Days have passed naging maayos naman ang pakikitungo naming dalawa ni Lance.
"Hi, Im Stefany you are?" tanong nya at naglahad sya ng kamay napataas naman ang isang kilay ko ngayon lang may naglakas loob na kumaibigan sakin mostly kasi yung mga magaaral dito ay mayayaman at sosyalin.
"Heather" maybe meeting new people isnt bad at all. Natapos ang isang subject naalala ko na naman ang panaginip ko. nagulat ako ng may sumakbit sa braso ko si Stefi lang pala
"sabay tayo maglunch no?" tumango lang ako pinagmasdan ko sya ang ganda pala nya di sya tulad ng ibang mga students dito di kasi sya maarte at ang daldal nya grabe. Tingin naman ng tingin yung mga students di kasi sila sanay na may kasama ako.
"anong tinitingin nyo dyan ha? eh kung pagtutusukin ko kaya ang mata nyo" hinawakan ko sya sa kamay para pigilan sya
"Stefi tama na yan hayaan mo na sila"
"waahhh stefi? ang cute naman yun na lang ang itawag mo sakin, mostly kasi tawag nila sakin Stefany or Stef" ayyy oo nga pala Stefany pala pangalan nya sarreh hehehe AH FORGOT.
Umupo kami sa pinakadulo ang dami ko ngang cupcakes sarap kasi eh.
"Uyyyy Heather samahan mo naman ako sa sm mamaya"
"ayoko, di naman tayo close sasamahan kita FC mo teh lamuyun?" kainis to kala mo kung sino nagpasama na nga ng lunch pati ba naman sa sm aba matinde ka boy
"sige na bagong lipat lang kasi ako dito" paawa effect pa to, ano pa nga ba
"oo na" sagot ko kawawa naman baka mamaya may mangyari pa sa babaeng to
"yes, i lab you na talaga pakiss nga beh" ngumusu pa ang gaga sabay lapit sakin
"oy kadiri ka" sabay tulak ko sa mukha ng palad ko.
"hehehe sorry"
sana tama ang desisyon ko nang pagsama sakanya sa sm.
Pumunta na kami ng Sm Tarlac ang dami ngang tao dito eh. Pumunta muna kami sa for me shop yun na puro damit wow nice choice puro pastel colors ang gaganda ng mga damit at ang ganda din ng price.
"uyyy freind sukat mo to ang ganda bagay sayo" tinignan ko naman maganda nga to pumasok ako ng fitting room. Napansin kong eiffel tower ang design kaya may bigla akong naalala
"pag kinasal tayo gusto ko sa paris at dun tayo gagawa ng sarili nating pamilya gusto ko anim anak natin"
"andami naman di kaya malosyang ako kapag anim ang anim natin" sagot ko sakanya
"di ah maganda ka parin nun ayaw mo nun masipag tayo gumawa *wiggles eyebrows"
"hahaha gago"
"Heather matagal ka pa ba?"
"palabas na" naalala ko na naman yun. Lumabas na ako baka maiyak pa ako
"ayyy ang gondo tologo ng bestfriend ko, pwede ka ng pang miss philippines" sabay pose ang gaga ng pang beauty queen.
Pagtapos naming mamili pumunta kaming timezone nagpataasan pa nga kami ng score sa basketball eh at nag tekken pa kami.
"whoooo kapagod no pero masaya kanina nga tumalbog yung bola sa ulo ko eh hahahaha" napangiti naman si Stefi sakin naconcious tuloy ako
"ang ganda mo pag tumatawa ka buti naman di na fake ang mga ngiti mo" napabuntong hininga naman ako.
"ayyyyy diba sabi mo kanina may work ka sa The Bar punta na tayo dali papanuorin kita kumanta" di naman na ako makahindi dahil kaladkad ang aabutin ko.
*at The Bar*
"uyyyy si bunso oh" nagsilapitan naman yung mga ugok samin
"wow is that a freind?" tanong ni Austin sakin inirapan ko lang sya tawa naman sila ng tawa
"o di mo pala sinabi may kasama kang isang magandang dilag" ayyy naku yan na naman si Kier. Lumuhod naman sya kay Stefi at hinawakan ang kamay at hinalikan na ikinagulat naman ni Stefi.
Nagulat naman kami ng makita namin si Kier na napaupo sya sa floor, sinuntok kasi sya ni Stefi.
"yan kasi bro masyado kang playboy, sya na ata si Karma" sabi naman ni Neil. Nanlulumo naman si Kier sa sinapit nya hahaha gago kasi yan tuloy. Umakyat naman kami dahil kakanta na kami.
jusme cheer naman ng cheer si Stefi nakakahiya sya kulang nalang magtumbling sya at umakyat sa stage.
"saan ka pala nakatira Heather? nandito na kami sa sasakyan ni Stefi
"sa may Robertsville, Matatalaib"
"nice, malapit ang bahay ko dun"
pinababa ko nalang sa may kanto dahil mahirap ng makalabas ang mga kotse dahil iikot pa to.
Pagpasok ko ng bahay nakita ko si Lance na nanuod ng the amazing world of gumball nung nakita nya akong dumating ang bilis nyang nilipat nahiya pa sya.
"ganyan ba ang uwi ng matinong babae? tinaasan ko sya ng isang kilay
"hindi, bakit matinong babae ba ako" sagot ko naman makiride nalang
"aba at sumasagot ka pang bata ka" siraulo na talaga to kaya umakyat nalang ako narinig ko naman syang nagsalita
"kinakausap kitang babae ka, napakabastos talaga, hayyy mga kabataan talaga" naku imba talaga ang lalaking to. Ang cute nga nya nung nahuli ko syang nanunod ng cartoons napangiti naman ako, WAIT ERASE ERASE ano ba tong iniisip ko napabuntong hininga naman ako at humiga na para makatulog maaga pa akong papasok bukas.
BINABASA MO ANG
Intense Love
RomanceMove on.... easy to say hard to do. It takes time. your mind and your heart should let go all the pain so that you can enter all the happiness, but 4 years for her isnt enough. will she be able to let other people enter her heart after all the pain...