Part 1

33 0 0
                                    

Amanda's Point of View

 

 

Bata pa lang ako, may kakaiba ng nangyayari sa bayan namin. Hindi ko alam kung ano dahil hindi sinasabi sakin ni Inay. Kapag mamamalengke sya, hindi nya ako sinasama. Kahit anong pilit ko, hindi nya parin ako pinapayagan. Pati sa pagpasok sa eskwelahan, hatid - sundo nya ako. Hindi rin ako nakakasama sa mga project namin. Nagre-request si Inay na magsosolo na lang daw.

Halos lahat ng babae sa bayan namin, ganito ang trato. Kapag nga papasok kami sa eskwelahan, may mga takip ang mukha namin. Pulang kapa na may hood ang gamit ko. May nakatakip na tela sa mukha ko.

Ang kwento sa akin ni Inay, para daw sa kaligtasan ko yun, kaya sinunod ko. Ang mga lalaki naman, sila ang nangangaso para sa pangkain ng pamilya, kahit bata o matanda. Hindi ko alam kung bakit ganito sa bayan namin.

Kaming mga babae, kapag nakatungtong na ng labing-walong taong gulang, pipilian ka na ng mapapangasawa. Kahit ayaw namin, hindi namin pwedeng tutulan.

Tulad ko ngayon. Nakatakda akong pilian ng mapapangasawa, dahil kahapon ang ika-labing walo kong kaarawan. Kahit hindi ko gusto, pilit nila akong pinapapayag para sa kapakanan ko.

"Amanda. Hindi ka pwedeng humindi, dahil nakatakda ka na. Naghihintay na ang lalaking napili namin ng itay mo sa simbahan" hinawakan nya ang mukha ko at nilagyan ng kaunting kolorete. "Kinakabahan ka ba?" habang binababa ang mga gamit.

"Hindi. Kinakabahan ako" mahina kong sagot. Lumapit sya sakin at hinawakan ang dalawa kong pisngi.

"Wag kang kabahan, Amanda. Napagdaanan ko na rin iyan, nung kaedaran mo ako. Kahit hindi ko gustong pakasalan ang Itay mo, may narinig ka bang pagrereklamo mula sa akin? Mahal kita. Kaya nga't pinili ang makakaisang dibdib mo na may puso at kabuting loob" niyakap nya ako.

"Kailangan ba talaga nating sundin ang tradisyon?" tanong ko habang sunusuot ang hood.

"Kaya nga tradisyon, anak. Nakasanayan ng gawin ng lahat ng mamamayan ng bayan" paliwanag nya. "Lumabas ka na riyan, para makaalis na tayo" bago lumabas ng silid ko.

Tumayo ako at kinuha ang patalim sa ilalim ng unan ko. Inilagay ko sa ilalim ng mga prutas at tinapay na nakalagay sa basket. Hinahanda ko lamang ang sarili ko kapag may hindi magandang gagawin ang mapapangasawa ko.

Lumabas na ako ng silid ko, at naabutan ko sila Inay at Itay na nag-aayos ng sarili.

"Tapos ka na? Halika na, baka naghihintay na sila roon" naglakad na sila palabas habang ako ay nakasunod lang sa likuran nila.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang tignan ang paligid namin. Sa araw na ikasal kami ng lalaking mapapangasawa ko, bubukod na kaagad kami. Mamimiss ko si Inay at Itay.

Nakarating kami sasimbahan. Pumasok kami at may nakita kaming pamilya. Nahagip ng tingin ko ang lalaking nasa harapan ng altar at halata sa mukha niyang hinihintay nya ako.

Inalalayan ako ni Inay papunta sa  ng altar kung nasaan ang lalaking pakakasalan ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil sa sobrang kagwapuhan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RED RIDING HOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon