KANAN O KALIWA? (kayo? kanan o kaliwa?)
IMELDA ROMUALDEZ
Bumungad sa akin ang mga kaibigan ko na nakapalibot sa upuan, kung saan kami ay madalas na nagpapalipas oras sa tuwing kami ay uuwi dito.
"Oh, Imelda! Hay nako, akala namin ay nakalimutan mo na kami."
"S'ya nga, 'di ka kasi pumunta dito kahapon, kagabi lang din namin kasi nalaman na umuwi na pala kayo."
Nako, eh paano naman ako makakapunta sainyo, eh ang pakiramdam ko nga nagisa ako ng dalawa kahapon, malay ko ba kasi na nandito rin si Ninoy at sumamabay pa ang pag-amin ko kay Ferdinand, at ayan, na-misinterpret niya 'yung mga nangyari, kailangan ko tuloy paliwanagan nang bonggang-bongga.
Ngumiti ako sakanila at may naisip agad na palusot. "Pasensya na, marami lang akong inasikaso nang dumating dito."
Lumapit agad sa akin si Sheryl at kumapit sa braso ko, "Gumaganda lalo ah. " Biro nito sa akin.
"Ay, kahapon nga pala! nakita pa namin si Ninoy.. at syempre, nalungkot kami." Sambit ni Cristina, kumunot naman na ang noo ko sakanya. "Oh, bakit naman?"
"Eh kasi noon lagi kayong magkasama, ngayon hindi na." Nanghihinayang na sagot ni Barbara.
Nag-kibit balikat na lamang ako dito at ngumiti. "Hayaan mo na."
"Pero ha, may bago kaming nakita na gwapo kahapon, bago siya sa aming mga mata. Siguro ay ngayon lang nagpunta dito." Dagdag ni Barbara. Bigla na lamang akong naging interesado sa sinabi niya.
Sino naman ang tinutukoy niya? "Oo at nakasalamin pa nga nang makita namin. Hindi siya matangkad pero pwede na 'no! Wala naman akong paki sa height eh 'no." Hindi matangkad? Nakasalamin?
"Tapos ano pa?" Tanong ko na para bang gustong-gusto malaman kung sino ang tinutukoy niya. "'Yung bang naka polo barong." Kumabog ang dibdib ko.
"Siya 'yung nasa visitor's house diba? At 'yung kasama niya ay natanong ko pa eh. Gusto niyo malaman ang pangalan?"
Napalunok ako nang sabihin niya ang visitor's house.
"Dali na, tinatanong paba 'yan? Sabihin mo na!" Pilit ni Cristina kay Sheryl.
"Ferdinand Marcos. Astig 'no?" Nasamid ako bigla at napahawak sa dibdib ko.
"Ayos ka lang, Imelda? Kumuha ka ng tubig!" Utos ni Barbara kay Sheryl na agad naman tumakbo para kumuha ng tubig.
Iniabot sa akin ang isang basong tubig at habang umiinom ay hinahagod ni Sheryl ang likod ko, "Oh, ano ba ang nangyari sa'yo?" Tanong nito. "Wala naman," sagot ko at ngumiti.
"Eto na nga! Congressman daw 'yon ng Ilocos Norte!" Lalo silang naengganyo sa pag-uusap tungkol kay Ferdinand. Bigla na lamang sila nagtitilian na para bang sila'y nakalimot na may mga lalaki sa paligid.
"Matalino rin daw, sobra! At eto ang pinakamasaya, walang asawa!"
Aba, may mga balak pa ang mga ito na agawin ang Ferdinand ko.
"Eh akin 'yan eh." Wala sa sarili na singit ko sa usapan nila. "Sino? Si Ferdinand?"
"Ah-- eh-- ano, 'yung kwan. 'Yung buko sa taas, ayun oh!" Palusot ko. Mag-isip ka nga muna Imelda! "Ah, oh pa'no? Kung sino nalang ang unang mapapansin, siya na ang magwawagi." At ginawa niyo pang papremyo si Ferdinand ko, eh ako lang naman ang maganda sa paningin niyan, under control ko yata ang gusto niyo.
YOU ARE READING
Congressman and Beauty: When He Falls Inlove with the Girl His Bestfriend Loved
RomanceThen a 36-year-old Ilocos Norte's Congressman Ferdinand Marcos, who had already earned a reputation as an ambitious and media-savvy politician met the 23-year-old Imelda Romualdez, she was dubbed as the 'Rose of Tacloban' because of her natural beau...