CHAPTER 1

2 0 0
                                    

DISCLAIMER: May mga parteng hindi naayon sa tamang gramatika. Pagpasensyahan niyo na. Aayusin ko ito pagkatapos ng lahat.

Kasalanan na bang maging mabuting tao? Kasalanan na bang ayaw kung manakit ng ibang tao? Kasalanan na bang kahit ang sakit-sakit na ng ginagawa ng mga tao sa akin ay di ko parin silang magawang saktan, ni sumbatan man lang. Sinubukan ko namang maging masama, para di ako masabihan na "boring" "plastik" at kung ano-ano pang mga masasakit na mga salita galing sa mga taong nasa paligid ko. Kaso di ko talaga kaya. Mabuti akong tao. Nasobrahan pa nga. Kahit ako, naiinis narin sa sarili ko. Akala ko wala ng magmamahal sa akin kasi nga sobrang boring kung karelasyon. Walang "spice" nga kung tawagin. Pero nagkakamali ako. Noong tumuntong ako sa 3rd year college, may nabulag at pinili akong ligawan. Itong taong pa to ay matagal ko ng palihim na sinisinta. Kaso gaya ng iba kung nagustuhan wala akong lakas mag confess kasi alam ko narin man lang ang kasagutan. Mga tatlong beses ko rin siyang sinubukan itaboy. Sinubukan sabihin na baka nagkakamali lang siya at kung isa man itong pusta, sabihin na niya, kasi kaya ko man itong sabayan, para di siya mapahiya. Kaso napaconsistent niya talaga. Nagtagal lang naman ng isang taon ang kanyang panliligaw. Sa isang taong iyun, bumigay ang puso ko. Sinong hindi mahuhulog sa lalaking consistent? Sa lalaking kahit anong taboy ang ginagawa ko, andyan parin. Sinusuyo ako. Sinong hindi mahuhulog sa lalaking sobrang tindi ng sense of humour at matalino. Plus points nalang na malakas ang dating niya at gwapo. Kaya nga naging crush ko 'yan. So ayun na nga, naging kami. Lumipas ang limang buwan at kung anong tamis ang ginawa niya ng nangligaw siya sa akin ay mas nilagpasan pa niya ito ng naging kami na. Hinahatid niya ako palagi sa silid ko. Paligi kaming magkadikit na tila para kaming magkakasakit pag pinaglayo kami ng iilang minuto lang. OA masyado pakinggan diba? Pero wala eh, hulog na hulog na talaga kami.

Oh iyun ang akala ko...

Ang mga masasayang sandali ay tila nawala ng parang bula ng makita ko sa sarili kung mga mata, ang pagloloko niya. Kitang kita ko kung paano nagdikit ang kanilang mga nanglalangkit na mga labi. Sobra sila kung makapangsunggab sa isa't isa. Na tila uhaw-uhaw na mga nilalang.

Ang sakit. Tanging iyon lang ang naramdaman ko ng araw na iyun. Sakit. Diko alam saan ko pa hinugot ang lakas ko upang makalayo sa hotel na iyun. Iyak ako ng iyak. Pinagtitinginan na ako ng ibang tao dito sa jeep na sinasakyan ko pero wala ni katiting na akong paki alam. Tanging ang nakita ko lang sa hotel na iyun ang paligi kung nakikita. Iyak ako ng iyak. Di ko namalayan ang paglagpas ko sa aking apartment.

"Manong para po!" aniya ng lalaki sa aking tabi. Rinig ko siya kaso nakayuko ako kaya di ko siya nakita. Napilitan akong iangat ang aking paningin ng maramdaman ko ang isang mainit na palad ang marahan akong hinawakan sa aking siko.

"Miss, diba dito ka?" mahinahon nitong aniya. Patuloy parin ang pagtulo ng aking mga luha, kaya di ko maaninag sino ang may ari ng napakaamong boses na iyun. Dinoble ko ang bilis ng pagpahid ng aking mga luha upang maaninag ko na siya.

Kilala ko 'to.

Ito iyong kapitbahay ko. Ang tagal na naming mag kapit bahay, mga anim na taon narin. Kaso tanging mga pag ngiti lang ang nagawa namin pag nagkikita kami. Iyon lang talaga naging interaction namin kahit na magkatabi lang ang mga unit namin.

Ngayon ang unang beses na nagkausap kami.

"Ano bababa ba kayo o hindi?" Nababagot na aniya ng drayber.

Nagulat ako sa pag-angat ng kanyang boses, kaya nataranta akong luminga linga sa paligid. Nag-dadalawang isip ako kung bababa ba o umupo nalang rito. Di nakatakas sa akin ang pagsilay ng tipid na ngiti ng lalaking kabitbahay ko. Napansin niya ito.

"Oh sorry. Ano miss? Baba na tayo? Tulungan na kita." Nakangiting paglalahad nito. Tanging mabibilis na tango lang ang aking nagawa. Napangisi na naman ito. May sakit ba sa pag ngisi itong lalaking ito? Ngunit wala na akong oras pa na mag-usisa. Nagpatiuna na akong lumabas. Di man niya ako hinawakan ngunit ramdam ko siyang naka alalay sa likuran ko. Nakalabas narin kami.

Huminto ako. Huminto rin siya at naghintay akong iaabot niya ang mga gamit ko pero naglakad ulit siya.

"Teka! Hoy! Teka nga!" Pero parang di niya ako narinig at patuloy parin ang kanyang paglalakad. Anong trip ng lalaking ito?

Tawag ng tawag parin ako sa binging 'to hanggang sa marating namin ang unit namin. Doon huminto na siya. Isa-isa niyang ibinigay ang mga gamit ko. Naguguluhan ko itong kinuha iisa-isa.

Ngumiti muna ito sa akin bago ako tinalikuran upang buksan ang pintuan niya. Papasok na sana ito ng pigilan ko.

"T-teka! Teka." lumingon ito sa akin. Nakataas ang kanyang mga kilay.

"Yes?" magalang nitong aniya.

"S-salamat..." Nahihiya kung batid. Mucha na siguro akong enggot nito. Nakakahiya 'to panigurado.

Ngumiti siya. Malapad na ngiti. Kitang kita ko tuloy ang kagandahan ng kanyang mga ngipin. Maliwanag dito sa lugar kung saan kami nakatayo at ngayon ko lang napansin na gwapo pala itong kapit bahay ko. Lalong-lalo na kapag ngumingiti.

"Maliit na bagay. Kompara sa ginawa mo." Di ko siya masyadong marinig sa huli niyang sinabi kasi hininaan niya 'to.

"H-ha?"

"Wala. Sabi ko maliit na bagay." aniya at ngumiti sa panghuling sandali bago isinara ang pintuan.

"T-tekaa..." pigil ko kaso nakasara na ang pintuan.

Diko man lang natanong ang pangalan niya...

Umuwi narin ako sa katabing unit. Doon ko naramdaman ang matinding pagod. Di na ako nagbihis at nanghilamos.

Salamat neighbor... at kinain na ako ng kadiliman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Too Good To Be True. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon