PROLUGE

10 2 0
                                    

"Ano na naman ba ito Margaret pwede bang tumigil kana sa pagsusugal lahat na lang ng perang pinapadala ko sayo tinatapon mo na lang sa pagsusugal at pag iinom!". Sigaw ni papa habang nasa baba kami ni ate.

"Wala kang pakealam albert dahil simula ng dumating ka kayo ng anak mong peste sa buhay ko, naging masirable na ang buhay namin ng anak ko". Napatakip ako sa tenga dahil sa sinabi ni mama.

Hindi kami magka dugo nila mama at nasasaktan ako na naging ganito ang buhay ko.

"Ako pa ang may kasalanan! Bakit? Sino ba sa atin ang pumilit di ba ikaw, nagsisi kaba na minahal mo ako. Sagutin mo ako!?".

"OO nagsisi ako kung bakit ikaw pa ang pinakasalan ko, nagsisi ako kung bakit hindi na lang si eman ang pinakasalan ko dahil mayaman siya hindi kagaya mo!".

"Edi sige, maghiwalay tayo dahil sawang sawa na ako dyan sa bunganga mo!".

"Mabuti pa nga lumayas na kayo dito ng anak mo dahil simula sa araw na ito magkalimutan na tayo".

"Talagang aalis ako, at hindi ko rin isasama yang si alicia dahil pa hirap lang yan sa buhay ko!".

"Wow, so ano? Ako ang mag aalaga sa batang yun. Hindi ko yun anak albert at wala akong pakealam kung anong mangyari sa kanya. Sige na lumayas na kayo rito! Layas!".

Napaluha na ako dahil sa nasaksihan ko hanggang sa kinaladkad narin ako ni mama palabas ng bahay.

"Ma huwag po parang awa nyo na po, wala po kaming matitirahan ni papa ma". naluluha kong sabi kay mama.

"Wala akong pakealam alicia, dahil sa tanan ng buhay ko hindi kita tinuring na anak dahil si Channel lang ang anak ko!".

Matapos kaming iwan ni mama sa labas ay nilingon ko si papa na nakatayo habang nakapakit.

"P-pa----".

"Patawarin mo ako anak pero hindi na kita kayang buhayin, I'm sorry pero pagod na ako. Alagaan mo sarili mo, huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo. Mahal kita anak ko".

Magsasalita na sana ako ng pumasok sa sasakyan si papa at pinaandar na ito ng mabilis.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak hanggang sa napag decision ko ng umalis sa tahanan ng aking mama.

Anim na taon palang ako ng maranasan ko na iyon at ito ako labing walo na at labing isa na ang nakaipas ng mangyari ang madilim kung nakaraan at hanggang ngayon ay dala dala ko parin.

"Ali ano kaba tulala kana naman, iniisip mo na naman ba yun?".

"Sorry axl, hindi ko lang talaga mapigilan.  It hurts so much and I can't forget what happened".

"I know ali, pero matagal na ang  nakalipas. Kalimutan muna yun ito kana malaki na ang nagbago sayo".

"Thank you axl,.Salamat sa tulong mo, tulong ninyo ni tita".

"Tinuring na kitang para ko ng kapatid, at isa kana rin sa parte ng pamilya namin kaya huwag kang maopened sasabunutan talaga kita".

Siya si Axl Pineda ang taong tumulong sa akin noon, sila ang umampon at nag aruga sa akin kaya malaki ang pagpapasalamat ko sa pamilya nila.

"Tara na late na tayo sa first subject natin".

"Naku pasensya na".

"Ayos lang halika na nga nag eemot kana naman". Natawa na lamang ako dahil sa sinabi nya.

By the way ako pala si Alicia Diaz 18 taong gulang na at ito ang aking kwento.

𝙏𝙚𝙖𝙧𝙨 𝙊𝙛 𝙋𝙖𝙞𝙣:𝘿𝙧𝙖𝙯𝙝𝙖𝙣 𝙇𝙚𝙖𝙣𝙙𝙧𝙤 (Ongoing)Where stories live. Discover now