"What the fuck..."
Isang malaking itim na Dragon ang nasa kanyang harapan. Tila napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan, ni hindi ko man lang nagawang magreact o sumigaw sa sobrang pagkabigla.
Ito ba ang sinasabi nilang kabilang buhay? Well hindi naman ako masyadong religious para i-expect na may San Pedrong sasalubong sakin, angel or devil pwede na pero lord... bakit naman dragon... naglalaway pa! Sobrang makasalanan ba ako?
Gustuhin man ng buong pagkatao ko na tumayo lang dito at pagmasdan ang higanteng itim na dragon ay hindi ko iyon magagawa sapagkat nag umpisa na itong gumalaw at pinaikutan ako. Ito na yata ang tinatawag nilang HATOL sa kabilang buhay!
"hmm... MeyZ... WaLAan daANii... hmm" turan ng dragon sa akin habang inaamoy ang kabuuan ko, ang mga mapupulang mata nito'y tutok na tutok sakin. "Zu'tiiras ahsk ok mah."
"Sir English or Tagalog lang po...Please..?" magalang at na nginginig na sabi ko.
"Hmm..." hindi parin ito tumitigil sa pag iko't at pagmamasid sakin. "Bagong nilalang... san ka nagmula? Anung ginagawa mo sa aking paraiso?"
Nanlambot at bumagsak ang tuhod ko ng marinig ang sabihing iyo ng dragon. Sobrang nakakatakot ang malamim na boses nito. Nung hindi ko pa siya naiintindihan kanina medjo kinaya ko pa. Ngunit ngayon, walang parte ng aking sistema ang hindi nanginginig sa takot. So ito pala ang sinasabi nilang ultimate fear.
"Inuulit ko, Anung ginagwa mo sa aking paraiso!"
BINABASA MO ANG
Black Queen
Historical FictionLoreal Lee is a tough and beautiful multi-millionaire business woman who leads a prosperous company at the age of 25. Due to unexpected current events she was force to set sail to Bahamas and pass by the so called and infamous Bermuda triangle. Nev...