April 20
MORNING
Insomnia.
Eto ba 'yung tinatawag nilang insomnia? 'Yung hindi makatulog sa gabi kahit anong pilit mo? Iyong naririnig ko nalang bigla 'yung tilaok ng manok dahil umaga na pala ng hindi ko namamalayan?
Paanong hindi ko namamalayan ang umaga? Ang tanging natatandaan ko lang ay hindi ako makatulog at hirap akong makatulog?
Kapag nga lumalabas ako ng kwarto ko at nakikita ko ang nanay ko na nagtitimpla ng kape handa na agad ang paliwanag ko sakaniya.
"Maaga po kasi akong natulog kagabi kaya maaga din ako ngayon." O baka inumaga kaya pa gising.
Naguguilty ako kung minsan na hindi ko mapaliwanag sa kaniya ang nangyayari saakin, pero ano namang magagawa ng pagsabi ko sakaniya ng hindi ako makatulog sa gabi? Edi mag aalala lang 'yon at baka pa bumili ng milo para lang makatulog ako. Dagdag gastusin lang.
"Kakaselpon mo kasi 'yan. Papatayin ko 'yung wifi ng alas dose ng makatulog ka ng maaga." ani tatay.
Hindi parin naman ako makatulog.
Insomnia.
Sabi sa google, common sleep disorder daw 'yun na nagpapahirap saatin na makatulog.
Binababa ko naman na 'yung telepono ko ng alas dies para talagang dalawin ako ng tulog...
Ngayon palang ay natatawa na ako sa reaksyon ng iba pag sinabi ko 'tong nararanasan ko dahil malamang, ang sasabihan lang nila na nagiinarte na naman ako.
Palagi namang kapag tungkol sa akin ay inarte ko lang.
Ngayon palang sa madilim kong kwarto. Nakahigang mag-isa habang ramdam ang mabibilis na paglandas ng luha sa aking mga mata, na ang maaaring tugon nila pag nagsabi ako na may insomnia ako, ay guni-guni ko lang.
Kaartehan lang 'yan. Kakaselpon ko lang 'yan. Kagagaya ko lang 'to sa iba.
Tigil-tigilian ko na ang kabobohan ko at mag-pokus nalang sa mas importanteng bagay. 'Wag na akong maging pabigat pa.
Natandaan ko kahapon dapat maaga akong matutulog kasi magdedeliver pa dapat ako ng pagkain galing sa karinderya namin pero hindi ko nagawa. Kaya nuong nasa motor ako, hirap na hirap ako na muntik na 'kong makabangga.
Muntik pa akong makadisgrasya.
Ayokong makasakit. Ayokong ako 'yung dahilan ng sakit na mararamdaman ng isang tao. Pero dahil lang dito sa bwiset na insomnia na 'to makakapanakit pa 'ko.
Paano nalang kung sinabi ko 'to kay nanay? Edi nag-alala ng sobra para sakin 'yon?
5:55. Oras na lagi kong nakikita sa orasan ko pag napapatingin ako sa oras.
Eto ba 'yung tinatawag nilang angel's hour? Kung oo pwede bang humiling ng kahit kaonting pabor lang?
Sana may pang kain ulit kami bukas. Sana may pang tuition pa kami bukas.
Ang hirap naman kasi ng buhay. Ang hirap maging ako. Ang hirap maging mahirap. Ang hirap magkaproblema.
Oo nga matapang naman ako kaya deserve ko. Pero kapag po ba sinabi kong ayoko na, pwede po bang patigil muna? Hihinga lang naman.
Parang akong hirap na huminga dahil sa sikip ng mundong araw araw kong dinadaanan.
5:56. Nitong mga nakaraang buwan, ito na ang oras na palaging kong naaabutan kapag napapatingin ako sa orasan.
Hindi na siguro ako mahal ng anghel 'no? Hindi ko na nasusumpungan 'yung oras niya eh.
Pwede na bang magpahinga?
Pwede bang pag nadapa, hindi muna tatayo dahil magpapahinga lang, hihinga lang?
BINABASA MO ANG
Amidst the Falls (Abecederio Series 1)
General FictionAbecederio Series # 1 Will I be able to breathe again? babthoreia