan ko lang sakanila yung monthly report ng boutique." Paliwanag nito.


"Itatake over niyo na ba kay Cyg yung pagmamanage ng boutique?" Ako.


"Soon. Ang ojt niya kasi ay yung pagmamanaged ng C&C pati na din yung Hoshidas. Dun namin kukuhanin yung magiging grade niya sa ojt niya." Siya.


"Buti naman at napilit niyo na siyang magtraining? Pero hindi ba complicated yun? She's just an amateur. Dalawa na agad ang ipapamanage niyo sakaniya tapos training lang naman siya." Naguguluhang tanong ko.


"Well Jacen sooner or later hindi lang dalawang company ang papamahalaan niya. She needs to learn kung paano hahatiin ang oras niya sa mga business na patatakbuhin niya in the future. Tyaka Jacen kelangan naming sumugal para matuto. Ako nga nun, highschool palang diba pero nagmamanaged na ako ng mga business namin. Swerte nga sila ni Ceres kasi college na sila ng magsimula silang magpatakbo ng business namin eh." Mahabang sabi nito.


Sabagay, tama si Cass. Natatandaan ko pa noong highschool kami. Lagi akong iniiyakan ni Cass nun kasi sobrang napepressure na siya. Pinagsasabay niya kasi ang pagaaral niya pati na ang pagpapatakbo ng mga kumpanya nila. Tapos kapag wala pa si wowa nun, (wowa din tawag ko sa wowa nila) siya pa ang tumatayong parents nila Ceres at Cygnus. Kaya ako nun, tinutulungan ko siya para kahit papano may karamay siya sa mga problema niya. Ako ang bestfriend ni Cassiopeia. Kung may nakakakilala ng totoo sakaniya, masasabi kong ako yun. Alam ko ang lahat sakaniya. At ganon din naman siya sakin.

UNCONDITIONAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon