one shot story

21 1 0
                                    

nandito sya ngayon sa isang sulok ng kanilang campus kung saan hindi masyadong dinadaanan ng mga estudyante tahimik syang umiiyak at naglalabas ng sama ng loob. ang sakit sakit na ng dibdib nya dahil sa sama ng loob na kanyang narardaman. nahihirapan na din syang huminga sa sakit. nasaktan na nga sya napahiya pa. bakit ganon? nagmahal lang naman sya. nagmahal ng taong mahal ay iba.

"hi miss pwedeng makiupo?" naalala nyang tanong ni kurt sa kanya. tanong na kung saan nagsimula ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

nasa first year college sya non at mag-isang nakaupo sa canteen. lumapit ito dahil walang bakanteng upuan. mula noon ay naging malapit sila sa isat isa. best of friends ika nga. kaklase nya rin ito sa lahat ng subject nya dahil nasa block section sila sa kursong business administration. lagi silang magkasama nito.

nang tumuntong sila ng third year ay naging pasaway ang puso nya. nilabag nito ang mahigpit na rule ng pagkakaibigan. she fell inlove with her bestfriend.

"mica may sasabihin ako sayo pero sana hwag kang magagalit." minsan ay sabi nito sa kanya habang nagpapalipas sila ng oras sa kanilang tambayan.

"bakit naman ako magagalit?" pero sa totoo lang ay kinakabahan sya.

nagkamot ito ng ulo. "kasi... kasi may girlfriend na ko"

parang bombang sumabog sa kanyang pandinig ang sinabi nito. hindi nya namalayang naglandas na pala ang mga luha sa kanyang pisngi. ang sakit sakit kasi ng nararamdaman nya. masakit pala magmahal.

"oh bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong nito.

"ang sakit sakit kasi kurt." sagot nya.

"ha? san masakit sayo? dalhin kita sa clinic?"

umiling sya "ang sakit sakit kasi dito" tinuro nya ang kanyang dibdib.

"hwag ka namang magbiro ng ganyan mica." his voice broke

"ang sakit sobra... kasi kurt mahal na kita. pwede bang tayo nalang.. hwag na sya" pakiusap nya

kulang ang salitang nagulat para ilarawan ang itsura nito sa oras na yon. sa sobrang pagkabigla ay wala man lang nasabi ito at basta nalang syang iniwan mag-isa. mapahagulhol sya.

mula noon ay nagbago na ang lahat sa pagitan nila. hindi na sila lagi magkasama dahil lagi na nitong kasama ang girlfriend nito. iniiwasan na rin sya nito kahit magkaklase sila sa lahat ng subject.

hindi nga nya alam kung pano nya naitatawid ang araw araw na buhay nya sa eskwelahan na hindi nya to kasama, na araw araw ay para syang pinaparusahan sa sakit na nararamdaman. ang sakit sakit lang makita araw araw na ang taong mahal mo masaya sa piling ng iba.

"umiiyak ka nanaman?" tanong ni aldrich sa kanya.

"pakialam mo?" pagtataray nya rito.

napabuntong hininga ito at tumingin din sa direksyon kung san sya nakatingin. nasa canteen siya non ganon din si kurt at ang girlfriend nito ng tumabi ito sa kanya.

"ilang araw na kitang nakikitang umiiyak dahil sa kanila, hindi ka pa ba napapagod?" concern na tanong nito.

"pwede ba lubayan mo ako?"

"kung ako nalang ba kasi ang minamahal mo di sana hindi ka nasasaktan ng ganyan." he said it in a nice way.

inirapan lang nya ito. matagal na itong nanliligaw sa kanya ngunit kahit anong pambabasted ang gawin nya hindi pa rin ito tumitigil. hindi naman sa pangit ito,infact gwapo ito, mayaman at maraming nagkakagusto sa campus nila kaya lang ang mga mata nya ay nakafucos lang talaga sa bestfriend nya.pati puso nya hawak na rin nito.

wheels of fateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon