CHAPTER 1

32 1 0
                                    

CHAPTER 1

Sa loob ng dalawang oras na byahe mula sa bayan doon sa lugar na pinagmulan ko ay nakarating ako sa daungan ng barko sa isla ng Berlium kung saan nakatayo ang paaralang Arcana Academy.

"Lycia?" Agad akong napatingin sa lola kong siyang nagsama sa'kin papunta rito sa Isla. She's been my mother since I grew up without one.

"Po?" Sagot ko sa kanya. Ngumiti siya at lumapit sa'kin.

"Ang islang ito ay hindi basta bastang napapasok ng isang ordinaryong tao, Kaya maswerte ka at naging isa ka sa pumasa sa mga pagsusulit na ipinadala ng mga taga Berlium," Saad ni Lola. Nakinig ako sa kanya sapagkat alam kong mahalaga ito lalo na at dito na ako mananatili hanggang makatapos ako sa pag aaral.

"Maswerte nga po, Hehe." saad ko at bahagyang natawa.

"Kilala ang Berlium apo bilang pinakakakaibang isla dahil sa malaking talon sa gitna ng kagubatan ng isla, Sinasabing may mga elementong nakatira doon," Saad ni Lola. Nakatayo parin kami habang hinihintay ang susundo sa'kin papuntang Akademya.

"May nakapunta na ba doon lola?" Tanong ko. Lola shook her head.

"wala pa apo, Tanging mga kwento-kwento lamang ang bumuo nito pero ako? naniniwala ako," Sagot ni lola.

Magtatanong pa sana ako pero may dumating na puting kalesa na may logo ng paaralan. I never thought about riding a kalesa papunta doon.

"Oh siya apo, Paalam na. Magiingat ka doon ah? wag ka pumunta sa isinumpang tulay!" Huling litana ni lola at kaagad namang umalis ang kalesa. Kumaway ako kay lola at ngumiti.

Sigurado akong mamimiss ko si Lola.

Ilang minuto mula ng magsimulang tumakbo ang sinasakyan ko ay napansin ko ang kagandahan ng sinasabing isla. matatayog na mga puno at mga magagandang bulaklak sa tabi ng kalsadang nababalot na ng berde dahil sa mga halaman.

Manghang mangha ako sa paligid ng biglang nagsalita abg lalaking nagmamaneho ng kalesa.

"Unang pagkakataon mo sigurong makapunta rito," Saad nito habang hindi ako tinitingnan.

"Ah? opo," Sagot ko sa kanya.

"Narinig ko ang sinabi ng lola mo patungkol sa Sinumpang Tulay," Sabi niya. Sinumpang Tulay? bakit?

Dahil sa mga nabuong katanungan sa isip ko ay naging interesado ako sa nangyari sa sinasabi nilang tulay.

"Bakit po? anong meron doon?" tanong ko dito at umayos ng upo. Hindi ko alam kung sasagot siya pero nagtanong parin ako.

"Halos tatlong dekada na ang lumipas noong isinumpa ng mga taga Berlium ang tulay na iyan. Nakakonekta iyan sa islang pinanggalingan mo," Simula nito.

"Matagal na panahon na iyon, Wag na lamang nating pagusapan." Dagdag nito. Ang gulo naman, Siya nagsimula tapos di tatapusin.

"Ah-eh, Sige po," Sabi ko nalang at binalik ang attention sa paligid.

Ano kaya ang nangyari sa tulay na yan tanging naging tanong ko sa sarili.

Lumipas ang ilang minuto ay narating namin ang sinasabing paaralan. Ang kaninang nagsimula ng maantok kong sarili ay biglang naging masigla ng makita ang parang kastilyo sa sa bandang ibabaw na bahagi ng malawak na damuhan.

Sa damuhan ay doon nakatayo ang mga upuan kung saan nakaupo ang maraming tao. Siguro ay galing sila sa paaralan at kapag wala silang magawa ay pumupunta sila dito.

Dumeretso ang kalesa sa loob ng kastilyo, Kaagad kaming pinagbuksan ng pintuan. Pagpasok namin ay siyang malawak nanaman na lugar sa gitna nito habang mga parang paaralan sa paligid.

Fire Arcana (5 vs. 5 Tournament)Where stories live. Discover now